Maharlika Investment Fund, may magagawa nga ba?


Sa Martes, Hulyo 18, pipirmahan na ni Bongbong Marcos ang panukala para sa pagtatag ng Maharlika Investment Fund. Matapos iratsada sa kamara sa loob lamang ng 17 araw at ipilit sa Senado sa kabila ng malawakang pagkundena ng mga eksperto at publiko, malinaw ang tanong ng bayan: may magagawa nga ba talaga yang Maharlika Investment Fund na ‘yan?

BASAHIN: https://twitter.com/pahayagangkapp/status/1663877526954065925?s=46&t=7E34NUtusSwc909E4i5H0w

Sa madaling salita, ang MIF ay pondo na maaaring pagkunan ng pamahalaan para mamuhunan sa mga salapi at proyektong inaasahan nilang magkakaroon ng mataas na Return on Investment. Sasailalim ito sa kontrol ng Maharlika Investment Company (MIC) sa pangunguna ng siyam na miyembro ng Board of Directors na itatalaga lahat ng pangulo. 

Gagamiting panimulang puhunan ng MIC ang pera ng dalawang Government Financial Institutions (GFIs) – P50 bilyon mula sa Land Bank of the Philippines at P25 bilyon mula sa Development Bank of the Philippines – pati na rin ang P50 bilyon mula sa mismong pamahalaan. Sa unang bersyon, bilyon-bilyon din dapat ang kukunin sa Government Service Insurance System (GSIS), Social Security System (SSS) at taunang badyet, ngunit tinanggal ito matapos umani ng matinding pagbatikos. 

BASAHIN: https://sinag.press/news/?s=maharlika

Sabi ng mga ekonomistang kumakampi kay Marcos, “malaking tagumpay” para sa administrasyon ang pagpasa ng MIF. Sabi ni Congressman Joey Salceda ng Albay, Pilipinas na lang ang pangunahing ekonomya sa ASEAN na walang Sovereign Wealth Fund o Sovereign Investment Fund. Dagdag niya, magiging “weapon of mass development” ang MIF para sa ekonomya. 

Pero para sa mga kritiko, baka maging “weapon of mass destruction” pa nga ito. Sabi ng 21 na ekonomista mula sa UP School of Economics, kahit sa bagong bersyong, hindi pa rin natugunan ang mga problemang pinupuna sa panukala. Taliwas raw ang MIF sa mga batayang prinsipyo ng ekonomiks, at malaking banta nga daw ito sa ekonomya. Dahil daw sa hindi malinaw na direksyon, kakulangan ng pondong maaaring ilaan dito, at sitwasyon ng pandaigdigang ekonomya, baka masayang lang ang bilyon-bilyong pera ng taumbayan na ibubuhos dito.

BASAHIN: https://econ.upd.edu.ph/dp/index.php/dp/article/view/1551

Malaking katanungan din para sa mga kritiko ang seguridad ng pondo mula sa pangungurakot. Sabi nga ni Enrico Villanueva, ekonomista sa UP Los Baños, ilang beses na ring nagamit ang ganitong mga programa para sa korupsyon. Ilang halimbawa na lamang ang Coco Levy fund scam,  Philhealth scandal, at SSS stock market scandal. Kung itatalaga lang din naman ng pangulo ang lahat ng direktor at wala namang malinaw na paraan para mapanagot ang mga ito, pinangangambahan nilang pandarmbong lang din ang kahihinatnan ng Maharlika, lalo na sa ilalim ng isa na namang Marcos sa Malacañang. 

Sabi ni Marcos, makakatulong ang MIF na maibsan ang kahirapan at pabilisin ang kaunlaran. Sabi naman ng mga kritiko, wala itong magagawa kundi magbigay-daan sa pandarambong at isugal ang pera ng sambayanan. Pero ano nga ba ang totoo? At ano nga ba ang pulso ng bayan?

Ibigay ang inyong komento. 

400 na bahay sa Valenzuela, iligal na giniba

Sana may puso ang honor and excellence: CSSP majors plead for grad req leniency

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *