Hindi “Legal Front” ng CPP-NPA ang Makabayan Bloc

Pinabulaanan ng Bayan Muna Partylist, miyembro ng Makabayan Bloc ang tahasang pangrered-tag muli ni Pangulong Rodrigo Duterte sa nasabing koalisyon na kilalang kritiko ng kanyang administrasyon.

Sa kanyang pre-recorded Talk to the People noong Martes, Marso 29, iginiit ni Duterte na “legal fronts” umano ng Communist Party of the Philippines (CPP) ang mga party-list ng Makabayan na Kabataan, Anakpawis, Bayan Muna, ACT Teachers, at Gabriela.

“Makita naman ninyo sa behavior nila and the way they espouse their advocacy for a party, left ang talagang drift nila,” aniya.

Dagdag pang akusasyon ni Duterte, “ang problema they are supporting or they are really parang legal fronts ng Communist Party of the Philippines. … Dalawang ulo nito, miyembro ng Congress, sundalo, at hindi lang part-time. ‘Yan ang totoo.”

Subalit, walang maipakitang anumang matibay na ebidensya ang pangulo upang suportahan ang kanyang mga bintang.

Ayon sa Anti-Terrorism Law, itinuturing na krimen ang terorismo na ibinibintang ng gubyerno sa CPP. Gayunman, inalis noong 1995 ang Anti-Subversion Law na nagbabawal sa komunismo. 

Ayon kay Carlos Isagani Zarate, Deputy Minority Leader at Bayan Muna Partylist Representative, “[Duterte’s claims are] clearly lacking inadmissible and credible evidence that will stand in court, Pres. Duterte and his minions now resort to guilt by mere association, a ploy also designed to divert the attention of the people from the failings of the Duterte administration in the past six (6) years, especially during the time of the pandemic.”

TINGNAN:http://bitly.ws/pIgt 

Maaalalang nauna nang finact check ng Rappler si Presidential Communications Operations Office (PCOO) Undersecretary at tagapagsalita ng NTF-ELCAC na si Lorraine Marie T. Badoy nang ired-tag nito ang Makabayan na “urban operatives” umano ng mga komunistang gerilya.

BASAHIN: http://bitly.ws/pIgz

Kinikilala ng Commissions on Elections (COMELEC) ang Makabayan Bloc simula nang itinaguyod ito noong Abril 16, 2009. Nakarehistro din sa ilalim ng Republic Act 7941 o ang Party-List System Act ang mga kasaping organisasyon ng koalisyon.

Ayon sa Section 6.2 ng Party-List System Act, hindi maaaring mairehistro ang mga partido kung “tagapagtaguyod ng karahasan o labag sa batas na mga paraan upang makamit ang layunin nito.”

Nang mapahiya, nagbanta naman si Badoy na kakasuhan niya ang Rappler.

BASAHIN: http://bitly.ws/p4tk 

Maaalalang kinasuhan ang kinatawan ng Kabataan Party-list na si Sarah Elago at human rights lawyer na si Neri Colmenares ng kaso ng kidnapping kay Alicia Lucena noong 2020. 

Ayon kay Relissa Lucena, dinakip umano ang anak niyang pawang umalis ng kanilang tahanan dahil sa mga problema sa pamilya. Desisyon din mismo ni Alicia na sumali sa Anakbayan.   

Kalauna’y binasura ng Korte ang kasong isinampa dahil walang napatunayang ugnayan sa pagitan nina Elago at Colmenares sa CPP-NPA-NDF. 

Nagpetisyon din noong 2021 ang NTF-ELCAC na kanselahin ang rehistrasyon ng Kabataan Party-list sa darating na halalan. Mariin naman itong nilabanan ng partido at nagpatuloy sa pagtakbo upang pangatawanan at isulong ang adyenda ng sektor ng kabataan. 

Isang militanteng politikal na partido sa Pilipinas ang Communist Party of the Philippines (CCP)—kasama ang armadong panig nito na New People’s Army (NPA) at pulitikal na panig nito na National Democratic Front of the Philippines (NDFP)—na naniniwala sa komunismo hindi kailanman lumahok sa eleksyon ng Gubyerno ng Pilipinas (GPH).

Sa kabilang banda, isang legal na koalisyon ng mga kinikilalang lehitimong progresibong partido ang Makabayan Bloc. Naniniwala ang koalisyon sa legal, makabayan, at demokratiko proseso ng pagbabago tulad ng pagtakbo nila ngayon sa Halalan 2022 habang kinikilala ang mga ugat ng armadong pakikibaka at itinataguyod ang GPH-NDF peace talks.

Isa ang Makabayan sa naging sentro ng mga atake ni Duterte at kanyang NTF-ELCAC habang abala silang lahat sa pagiging Top 10 Outstanding Legislators sa Kamara na may pinakamaraming ipinanukalang batas at resolusyon.

#NoToRedtagging
#StopTheAttacks

Featured image courtesy of Philippine Star

Makabayan: Si Duterte ang Number 1 Human Rights Violator

Media censorship and the spread of fake news

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *