20 SUC presidents: Ibalik ang kinaltas sa badyet, dagdagan pa para sa balik-eskwela


Kabilang na si UP President Danilo Concepcion, ipinanawagan ng nasa dalawampung administrador ng mga state and local universities and colleges (SLUCs) ang pagbabalik sa mga nakaambang kaltas sa badyet ng mga SUCs at pagdaragdag ng pondo na ilalaan nila para sa ligtas na balik-eskwela para sa 2023.

Ayon sa 2023 National Expenditure Program (NEP), nakatakdang makatanggap lamang ng pangkalahatang P98.03 bilyong halaga ng pondo ang mga SLUCs sa bansa. Kasama na rito ang Unibersidad ng Pilipinas (UP) na maaaring makatatanggap lamang ng P21.8-bilyon para sa taong 2023, lagpas kalahating kulang kung ikukumpara sa hinihingi ng pamantasan. 

Dagdag dito, itinuturing ang kaltas na ito sa SUCs na anila ay aabot sa 10.48% o P10.89-bilyon bilang pinakamalaki sa sampung taon. Sa UP naman, ang halos P2.5-bilyon o higit 10% na kaltas-pondo ay ang pinakamalaki sa nagdaang pitong taon.

Liban sa bawas sa pangkalahatang pondo ng mga SLUCs, ibinunyag din nilang may P1.8-bilyong kaltas badyet para sa Free Tuition Law na makaapekto sa bilang ng mga estudyante at paaralang makakatanggap ng subsidyo mula sa gubyerno.

Ayon sa kanilang datos, 115 ang mababawasan ang pondo para sa kanilang operason, 83 ang kakaltasan ang badyet para sa pagkuha ng bagong mga kagamitan at pasilidad, at 17 ang mababawasan ng pondo para sa pasahod at benepisyo sa kanilang mga empleyado.

Batay naman sa datos ng Commission on Higher Education (CHED) noong 2020-2021, 10% porsyento lamang sa higher education institutions sa bansa ang SLUCs habang higit 80% ang pribadong mga paaralan na hindi naman pinopondohan ng estado.

Giit din ng mga administrador, pinalala lamang ng budget cuts ang mga problemang kinakaharap sa SUCs at dapat daw dagdagan lalo ang pondo para sa edukasyon upang masuportahan ang mga mag-aaral, fakulti, at kawani—lalo ngayong unti-unti nang nagbabalik-eskwela matapos ang dalawang taon ng online learning.

Samantala, sa gitna ng krisis pang-edukasyon at lumalalang problema kaugnay nito, malaki naman ang nakatakdang ilaan ng administrasyong Marcos at Duterte sa mga opisina nito, saklaw na ang “confidential funds” ng opisina ng presidente na nagkakahalagang P5.15B. 

Makailang beses itong kinuwestiyon ng oposisyon sa Kongreso, lalo’t sa pagdidiin nito ng ibayong pagpopondo sa umanong paniniktik at pagsupil sa mga pagtutol. Ani ng Kabataan Party-list, bahagi ng Makabayan bloc, dapat ay gamitin na ang mga confidential at intelligence funds para pondohan ang mga kakulangang pondo sa edukasyon at kalusugan.

Subalit prayoridad sa 2023 national budget ang pagbabayad sa mga utang ng bansa, importasyon ng mga gamit para sa imprastruktura ng Build Better More, at pagtataas ng pondo para sa mga pwersa ng estado kung saan nakatanggap ng higit 11% na taas-pondo ang militar at pulisya habang patuloy ang kaltas-badyet at kulang na badyet sa edukasyon at kalusugan.

Idiniin ng mga administrador sa kanilang unity statement, “For years, our constituents have called for greater state funding for education. Additional budget is needed for our learning institutions to regain their public character and provide ample support for student services and faculty development. If our state universities and colleges are to be expected to do their duties, they must be funded accordingly.”

Featured image courtesy of Kabataan Partylist Twitter page

Armed struggle will persist to champion masses’ campaigns amid state repression

Para sa mga Estudyante

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *