CHED, binatikos sa zero-budget para sa 2022-23 scholarships


Kinokondena ng mga konseho ng mag-aaral ang pansamantalang pagsuspinde ng Commission on Higher Education (CHED) sa aplikasyon sa CHED Scholarship Program para sa mga susunod na first-year college students ng A.Y. 2022–2023.

Isinaad ni CHED Chairperson Prospero De Vera sa isang memorandum na inilathala noong Pebrero 21 na dulot ng kakulangan sa 2022 CHED badyet para for Student Financial Assistance Programs (StuFAPs) ang pagsuspinde sa CSP.

Kinundena ng National Union of Students of the Philippines (NUSP) ang suspensyon at nanawagan ng dagdag-pondo sa edukasyon at pagtigil ng pagtaas ng tuition at iba pang bayarin ng mga estudyante.

“Duterte will leave his Malacañang throne without once providing enough budget for education, despite the Filipino studentry’s calls, and CHED, like always, will simply allow him to.” giit ni Jandeil Roperos, pambansang tagapagsalita ng NUSP at ikatlong nominado ng Kabataan Party-list.

“Neither Duterte nor CHED has the students’ interests at heart,” dagdag ni Roperos.

Dagdag ng grupo, hindi pinakinggan ng CHED at ni Pangulong Duterte ang panawagan ng mga kabataan para sa 10K student aid at ligtas na balik-eskwela habang pinahintulutan ang 56 na aplikasyon sa taas-tuition ngayong taon.

Ikinalungkot din ng Student Council Association of the Philippines (SCAP) ang nasabing suspensyon.

Anila, “all existing student financial assistance programs under the Duterte administration are funded” sa National Expenditure Program o ang iminungkahing badyet. Subalit hindi natuloy ang imunungkahing badyet para sa 2022.

Noong Agosto 2021, maaalalang P52.6 billion lamang ang inirekomenda ng Department of Budget and Management (DBM) sa New Economic Policy para sa 2022 CHED budget kumpara sa hinihinging P62.3 billion.

Hinggil sa budget para sa Free Education Law, P46.79 billion lamang ang inirekomenda ng DBM kumpara sa hinihinging P54.2 billion ng CHED ayon kay de Vera.

Inilalaan ang CHED Scholarship para sa mga kapos-palad, walang tirahan, may kapansanan (PWDs), solo parents at kanilang mga anak, senior citizens, at mga katutubo.

Tumatanggap ng P120,000 kada taon ang mga full scholars sa mga pribadong unibersidad at P80,000 kada taon para sa mga nasa pampublikong unibersidad. P60,000 kada taon naman ang tinitatanggap ang mga half scholars sa mga pribadong unibersidad at P40,000 kada taon para sa mga nasa pampublikong unibersidad.

Dahil sa suspensyon, hindi na muna tatanggap ang CHED ng mga bagong iskolar sa A.Y 2022-2023 habang patuloy namang popondohan ang mga una nang saklaw ng programa.

Hamon ng NUSP sa CHED at mga paaralan na magpatupad ng mga maka-estudyanteng polisiya. Giit naman ng SCAP na magdeklara na ng educational crisis sa bansa.

Sa kasalukuyan, nakabinbin pa rin sa Kamara ang panukala ng Kabataan Party-list para sa 10K Student Aid at Safe Schools Reopening Bill na hindi na rin matalakay dahil sa pagsasara ng sesyon ng Kongreso para sa eleksyon.

#AyokongMagmahal

#LigtasNaBalikEskwela

Featured image courtesy of Rappler.

Panagutin si Duterte sa ekonomikong krisis!

Russia-Ukraine crisis fuels deeper Philippine crisis

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *