Quiboloy, pinakasuhan ang Rappler sa balita ng kamanyakan niya


Kinasuhan ng dosenang kaso ng cyberlibel ng mga tauhan ni Pastor Apollo Quiboloy ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) ang Rappler, mga mamamahayag nito, at apat na sources nito dahil umano sa “pag-aatake, pagyuyurak, at paninira” sa pangalan ng kanilang pastor sa mga investigative reports, videos, at editorials na inilathala simula Disyembre 2021.

Isinampa ang mga kaso sa iba’t-ibang petsa mula Enero hanggang Pebrero 2022 nina Aubrey Madrid Pelera at Rose Gorgonio Corda, mga tauhan ni Quiboloy, at sina Fahad Murphy Ocampo Sangkula at Elias Quinlog Bolanio Jr., mga ministro ng KOJC dahil naging “laughing stock” daw ang kanilang pastor at simbahan.

Dagdag nila, lumabag umano sa Cybercrime Prevention Act of 2012 ang Rappler at mga mamamahayag nito na sina Regional head Inday Espina-Varona, Mindanao bureau coordinator Herbie Gomez, and former researcher Vernise Tantuco.

Kinasuhan din ang mga dating miyembro ng KOJC na sina Arlene Caminong-Stone, Faith Killion, at Reynita Fernandez na isinalaysay ang kani-kanilang mga karanasan sa ilalim ni Quiboloy na inilathala ng Rappler.

BASAHIN: http://bitly.ws/oWR4 

Maaalalang wanted na rin ng US Federal Bureau of Investigation (FBI) si Quiboloy at ang dalawa pa niyang alipores na sina Teresita Tolibas Dandan at Helen Panilag sa mga kasong sex trafficking by force, fraud and coercion, sex trafficking of children, marriage fraud, fraud and misuse of visas, bulk cash smuggling, promotional money laundering, concealment of money laundering, at international promotional money laundering.

TINGNAN: http://bitly.ws/oqgj 

Kinasuhan din ng cybel libel si Jayeel Cornelio, propesor ng sosyolohiya at relihiyon sa Ateneo de Manila University, na nagpahayag lang ng kanyang opinyon ukol kay Quiboloy sa isang balita ng Rappler.

Ipinadala ng Davao City Prosecutor’s Office ang mga subpoena sa mga kinasuhan noong Pebrero 8, 2022. Natanggap naman ng Rappler Inc. ang subpoena noong Pebrero 24, 2022.

Subalit giit ng Rappler na hindi mapanirang-puri ang kanilang mga inilathala. Sa halip, pamamahayag lamang ito ukol sa pumutok na isyu ukol sa pagsampa ng mga patong-patong na kaso laban kay Quiboloy sa Estados Unidos.

Si Quiboloy ay kilalang spiritual adviser ni Pangulong Duterte at sumikat sa mga kontrobersyal na pahayag nito na siya ang “appointed son of God.”

Nakaraang taon, nagviral ang naratibo ng mga biktima ni Quiboloy na pinilit niya umanong makipagtalik at iba pang paglabag sa batas at panlilinlang, bagay na dahilan ng kanyang mga kaso sa US.

Ayon sa pahayag ng US Attorney’s Office Central California District, nakatakdang litisin sa Amerika si Quiboloy sa Marso  2023. Sa kasong sex trafficking pa lang, habambuhay na pagkakakulong na ang parusa.

Featured image courtesy of Inquirer.net

Kontra-Daya: partylist system, “hijacked by rich and powerful”

Ang Pag-aaral sa Pagdaluyong ng “Pag-asa ng Bayan”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *