Larong Hindi Pambata


Habang tirik 
Ang sikat ni Sol
Kalampag 
Sa tarangkahan
At tinig ng tatlong bagsak 
Ang mga hudyat
Sa oras ng laro.

Handa na ang tsinelas
Lata, garter, at bato
Ayain ang kapitbahay,
At iba pang mga katoto.

Sabi ni Macoy,
Ibahin naman ang laro.
Kaya’t bumuo ng bilog
Ang grupo ng manlalaro.

“Nanay, Tatay —
Gusto kong tinapay
Ate, Kuya —
Gusto kong kape”

Si Sol ay nilamon bigla
Ng mga itim na ulap,
Pumatak ang ulan
Na kulay mabaya’t
Dala ay bala. Sa lakas 
ng kalabog pati ipis
at daga, nagambala.

Agad na tumakbo palayo
Aking mga kalaro. 
Nanamihik din, mga bibig
Na may matres.
Habang patuloy si Macoy
Sa pagsambit,

“Lahat ng gusto ko
Ay susundin mo.
Ang magkamali
Ay papatayin ko.”

#NeverAgain
#NeverForget

Dibuho ni Kyla Buenaventura

Why journalists must become activists this elections and beyond

Hindi ngayon ang huling EDSA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *