Sugarol na sundalo sa Bukidnon, walang habas na namaril ng pitong sibilyan


Nag-amok at namaril ng pitong sibilyan ang isang lasing na sundalo dahil umano sa  isang alitan sa isang pista kapistahan sa Bukidnon noong Oktubre 17.

Ang sundalo ay kinilalang miyembro ng Retooled Community Service Program (RCSP) ng 72nd Infantry Battalion, ulat ng Mt. Apo Subregional Operations Command New People’s Army – Southern Mindanao Region.

Batay sa mga saksi, naglalaro ng “hantak,” isang ilegal na sugal, sa Brgy. Calapaton ang naturang sundalo nang makaalitan niya ang isang biktima. Nagsimulang magpaputok ang sundalo gamit ang kanyang .45 kalibreng pistol. Isinugod sa ospital sa karatig bayan ng Kibawa ang mga nasugatan, kasama na ang lasing at sugarol na sundalo.

Ayon sa mga nakalap na impormasyon, sa Brgy. Metabago talaga nakadestino ang sundalo, pero pumaroon sa Brgy. Calapaton para sa isang pista. May mga nagsasabing agresibo na ang nasabing sundalo bago pa man ang pag-aamok nito.

Ayon sa isang Grade 11 student, inatake umano siya ng sundalo nang siya ay namili ng pagkain sa Brgy. Dalurong. 

Batay rin sa ulat ng SMR, ani Junie, isang magsasaka, noong una ay tila hindi pa mapanakit ang mga sundalo at ang ilan pa raw ay tumulong sa ilang gawain sa lugar. 

Ngunit matapos ang ilang linggo, naging pasimuno umano ang mga sundalo ng inumanat sugal tulad ng pagsasabong.

Kaugnay ng pamamaril, hindi ito ang unang kaso ng pang-aabuso ng mga sundalo Nito lamang 24 ng Oktubre, Linggo, limang sibilyan ang pinatay ng PNP-Masbate matapos ang isang alitan sa pagitan ng pulisya at ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) sa Brgy. Bugtong, Mandaon, Masbate.

Ang RCSP ay sinasabi umanong paraan ng pamahalaanupang palakasin ang pwersa ng militar sa kanayunan. 

“This recent incident reminds us of the inherent fascism of the AFP. However much they try to deodorize the evil stench of their anti-people tradition, AFP troops will always be considered the evil enemy by the millions of peasants and Lumad in Bukidnon, North Cotabato, Davao del Sur, and elsewhere in the region,” ani Isabel Santiago, tagapagsalita ng NPA-Mt. Apo Subregional Command.

Featured image courtesy of PhilAtlas

Where do the 2022 Presidential Candidates stand on the SOGIE Bill?

“Violators” of Anti-Terror Law: Terrorists or Falsely Accused Minorities?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *