Walang hustisya sa ilalim ng academic freedom killer at redtagger

Isiniwalat ni Kabataan Party-list first nominee Raoul Manuel ang kawalan ng hustisya sa oras na maging kalihim ng Department of Justice (DOJ) ang kinatawan ng Cavite at kilalang red-tagger na si Boying Remulla.

Isinaad ni Manuel ang tahasang paghaharang noon ni Remulla sa UP DND Accord bill sa Senado, kahit lagpas na ito nang limang mula sa itinakdang huling araw ng pag-apela. 

Nakaraang nakapasa na sa ikatlong pagbasa sa Kongreso ang House Bill (HB) no. 10171 noong Setyembre 21, 2021, at natanggap na ng Senado noong Setyembre 22, 2021. 

Noong Setyembre 30 lamang nag-apela si Remula para sa rekonsiderayon, ngunit tinanggap pa rin ito at iniurong muli ang HB 10171 sa plenaryo. 

BASAHIN: https://bit.ly/3wyucJ3 

Ipinagdiinan ni Manuel na hudyat ng paghaharang ni Remulla, nahadlangan ang pagsasabatas ng nasabing UP DND Accord bill. Dagdag niya, ang isang pulitikong gaya ni Remulla na nambabalasubas sa karapatan ng mga mamamayan ay hindi maaasahang ipagtatagumpay ang hustisya sa bansa. 

Ilan pa sa kaniyang mga kinasangkutang kaso ay ang pagharang din sa prangkisa ng ABS-CBN, at ang pag-aakusa nito sa paglabag sa batas kaugnay ng buwis at umano’y foreign ownership. Sa kasalukuyan, pinaninindigan pa rin ni Remulla ang kaniyang naging desisyon. Inakusahan ni Remulla ang ABS-CBN bilang “bully” at isinaad muli ang matagal umano’y mga paglabag ng network. 

Sa kabila nito, pinabulaanan na ng Bureau of Internal Revenue ang mga alegasyon laban sa ABS-CBN. 

Bilang kalihim ng DOJ, si Remulla ay ang mapag-iiwanan ng mga kaso ng mga pagpatay at pang-aabuso kaugnay ng giyera kontra-droga ng rehimeng Duterte at mga kasong “politically-motivated.” Kabilang dito ang Bloody Sunday noong Mayo 2021 kung saan 9 na aktibista ang pinatay at 6 ang inaresto, ang Tumandok Massacre, at ang kaso ni Sen. Leila de Lima.

Nitong Marso, inulan naman ng batikos si Remulla matapos nitong i-redtag ang mga dumalo sa rally ng tambalang Robredo-Pangilinan sa Cavite, at pagbintangan ang iba bilang bayaran. Aniya, ang ilan daw na dumalo ay konektado sa CPP-NPA, bagaman wala siyang naihaing kahit anong kongkretong ebidensiya. 

Sa kabila ng malinaw na rekord ng paglabag sa karapatang pantao at batas, malugod na tinatanggap ni Remulla ang alok ni Marcos, Jr. Aniya, madami na raw silang napag-usapan ni Marcos, Jr. kaugnay ng pagsasaayos umano ng sistema ng hustisya sa bansa. 

Dagdag dito, magpupulong pa lamang sila ng kasalukuyang kalihim ng DOJ na si Justice Menardo Guevarra. 

Paninindigan naman ni Manuel na hindi karapat-dapat si Remulla, isang “Academic Freedom Killer at Red-tagger,” na maging kalihim ng DOJ. Pagsisiwalat niya, isa lamang tuta ni pangulong Duterte at ng NTF-ELCAC si Remulla.

#DefendAcademicFreedom

Featured image by Philippine Star

Red-tagger Boying Remulla set to be Justice Secretary under Marcos cabinet

#ActivismNotTerrorism: UP POLSCi condemns another red-tagging attack

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *