Ka Bagani: Sining na Makamasa at Makabayan Para sa Pambansang Katubusan at Paglaya


Noong Agosto 16, ang kilalang rebolusyonaryong pintor at ilustrador na si Parts Bagani ay pinaslang sa Barangay Cannery Polomolok, South Cotabato ng mga operatiba ng militar at pulisya. 

Sa kanyang trabaho bilang isang gerilya at manggagawang kultural, hinamon niya ang limitasyon ng sining biswal sa pamamagitan ng kanyang pagpaksa sa danas ng masa — mula sa pang-aapi, pagsasamantala, kawalan ng katarungan at pagpatay ng mga naghaharing-uri sa kanayunan — at sa paglunsad ng armadong pakikibaka para sa pambansang katubusan at panlipunang paglaya. Inialay niya ang kanyang buhay at talento sa sambayanang Pilipino at sa kanilang pakikibaka laban sa imperyalismo, pyudalismo at burukrata kapitalismo.

Noong 2007, ang kanyang obra ay ineksibit sa UP Diliman at ito ay nakatanggap ng maraming papuri mula sa mga kapwa niya artista at mga kritiko dahil sa natatangi nitong anyo at istilo. Sinulat ni Teo Marasigan sa Pinoy Weekly na ang mga obra ni Bagani ay nagpapakita ng isang mala-optimistiko at makataong paglalarawan ng armadong rebolusyon. 

Isa sa kanyang mga obra na pinamagatang “United Front” ay isang ilustrasyon ng karaniwang nagaganap sa mga mobilisasyon. Dito, malinaw niyang inilarawan gamit ang mga placards ang mga panawagang madalas nating makita sa rally, kasama ang mga aktibista at ang lumulutang na ulo nina Marx, Lenin at Mao sa kalangitan.

Karaniwang makikita sa kanyang mga obra ang mga may nakakuyom na kamao at pagtaas ng mga baril dahil sa impluwensya ng Yenan Forum ni Mao Tse Tung. Unang nagsimula ang rebolusyonaryong sining ng Pilipinas sa mga pulang mandirigma noong unang bahagi ng dekada 70 at sinuportahan ng Nagkakaisang Progresibong Artista sa Arkitekto. 

Ang pinaka-interesanteng obra ni Bagani ay ang revolutionary art na “Evacuation” kung saan ang paglalarawan nito sa kanayunan, sa mga tao at sa sikat ng araw ni Amorsolo ay pumapaksa sa masalimuot na epekto ng pandaigdigang kapitalismo. 

“The shift of emphasis by a title from the act of evacuation, or militarization, to that of hope — hope that is revolutionary or Biblical or both — without discounting the tragedy of war, would have offered people another view of the painting and the war it depicts. The red skyline, interpreted by many as the red of anger or war, becomes the red of the socialist promise,” ayon kay R. Kwan Laurel ng The Philippine Star.

“While the other works are mostly representations of New People’s Army fighters in their various poses, usually romantic and optimistic in the depiction, it is ‘Evacuation’ that is the only piece among the large (three-by-five feet) or small works that has a narrative to it. The others are representations: idyllic greenery with guerrilla fighters who usually make their appearance in silhouettes. There is no story line. Obviously the narrative of the most interesting painting is about an evacuation, but this is only part of the story,” dagdag pa niya.

Ang kanyang mga kritika laban sa imperyalismo ay naipakita ni Ka Parts sa pamamagitan ng pagpaksa niya sa mga suliraning nararanasan ng mga proletaryado. Dahil mabigat na pataw ito sa kanyang puso’t isipan bilang isang ilustrador, ginamit niyang midyum ang sining upang isatinig ang daing ng kumakalam na mga sikmura ng mga manggagawa at ng inhustisyang nararanasan ng nakararaming dayukdok na masa.

“The strokes he made in them are telling of his conviction. They are uncompromising and vibrant, alive. There is not an excess of lines but an emphasis on the autonomy of his subjects; they can live on their own, desiring freedom. His strokes seem to attempt at matching the labor of his subjects. It is impossible to imagine Parts Bagani having a laid back time, painting/sketching. He mirrors and honors the movement’s praxis. Burgis artists would frame “simplicity” of rural life, but Parts counters by showing fullness,” mula sa Tweet ni DLS Pineda, isang manunulat. 

Ang sining ay ang pagdanas natin sa mundo. Mas nalilinang nito ang ating imahinasyon at kapasidad na sumuri o mag-isip dahil pinapagana nito ang ating kamalayang sosyal. Sapagkat ito’y  gumagamit ng iba’t ibang uri, porma, estilo, at teknikalidad, maaari itong pagdalugan ng mga matatayog na diskurso na kailangan upang maiangat ang iba’t ibang kaisipan at mapaunlad ang iba’t ibang diskurso sa lipunan.

Wika nga ni Prop. Brenda Fajardo: “One way of appraising the state of a society is to measure the state of its art, for art contains the ideas, thoughts, feelings, aspirations, spirit, and angst of the people who create it.” 

Ang tunguhin ng makamasa at mapagpalayang sining ay upang makagawa ng tunay na pagbabago. Taliwas ito sa alam nating lahat na “poverty porn” na gumagamit ng stereotype ng mga mahihirap upang makakuha ng simpatiya at makalikom ng anumang uri ng kapital.

Ang punto ay hindi natin kailangan ng mga mayayaman upang kumatawan sa mga mahihirap. Ang kailangan natin ay ang mga taong handang sumama sa protesta ng masa at makiisa sa kanilang laban para sa kalayaan.

“Art and critical criticism isn’t saying what is the “good” and “bad” art. It is the way to evaluate an artwork where it could be relevant (or revolutionary) and where it could be unrepresentative and dangerous,” mula sa Tweet ni Mon Sy, instruktor sa UP Diliman at guro ng Save Our Schools Network.

Ang pag-alay ni Ka Parts ng kanyang sining sa masa ay isang inspirasyon sa sambayanang Pilipino, sa mga Pulang mandirigma at sa mga rebolusyonaryong manlilikha na kaisa ang mga manggagawa at magsasaka sa kanilang adhikain at pakikibaka upang baguhin ang lipunan. 

Magandang mapaghalawan ng aral ang buhay ni Ka Parts para sa mga progresibo at rebolusyonaryo upang ipagpatuloy ang layunin ng sining maglingkod sa sambayanan. Sabi nga niya, “Hindi sa akin ang lahat ng ito. Hindi ko pwedeng angkinin ang mga likhang ito bilang sa akin. Sa masa ito, sa kilusan.”

Naniniwala akong hindi lamang isang simpleng sagisag o kathang nilagyan lamang ng kahulugan ang konsepto sa pangalan ni Parts Bagani. Maaari siyang maging sinuman at maaari siyang sundan. Kung ano ang dapat maging tunguhin ng mga manlilikha ng sining ay hindi upang balewalain ang karanasan ng masa, kundi upang ilarawan ang ating sitwasyon sa ilalim ng mga dominanteng institusyong hawak ng bansang imperyalista at monopolyo burgesiyang sa patakarang neoliberal at palakasin ang mga panawagan upang makamit ang panlipunang pagbabago.

Ang sigaw para sa katarungan ang malinaw na pinakikilos ng sining. Lagi’t lagi nating tandaan na hindi maihihiwalay ang sining sa lagay ng ating lipunan. Hangga’t umiiral ang inhustisya at pagsasamantala, hindi mahahadlangan ng kahit anong puwersa ang pag-usbong at paglaganap ng sining na mariing na pinapaksa ang lumulubhang kondisyon ng lipunan.

Kung bakit ang sining ay dapat naglilingkod sa masa ay dahil may pangangailangan para rito.

Lahat tayo ay may kakayahang maging Bagani.

Featured image courtesy of PRWC.

This image has an empty alt attribute; its file name is 02-sinag-logo_variation-a_black.png

Duterte’s pandemic response: Unscientific, wasteful, and anti-poor

Issues with voters’ registration, raging pandemic threaten to derail 2022 elections

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *