Huling tulak para sa Cha-cha, sasalubungin ng protesta


Magkakasa ng kilos-protesta bukas, Marso 13, 9:30 n.u., sa harapan ng House of Representatives, upang tutulan ang iniraratsadang Charter Change ng mga kaalyado ng kasalukuyang administrasyon. 

Nakatakda bukas ang huling pagbasa ng House Bill 7352 o ang panukalang nagtutulak ng pagbabago ng saligang batas sa pamamagitan ng isang Constitutional Convention.Â

Giit ng mga tumututol dito, hindi maaaring pahintulutan ang pagbabago ng saligang batas dahil sa gitna ng lumulubhang kalagayan ng taumbayan, pawang interes ng mga nakaupo ang isinusulong nito. 

“In the midst of economic crises, the Marcos-Duterte administration’s solution is to forward a revision of the entire Constitution to allow full foreign ownership of Filipino lands, natural resources, utilities, media, among others,” said Kabataan Partylist UP Diliman in a statement. 

Maaalalang nakapasa ang panukala sa ikalawang pagbasa nito noong Lunes, Marso 6, sa kasagsagan ng pagwewelga ng mga tsuper laban sa PUV Phaseout.

BASAHIN: https://tinyurl.com/Chacha-2nd-Reading

Katulad ng sabi ng maraming eksperto, hindi rin naman pagbabago ng konstitusyon ang sagot sa higit 8% na implasyon, lumalalang kawalan ng trabaho, at iba pang mga problemang kinahaharap ng bansa.Â

“Constitutional change is not the “silver bullet” or the holy elixir to cure our country’s problems. It is not a panacea to remedy our socio-economic ills or the only means to accomplish our national desires and aspirations,” sabi nga ng UP Diliman Department of Political Science sa kanilang posisyong papel.Â

BASAHIN: https://tinyurl.com/Chacha-Not-A-Silver-Bullet

Umalma din ang mga progresibong grupo sa tinatayang P9.5 bilyon na gagastusin para sa magaganap na Constitutional Convention. 

“Hindi makatarungan ang paggastos ng ganito kahalaga habang ang presyo ng mga bilihin ay lumolobo at karamohan sa ating bansa ay naghihirap,” giit ng UP Diliman University Student Council. 

Higit pa rito, nangangamba din sila dahil maaaring magbigay-daan lamang ang pagbabago ng Saligang Batas sa lalong pagkonsolida ng mga Marcos sa kapangyarihan. 

Sabi nga ni dating Bayan Muna Representative Teddy Casiño, pahahabain lamang ng Cha-cha ang termino ng mga nakaupo, pahihigpitin ang kapit ng mga dinastiyang politikal, at palalabnawin ang mga probisyon ukol sa katarungang panlipunan, karapatang pantao, at pambansang soberanya na sa simula pa lamang ay malabnaw na. 

Dahil dito, anila, dapat talagang salubungin ng sambayanan ang huling pagbasa ng HB 7352 bukas. 

.

Mga kabataang hinuli sa Tinang, tinitiktikan pa rin ng mga ahente ng estado

A healthcare system left untreated

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *