2 militar na pumaslang sa aktibista ng Bayan Muna, guilty

Hinatulang guilty ng Regional Trial Court – Branch 42 ng lungsod ng Bacolod sina Roger Bajon at Ronnie Caurino ng 61st Infantry Brigade (IB) ng Philippine Army sa pagpaslang nito kay Benjamin Bayles noong June 14, 2010 sa Himamaylan, Negros Occidental. 

Si Bayles ay coordinator ng Bayan Muna sa Negros at miyembro ng Iglesia Filipina Independiente.

Ayon sa inilabas na desisyon ni Judge Ana Celeste Bernad, pinagmumulta ang dalawang nahatulan ng P300,000 na halaga para sa civil indemnity, moral, at exemplary damages.

Si Bayles ay binaril nina Bajon at Caurino sa Sitio Antolo, Brgy. Suay noong 2010. Nilapitan siya ng dalawang suspek nang naka-helmet habang sakay ng motorsiklo na walang plaka, at ilang ulit na pinaputukan gamit ang baril na di-lisensyasado.

Ayon sa mga ulat, tiniyak ng mga suspek ang pagkasawi ng biktima at binaril muli bago nito nilisan ang lugar. 

Nahuli ang mga suspek sa isang checkpoint malapit sa istasyon ng kapulisan sa may lungsod ng Himamaylan, at nakumpiskahan ng dalawang .45 kalibreng pistola.

Bago ang pagpaslang kay Bayles, madalas na itong naging biktima ng paniniktik ng mga pwersa ng estado mula Mayo 2010. Ito ay hudyat ng kanyang aktibong paglahok sa mga fact-finding missions at mariing pagkundena sa mga abuso ng militar. 

Samantala, noong 2018, pinaslang din ang isa sa mga abogado ni Bayles na si Atty. Ben Ramos ng National Union of People’s Lawyers (NUPL). Nasawi si Ramos sa pamamaril ng dalawang kilalang suspek sa Negros.

Ani Edre Olalia, pangulo ng NUPL, may oras para sa lahat, at ang paghatol kina Bajon at Caurino ay isang mensahe at babala sa mga tinatakasan ang kanilang krimen.

Isinaad ni Olalia ang nakaraang pagpiit kina Gen. Jovito Palparan at mga kaalyado nito noong Setyembre 2018 buhat ng pagdakip nito kina Sherrlyn Cadapan at Karen Empeno, mga mag-aaral ng Unibersidad ng Pilipinas. Pinarusahan sina Palparan ng 40 taon ng pagkakulong. 

Inihayag din ni Olalia ang pag-aresto sa ilang mga tauhan ng Regional Armed Forces Movement (RAM) sa pagpatay at pagtortyur nito kina Ka Lando Olalia, lider-manggagawa, at unyonistang si Ka Leonor Alay-ay. 

Matapos ang tatlong dekada, ang “partial victory” noong 2021 ay nagsakdal kina Fernando Casanova, Dennis Jabatan, at Desiderio Perez sa pagkakapiit ng 40 na taon. Sa kasalukuyan, nananatili pa ring malaya ang ilan pang suspek sa pagpaslang kina Olalia at Alay-ay. 

Pagdidiin ni Olalia, “This is for those still waiting for justice to be served. Have faith. It will come somehow, sometime.”

Featured image courtesy of Yahoo News

Council members prep for university elections, CSSP SC adjusts

Full on-site reporting, hindi epektibo

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *