Kahit una sa survey, Bongbong bumackout muli

Missing in action din ang anak ni pangulong Duterte at vice presidentiable na si Sara Duterte-Carpio. Kinumpirma ng CNN na hindi makadadalo si Duterte-Carpio sa vice presidential debates sa Pebrero 26, ngunit wala raw itong binigay na ni kahit anong paliwanag.


Muling liliban si presidential candidate at convicted tax evader na si Bongbkng Marcos mula sa isa nanamang presidential forum ng media giant na CNN sa darating na Pebrero 27.

Ayon sa kampo ni Marcos, Jr., mayroon muling conflict of schedule sa mga nauna nang kinumpirma ng kampanya ng UniTeam. Hindi na raw nila maaaring tanggapin ang karagdagang imbitasyon.

Matatandaang hindi nagpaunlak ng pagdalo si Marcos, Jr. sa presidential forum ng Kabisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP) dahil din umano sa isang conflict sa iskedyul. Matapos nito, inilabas naman ni Korina Sanchez ang bidyo kasama si Marcos, Jr. na nagluluto ng pinakbet.

Missing in action din ang anak ni pangulong Duterte at vice presidentiable na si Sara Duterte-Carpio. Kinumpirma ng CNN na hindi makadadalo si Duterte-Carpio sa vice presidential debates sa Pebrero 26, ngunit wala raw itong binigay na ni kahit anong paliwanag.

Samantala, sa kabila ng kaliwa’t kanang conflict umano sa iskedyul, makadadalo si Marcos, Jr. sa presidential debates ng SMNI News bukas, Pebrero 15. Pag-aari ito ng sex trafficker at self-styled preacher na si Apollo Quiboloy. Kilala ang plataporma bilang kanlungan ng disimpormasyon at state propaganda.

‘Wanted’ ngayon si Quiboloy sa mga kasong sex trafficking by force, fraud and coercion and sex trafficking of children; sex trafficking by firce, fraud, and xoercion; conspiracy”; and bulk cash smuggling.

Nakaraang inendorso ni Quiboloy ang BBM-Sara tandem noong Pebrero 1, at isiniwalat na mananalo umano ang tambalan “by landslide.” Matagal nang dikit ang relasyon ng pamilyang Duterte at ni Quiboloy, mula pa noong alkalde pa lang ng Davao si pangulong Duterte.

BASAHIN: http://bit.ly/3LIKO6H

Nagprotesta naman ang Campaign Against the Return of the Marcoses and Martial Law (CARMMA) ngayong araw upang kundenahin ang naging desisyon ng Commission on Elections (COMELEC) First Division na payagan ang pagtakbo ni Marcos, Jr. Ayon sa grupo, ang pagbabasura ng COMELEC sa kanilang petisyon ay lantarang manipestasyon ng inhustisya.

Painagdidiinan ng CARMMA na hindi lang legal na usapin ang pagdiskwalipika kay Marcos, Jr. Sa halip, ito ay ang tamang moral, pulitikal, at historikal na pagtindig.

“To deny it and say that our petitions ‘lack merit’ is to endorse the historial distortions perpetrated by the Marcoses, whitewash their crimes against the people, and abet their delusions of returning to power,” wika ng CARMMA.

Featured image courtesy of BusinessMirror

Timpla ng mababaw at bulag na ‘pelikula’

Presyo ng langis, tataasan na naman

0 thoughts on “Kahit una sa survey, Bongbong bumackout muli

  1. Excellent beat ! I would like to apprentice while you amend your site, how could i subscribe for a blog website? The account aided me a acceptable deal. I had been a little bit acquainted of this your broadcast provided bright clear concept

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *