Bukas na ang gabaldon
Nakalahad ang dalawang braso nito para sa aming naka-asul na palda
Kaking pantalon
Puting kamiseta
Bagong ligo
Ngayong umagang-umaga
Nakapardible ang identipikasyon
Parang etikita
O nakasabit
Parang medalya
Batong gusali ang gabaldon
May dalawang manhid na braso
O mga sementadong pakpak
East wing
West wing
Right wing
Left wing
Principal’s office
Nasa main building
Ang naritong dudumog
Sa strukturang ang sabi ng titser ko
Moog daw ng talino at galing
Ay kami
Eh di kami
Na araw-araw
Pinapatawag
Sa guidance counseling
Bukas na ang gabaldon
Kipkip ko sa kili-kili
Ang batayang aklat ng P
R
O
D
E
D
bukas na ang gabaldon
Anyong lalamon
Batong gusali ang gabaldon
May malalaki itong pintuang bukas sara
Bukas sara
Pero kadalsan nakasara
Pero bukas na ang gabaldon
Baldadong gabaldon
Bulag yata
May nakahanay na mga upuan
Pudpud na isis
May madudulas na sahig
Agiwing atip
May mga paos na pisara
Bintanang bingi
Paos din ang gusali
Minsan bingi rin
Baldadong gabaldon
Hindi niya ako naririnig kapag meron akong mga tanong
Bakit ba ang yabang yabang ng tindig mo
Bakit ba hindi ko maintindihan ang leksyon ko
Malamig lang siyang semento
Mabantot ang hininga ng singaw niya kapag tag-araw
Talsik laway naman kapag tag-ulan
Garalgal ang tinig niya
Kasabay namin siya sa pagbigkas ng aming A
B
C
D
At
One
Two
Three
Iyon ang paborito niyang bahagi
Pagkatapos pumasok sa parehong mga kwarto Nilamon ng parehong apat na kanto
Ngayon
Natuklasan ko
Nalaman ko
Natutunan ko
Matapos mapakawalan ng kanyang mga braso Ngayon/ Nasa noon at dibdib ang L
R
P
Natuklasan ko
Nalaman ko
Natutunan ko
Na dapat buwagin ang kanyang mga haligi