I <3 CRS.Ang mga katagang ito ay madalas na mababasa sa mga social media postsng mga estudyanteng naghahangad na makatamo ng “complete units”.
Mayroon ding mga pampaswerteng imahe, halimbawa lamang ay ang tanyag na si Pepe the frog na nakahugis puso ang mga daliri. O kaya’t may mga nagpapalit ng profile picture na may framena “I love CRS.”
“Ito ang mahiwagang spaghetti, ipasa mo ‘to sa sampu mong kaibigan para spaghetting pataas at pataas rin ang tsansa mo na makuha lahat ng units sa CRS. Pero pwede mo rin namang i-ignore, para spaghetting pababa na pababa ang tsansa mo na makuha lahat ng units mo sa CRS.”Ang mga salitang ito ay mauulinigan sa isang maikling bidyo na kumakalat sa mga pagitan ng mga accountsng mga estudyante.
Marahil ay nakita mo na rin ito — isang binatang balingkinitan, kayumanggi ang balat, nakasuot ng pawang itim na slacksat converse, itim ang buhok (at pati na rin ang mata!) at syempre, ang hinding-hindi makakaligtaang tampok na katangian niya ay nakahawak ng isang platong naglalaman ng tumataginting na spaghettingnangingibabaw ang kahel at puti.
Bago pa man ang enlistment o registration, maraming mag-aaral ang magpo-post tungkol sa CRS, tulad ng mga nabanggit. Sa pamamaraang ito ay maihatid din sa nakatanggap ng mensahe ang mahihinuhang “cry for help” na idinaan na lamang sa katatawanan ng mga estudyanteng nagbabalat-kayo ng kanilang kaba at pagkadismaya sa sistemang nag-uugat sa pangangasiwa.
Noon pa man, habang mayroong face-to-face classes, isyu na ang kakulangan ng units dahil sa kakulangan sa pondo. Ngunit mas pinaigting pa ito gawa ng budget cutskagaya ng kamakailan lamang na P1.3 billion na budget cutpara sa Unibersidad ng Pilipinas (UP). P16.3- billion ang deficit sa mismong proposal ng UP, kung saan ang naiwang pondo ay kalahati lamang sa iminungkahing bahagi ng badyet. Mas bumaba ang badyet para sa mga guro, pati na rin para sa mga pasilidad; samantalang higit na naglaan ng pondo para sa mga bagay na walang katuturan, tulad ng pag-aarmas sa Bureau of Fire Protection (BFP) at ng P29.2 billion na badyet para sa National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).
Dahil dito, karamihan ng mga estudyante ay nangangamba pagkatapos ng nag-iisang batch run ng pre-enlistment sa Computerized Registration System (CRS) para sa unang semestre ng pang-akademikong taon 2021-2022. Mayorya ng mga mag-aaral ay naka-enlist lamang nang mas mababa sa 12 units, ang minimum load sa panahon ng remote learning. Sa kasamaang palad ay mayroon ding mga estudyante ring nakakuha ng 0 units.
Dalawa sa mga estudyanteng hindi nakamit ang minimum load na 12 units ay ang mga mag-aaral ng Agham Pampulitika na sina Mikaela Lucas, isang incoming third year, at Zed Ninalga, isang shifteeat first-year standing. Sila ay nakakuha ng 3 units at 0 units, ayon sa pagkakabanggit.
“Dati, ako ay nakaramdam ng excitement, kasi I know I have Freshman prio, pero ngayon, mas kinakabahan na kasi first year ko bilang shiftee at walang enlistment priority sa CRS. Ibig sabihin kasi noon, mas mababa ang tsansa kong makakuha ng slots. Idagdag pa na isang round lang ng pre-enlistment ang binuksan ngayon semestre, nakaka-kaba talaga kasi hindi mo alam kung may makukuha ka bang slots,”ani ni Ninalga.
Ayon pa kay Ninalga, bilang isang shiftee mula sa Kolehiyo ng Edukasyon, noong siya ay nagpa-enlistnoon,siya ay nakaranas ng pagkasabik dahil siya ay mayroon pang “Freshman Priority”.Ngunit noong nagdaang enlistment, sapagkat siya ay isang shiftee at hindi niya na makukuha ang prayoridad sa pagpapatala, siya ay nakaramdam ng kaba. Aniya, sa pagkawala ng kanyang status, mas magiging mahirap ang pagkuha ng mga kinakailangang loado subjects.
Ang “Freshman Priority”ay isang pribilehiyo ng mga mag-aaral sa enlistmentsa CRS sa unang taon nila sa unibersidad. Sa pagtatapos ng unang taon sa kolehiyo, ang pagpapa-enlistng mga estudyante ay maikakategorya bilang “kanya-kanya”. Ibig sabihin, naaayon na sa kani-kanilang diskarte at sa CRS ang maliit na probabilidad o pagkakataon nilang makuha ang kanilang kinakailangang asignatura.
“It was frustrating because I planned my classes well pero dahil sa kakulangan ng slots sa CRS baka ma-delay pa rin ako. Nakakalungkot pa noong malaman ko na marami kaming kulang ang nakuhang units sa CRS,” giit ni Lucas.
Si Lucas, sa pagkakaalam na magkakaroon lamang ng isang roundng pre-enlistment batch-run, ay kumakapit sa pag-asa ng pagkakaroon ng mabuting kalalabasan ng sirkumstansya. Ngunit, alam niya na raw mula sa kaibuturan ng kanyang puso na hindi magiging maganda ang kahihinatnan nito lalo na’t online setup ang klase. Sa panahong ito, pawang mga mga guro at mga mag-aaral ang nagpupumiglas at nakikibaka upang maitaguyod ang edukasyon.
Dahil walang nakuhang units si Ninalga, siya ay nalungkot at mangiyak-ngiyak dahil unang beses pa lang itong nangyari sa kaniya. Idagdag pa na unang semester niya ito bilang shiftee kaya’t siya ay mapapasailalim sa probation.
Sa pagkakataong hindi makakuha ng kompletong unitsang mga mag-aaral, sila ay dumadaan sa mga sumusunod na proseso: (1) Waitlisting,ang proseso kung saan ang mga mag-aaral ay maaaring makakuha ng slot kung ika-cancel ng isang enlisted na mag-aaral ang kanyang slot at (2) Teacher’s prerogative, o mas kilala bilang prerog, kung saan kokontakin ng mga mag-aaral ang mga piling propesor upang maka-secure ng slot sa kanilang klase. Ngunit, hindi garantisado na sila ay makakakuha ng slot.
“Kailangan ko pa magmakaawa sa mga susunod na araw para matanggap ako sa mga klase. Nakakalungkot ding isipin na kailangan mag-overload ng mga professors. Hindi rin natin masisisi ang mga propesor at kailangan talagang tugunan ng unibersidad ang mga pangangailangan nila,”diin ni Lucas.
Dahilan din ng kakulangan sa slots ang kakulangan ng mga guro sapagkat hindi sapat ang nababahaging pondo para sa kanila. Sadyang pinapalala pa ito ng kababalita lamang na pagkaltas sa badyet ng UP. Sila ay napipilitan ding mag-overload,kung saan ang mga guro ay mayroong mga klase na hindi na naaangkop sa kanilang kapasidad at inaasahang bilang ng estudyante o klase. Sa kasalukuyan, hindi pa maaaring magpadala ng emailsa mga guro habang hindi pa natatapos ang registration.
Sa kabuuan, ang proseso ng pagpapa-enlistng klase sa unibersidad ay maituturing na isang roller-coaster ride.Hindi mo mawawari ang kahihinatnan ng mga pangyayaring hindi mo naman hawak ang proseso. Sa unang pagsakay sa trak ng riles, saya’t pagkatuwa pa ang mararamdaman, ngunit paglaon ay pagkalula na at pagdadalamhati. Minsan pa nga’y mas gugustuhin natin na matapos na ang biyahe at hindi na umulit pa.
“Manipestasyon ang kakulangan ng units nang hindi pagiging handa ng hindi lamang ng ating unibersidad, ngunit ng buong bansa pagdating sa edukasyon ngayong pandemya. Dahil sa palpak na tugon ng gobyerno at pagbibingi-bingihan ng administrasyon ay maapektuhan ang bawat estudyante sa bansa. Hindi lamang ang pagiging delayed ang negatibong epekto nito, dagdag pa ang hindi pagiging epektibo ng remote learning set-up. Kaya naman kailangan na ang #LigtasNaBalikEskwela dahil ang mga estudyante at ang mga propesor ang patuloy na maghihirap,”ani Lucas.
Ayon kay Lucas at Ninalga, nang dahil sa kakulangan ng units sa CRS, mas malaki ang probabilidad na maantala ang pagtatapos ng mga mag-aaral sa tamang oras dahil hindi pa nila nakukuha ang mga mga paunang kinakailangan o pre-requisitepara sumablay.
Si Ninalga at Lucas ay dalawa lamang sa maraming mga mag-aaral ng unibersidad ang nakakaranas ng kakulangan ng loado unitupang mairaos ang pag-aaral at pagtatapos sa angkop na oras. Mahihinuha na sa nangyayari ay naapektuhan din ang mental at emosyonal na kalusugan ng mga mag-aaral. Hindi maitatangging nakararanas din sila ng stressat anxietyna nag-uugatsa posibleng kahihinatnan ng nasabing resulta ng batch-run.Dahil dito, sila ay nag-aalala sa posibilidad ng pagiging delayedna dumadagdag pa sa kahinaan ng remote learning, lalo na para sa mga breadwinners ng kanilang mga pamilya.
Sila’y pawang natatakot na kung magpapatuloy ang ganitong kalakhan sa pag-aaral. Ang lahat ng mga mag-aaral, partikular na ang mga breadwinner,ay magpapaliban muna sa pag-aaral upang makapagbigay ng tulong o sustento sa pamilya. Lalo na’t tayo ay nasa panahon ng pandemya, kung saan ay mas mahirap sumapit ng kaginhawaan. Magiging balakid para sa mga naghihikahos na pamilya, guro at mag-aaral kung magpapatuloy ang ganitong sistema ng kakulangan at kapabayaan.
Habang randomizedat ang CRS ang makakapagpasya kung ilan ang makukuhang units, hindi lahat ng mga mag-aaral ay swerteng pagpapalarin na makakakuha ng minimum load. Sa isang sitwasyong may supply-and-demand(kung saan mababa ang supply ng mga klase at mataas ang demand ng mga mag-aaral), sinasalamin nito na mahirap matamo ang kalidad na edukasyon, lalo na para sa mga mahihirap na nangangailangang balansehin ang pag-aaral at pagtatrabaho.
Sa kasalukuyan, dalawa lamang sa mga bansa sa buong mundo ang hindi makakapagtaguyod ng pangagasiwa ng harap-harapang mga klase sa mga paaralan, at isa roon ang Pilipinas. Ito ay patunay lamang sa inkompetensiya ng administrasyon sa panahon ng pandemya. Ang buong bansa ay nag-aasam na mapaunlakan ang pagtaguyod ng #LigtasNaBalikEswela.Ang lahat ng mamamayan ay patuloy na nangangarap na manunumbalik muli ang dating sigla at daloy ng karunungan sa mga pasilidad ng mga paaralan sa buong bansa. Ang mga patakarang neoliberalng estado ang bumubukod sa kalidad at libreng edukasyon. Samakatuwid, ang mekanismo ng CRS ay nagbibigay-diin sa kompetisyon, libreng merkado, at garantiyang kalidad. Nawa’y maging hudyat ang kakulangan ng units sa CRS, kakulangan ng mga guro sa unibersidad, kakulangan ng pondo sa sektor ng edukasyon ang pagpukaw ng mga pusong naghihikahos na ipaglaban at makamit ang kaalamang tanging maipapamana sa susunod na henerasyon.
Kaya’t kung tatanungin, “I <3 CRS” ba talaga?
Kapwa dalawa ang maisasagot ng mga mag-aaral. Mahal nila ang pribilehiyong makapag-aral sa isang prestihiyoso at tanyag na unibersidad sa bansa, ngunit mayroon silang pagkamuhi sa sistema ng administrasyong nakahawak sa susi ng tanikalang nakapiit sa leeg ng edukasyon.
Apat na araw bago ang simula ng pasukan, ang panawagan ng mga Iskolar ng Bayan sa pangunguna ng Rise for Education – UP Diliman (R4E) ay iurong muna ang pagsisimula ng semestre hanggang umiiral ang pangangailangan na makipagpaligsahan o dili kaya’y mamalimos para sa units –– hanggang nananatiling hindi handa ang UP. Maaaring lagdaan ang petisyon ukol rito sa bit.ly/MoveTheSemUP.
#UPNotReady
#MoveTheSem
#KilosNaUP
#NoStudentLeftBehind
Featured image courtesy of SINAG Files.