LabCo sa Senado para sa #MakabayangPagbabago


Mahigit 60 milyong Pilipino ang handa nang makiisa sa isang makasaysayang eleksyon at lumikha ng tunay na pagbabago sa darating na Mayo. Ngunit bilang batayan ng ating pagpili, mahalaga munang kilatisin ang iba’t ibang plataporma ng mga kandidatong tumatakbo.  

Kabilang sa mga naghahangad ng pwesto sa Senado ay sina Atty. Neri Colmenares at Elmer “Ka Bong” Labog, na parehong kabilang sa Koalisyong Makabayan. Taliwas sa tradisyonal na porma ng politikong nakabatay sa pabanguhan ng plataporma’t paligsahan ng pangangampanya,  layon ng tambalang #LabCo na lalo pang pagtagumpayin ang laban at kampanya ng bawat mamamayan.

Pinanghahawakan nila ang patuloy na  pangangampanya para sa isang Pagbabagong Makabayan, kasama ang ibang mga partido at makamasang grupo na kabilang sa Koalisyong Makabayan tulad ng Gabriela, Alliance of Concerned Teachers, Anakpawis, at Kabataan Partylist. 

Isinaad nina Colmenares at Labog noong Nobyembre na tututukan nila ang pagkakaroon ng isang siyentipiko, komprehensibo, at makataong pagtugon sa COVID-19. Kasama na rito ang pagtutulak sa mas maayos na sistemang pangkalusugan at libreng accesssa de-kalidad na healthcare. 

Upang matulungan ang ekonomiya mula sa mga epekto ng pandemya, isinusulong din nina Colmenares at Labog na itaas sa P750 ang national minimum wage, pagtaas ng social pension ng mga senior citizen sa P1,500, at pagpapanukala ng wealth tax sa mga malalaking negosyante at panginoong-maylupa bilang pandagdag sa pondo ng gobyerno. 

Bitbit ang kahingian at panawagan ng bawat sektor, itinataguyod ng tambalan ang platapormang nagsusulong ng kampanyang masa para sa taong 2022:  

Pagbabagong Makabayan Plataporma 2022

May 90 araw sa kampanya, bitbit ng Makabayan sa halalang 2022 ang pitong mayor na punto para sa makabayang pagbabago.

  1. Isulong ang siyentipiko, komprehensibo at makataong tugon sa pandemya
  2. Ipaglaban ang tunay ng pag-unlad ng mamamayan gaya ng tunay na reporma sa lupa at pambansang industriya
  3. Ipagtanggol angkarapatang pantao, makibaka para sahustisya at demokrasya
  4. Itaguyod angpeace talks at makatarungang kapayapaan 
  5. Labanan ang korupsiyon, itaguyod angmabuting pamamahala
  6. Isulong angrepormang elektoralpara walisin ang mga traponat bigyang-boses ang marginalized sectors
  7. Igiit angpambansang interes at soberanyalaban sa dayuhang interes gaya ng US at China

Maaaring tumungo sa kanilang Facebook Page upang makita ang mas komprehensibong paliwanag ng plataporma ng Koalisyong Makabayan: https://tinyurl.com/yc2kmnxb

Kaakibat ng pangkalahatang plataporma na inilatag ng Makabayan bloc, mayroon ding mga partikular na plataporma at adbokasiya ang nais isulong ng dalawang kandidato. 

Neri Colmenares 

Kay Neri Colmenares, #KayangKaya!

Si Atty. Neri Colmenares ay isang prominenteng human rights lawyer, ang tumatayong pangulo ng National Union of Peoples’ Lawyers (NUPL) at chairperson ng Bayan Muna Party-list. Sa kaniyang patuloy na pagseserbisyo sa sambayanan,  lagi niyang tinatalakay at pinaglalaban ang mga isyung pangkalikasan, pangkalusugan, pangkarapatang-pantao at para sa pambansang soberanya. 

Sa darating na halalan, nais niyang isulong ang Kayang-Kaya Platform na binubuo ng mga sumusunod: 

Una, nais niyang pagtuunan ng pansin ay ang pagkakaroon ng libreng gamot at pagamot para sa lahat

  • Pagpapatupad ng Free Healthcare Act

Kasama na rito ang pagkakaroon ng sapat at libreng pagpapagamot sa lahat ng public hospital at health facility

  • Epektibo at makataong tugon sa pandemya
    • Libreng testing, quarantine, paggamot, at pagbabakuna
    • Pagbibigay ng ayuda para sa mga apektado ng pandemya
  • P10k para sa mga nawalan ng trabaho
  • P15k na subsidy para sa mga magsasaka at mangingisda
  • Suporta para sa mga community pantry at iba pang anyo ng tulungan

Ikalawa ay ang pagkakaroon ng mataas na sahod at kabuhayan

  • National Living Wage
  • Pagwawakas sa endo at kontraktwalisasyon
  • Pagpapalakas ng lokal na industriya upang dumami ang trabaho sa bansa
  • Tunay na reporma sa lupa at suporta sa mga magsasaka at para sa sapat at murang pagkain
  • Libre o abot-kayang pabahay para sa mahihirap
  • People’s Green New Deal para sa makakalikasang pag-unlad 

Ikahuli, mahalaga sa kanya ang magkaroon ng kapayapaang batay sa hustisya at paggalang sa karapatan

  • Pagtigil sa EJKs at iba pang paglabag sa karapatang pantao
  • Pagsulong ng imbestigasyon at proseso ng International Criminal Court (ICC) at UN Human Rights Council (UNHRC) 
  • Pagbalik ng prangkisa ng ABS-CBN 
  • Pagpasa ng SOGIE Bill at Human Right Defenders Bill
  • Pagbuhay ng GRP-NDFP Peace Talks para tugunan ang ugat ng armadong labanan

Elmer “Ka Bong” Labog 

Lider-Manggagawa, Senador ng Masa!

“Mula sa masa, tungo sa masa.” Ito ang pilosopiya ni Elmer Labog bilang isang unyonista at ito rin ang bitbit niya sa kanyang pagtakbo sa senado. 

Bilang tumatayong tagapangulo ng Kilusang Mayo Uno (KMU), aniya, ang kanyang buhay ay sumasalamin sa mga paghihirap na dinaranas ng masang Pilipino. Ito ay hindi katulad ng mga buhay ng karaniwang nangingibabaw sa politika. 

Para sa kanya, ito na ang tamang panahon upang magkaroon ng tunay na kinatawan ang mahihirap at marhinalisado sa Senado. 

Nais niyang maghain ng isang platapormang nakatuon sa mga manggagawa at uring anakpawis: 

Una, mahalaga sa kanya ang pagkakaroon ng pagtaas sa sahod, upang magkaakses ang mga manggagawang Pilipino sa mga batayang pangangailangan nito. Nais din niyang suportahan ang pagpapasa ng Paid Pandemic Leave na isang bill na inihain ng Koalisyong Makabayan. 

Ikalawa, mahalaga rin sa kanya ang pagkakaroon ng National Minimum Wage. Para kay Labog, hindi dapat magkaroon ng wage disparity sa pagitan ng mga rehiyon sapagkat pare-pareho lang din ang presyo ng mga bilihin sa buong bansa, aniya. Mayroon ding mga pagkakataon na ang mga pangunahing bilihin ay mas mahal sa mga probinsya dahil sa dagdag na gastos ng transportasyon. 

Ikatlo, patuloy niyang isusulong ang pagwawakas sa endo. Sinaad niya na ang kontraktwalisasyon ay ginagamit lamang ng mga employer upang hindi mapanagutan ang mga manggagawa at mapangatwiranan ang mababang pasahod. 

Ikaapat, nais niyang bigyang-pansin ang kalusugan at seguridad ng mga manggagawa. Ito ay dapat maging isang prayoridad, at  responsibilidad ng gobyerno na pamahagian ng nakasasapat na ayuda ang mga manggagawang apektado, lalo na ang mga natanggalan ng trabaho. 

Ikalima, mahalaga sa kanya ang pagkakaroon ng industriyalisasyon sa mga bayan at kinakailangang nakatuon ito sa moderno at makabagong paraan ng agrikultura. Sa pagpapatibay ng mga batas tulad ng Rice Tarrification Law, makikita ang pagiging export-oriented ng bansa. Naaapektuhan nito ang paglago ng mga lokal na industriya at lubos na inilulugmok ang kita ng mga magsasaka. 

Ikahuli, nais niyang lutasin ang mga problema patungkol sa Pension Fund. Ayon kay Labog, ang kasalukuyang Social Security System (SSS) at Government Service insurance System (GSIS) ay nagmumula pa rin sa bulsa ng mga manggagawa. Aniya, kinakailangang maglaan ng sapat na pondo para dito ang pamahalaan upang aksyunan ito.

Mahihinuha mula sa tambalang LabCo at Koalisyong Makabayan ang mga platapormang tunay na makamasa, kumpara sa ibang mga pulitiko na karaniwang pansariling interes lamang ang isinusulong sa puweso.

Kinakailangang magsama-sama at ipagpatuloy ang suporta sa mga maka-mamamayang kandidato at alternatibo sa bulok na politika.

Ito ang kongkretong pangako ng makabayang pagbabago—ang paghulagpos sa bangungot ng karalitaan at paglubog na ginawa ng mga Marcos at Duterte na nais ipagpatuloy ng kanilang mga anak.

#MakabayangPagbabago

#DefeatMarcosDuterte

This image has an empty alt attribute; its file name is cropped-02-sinag-logo_variation-a_black.png



Gabriela urges DOJ: Do not coddle Quiboloy

Mandatong Nababalahura

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *