Nangangamba pa rin ang mga residente sa Brgy. Gawa-an, Balbalan, Kalinga dahil sa patuloy na pambobomba ng mga eroplano ng Armed Forces of the Philippines sa kanilang lugar ayon sa ilang ulat na natanggap ng Justice and Peace Advocates of Kalinga noong Huwebes, Marso 9.
Ayon naman sa Cordillera Human Rights Alliance (CHRA), nakatanggap din sila ng ulat mula sa mga residente na una nang binomba ang lugar noong Marso 5, bandang alas-2 ng madaling araw.
“We raise alarm and concern over the safety and security of civilians in the communities, and the long-term socio-economic impacts of military operations in Balbalan and neighboring municipalities. The gunfires and bombings are reported too close to the civilians and residences. The International Humanitarian law that guarantees the safety and security of civilians should be ensured,” sabi ng CHRA sa isang pahayag.
Ayon din sa CHRA, idinetine noong Marso 5 nang pitong oras ang siyam na residente ng Sitio Uta at Codcodwe – dalawang magsasaka na nagpapastol ng kalabaw at pitong dapat sasaklolo sa kanina – bilang bahagi ng umano’y “clearing” purposes.
Umalma rin ang mga residente dahil sa mas maraming sundalo na pinapadala sa lugar, na hindi lamang daw nakagugulo sa kanilang mga hanapbuhay, kundi nagdudulot ng takot sa mga residente dahil sa mahabang kasaysayan ng mga ito ng paglabag sa karapatang pantao.
BASAHIN: https://sinag.press/news/2022/08/21/the-afp-is-a-hypocrite-terrorist/
Noong nakaraang buwan lamang, binagsakan din ng militar ng apat na bomba at pinaulanan ng bomba ang kabundukan ng Cagayan.
BASAHIN: https://sinag.press/news/2023/02/12/ip-group-slams-afp-bombing-runs-in-cagayan-valley/
“We appeal for an immediate stop to the military operations and guarantee the safety and security of civilians in the Kalinga communities,” sabi ng CHRA.
Nanawagan din sila sa agarang pag-imbestiga sa naturang insidente.
“We likewise call for the Commission on Human Rights, International Committee of the Red Cross (ICRC) peace advocates and government agencies to conduct independent and impartial investigations of the incidents, and provide immediate assistance to the affected communities,” dagdag nila.
Sa huli, hinimok ng CHRA na bumalik na ang estado sa usaping pangkapayapaan upang talagang masagot ang ugat ng armadong pakikibaka.
BASAHIN: https://tinyurl.com/GASCPeaceTalks
Featured image courtesy of Northern Dispatch