“No vax, no labas policy”: inaalmahan dahil hindi raw solusyon sa pandemya


Inaprubahan na ang resolusyon sa National Capital Region (NCR) na “No vaxx, no labas policy” noong ika-4 ng Enero, Martes, kung saan pinagbabawalan lumabas ang mga hindi bakunadong mamamayan. Ayon sa resolusyon, papayagan lamang lumabas kung kukuha ng mga essential goods o magtatrabaho. 

Sa lungsod ng Quezon, nagpapataw rin ng multa para sa mga lalabag nito. Hindi rin papayagan ang mga hindi bakunado na pumasok sa mga establishmentna may dine-inhabang ang mga manggagawang hindi pa nakakatanggap ng kumpletong dose ng bakuna ay kinakailangang sumailalim sa COVID-19 test kada dalawang linggo. 

Nagpahayag ng oposisyon si Kilusang Mayo Uno (KMU) Chairman Elmer Labog sa mandatong kailangang magpa-test ng mga hindi bakunadong manggagawa. “Many workers in the capital region earn only about P500 a day, while testing for coronavirus costs at most P4000,” wika ni Labog. 

Pagdidiin ng mga kritiko na ang polisiyang ito ay  hindi makatao at hindi tinutugunan ang kasalukuyang isyu sa bansa. . 

Ayon kay Cristina Palabay, na kalihim ng human rights groupna Karapatan, “Prohibiting access to basic services such as public transportation and threats of possible arrests and detention of unvaccinated individuals if they go out of their homes are certainly highly questionable policies that violate their rights.”  

Ang mga polisiyang ito ay manipestasyon ng kakulangan sa pagbibigay-pansin sa iba’t ibang sektor ng lipunan katulad ng edukasyon, ang mga health workers at ang estado ng ekonomiya lalo na para sa mga marginalisado. 

Ayon kay Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate, “The national budget is not designed to save the lives of Filipinos but to pander to the security sector’s militarist whims and at the same time, enrich the makers of arms and war materiel.” 

Imbis na paglaanan ng karampatang badyet ang mga esensyal na serbisyo’t sektor, mas malaki  pa ang pondo para sa pagbili ng mga misil at armas. Dagdag pa rito ang mga budget cutssa Philippine General Hospital (PGH) at Food and Drug Administration (FDA) habang may dagdag na P28 milyon ang Philippine National Police (PNP) at P2.05 bilyon para sa AFP Modernization Program. 

Malaki ang magiging epekto ng “No vaxx, no labas policy” lalo na sa patuloy na panawagan ng mga mag-aaral at ng buong sektor ng edukasyon para sa Ligtas na Balik Eskwela.  

Ayon sa inilabas na alituntunin ng Unibersidad ng Pilipinas (UP) patungkol sa pagkakaroon muli ng face to face classes,isa sa mga minamandato ay ang pagiging fully vaccinated ng mga mag-aaral bago payagang lumahok dito. Paggigiit ng mga estudyante na marami pa ring mga estudyante ang walang sapat na kapasidad na mabakunahan, lalo na ang mga mula lugar na hindi nabibigyan ng vaccination programs at ang mga immunocompromised na indibidwal. 

Nang makapanayam ang dalawang miyembro ng College of Social Sciences and Philosophy Freshie, Shiftee, and Transferee Council (CSSP FSTC), similar din ang kanilang naging mga opinyon patungkol sa isyung ito at sa mga implikasyon nito sa ligtas na pagbabalik-eskwela. 

Hindi sinang-ayunan ni Ishi Aguirre, kasalukuyang Vice Chairperson ng CSSP FSTC at BA Political Science major, ang naturang “No vaxx, no labas” policy.  Aniya, hindi ito ang konkretong sagot lalo na at wala pa ring epektibong sistema ng contact tracing, mass testing,at may kakulangan din sa pagkakaroon ng mga isolation facillities.Hindi rin nito nabibigyang-pansin ang mga marginalisadong komunidad na nakakaranas ng mga pinakamalubhang epekto nito. 

Ayon naman kay Gerard Caranzo, isang BA Sociology major at kasalukuyang CSSP Representative to the University Freshie Council (UFC), hindi rin epektibong pamamaraan ang mga “no vaxx, no labas” na polisiya sapagkat nilalabag nito ang batayang karapatan ng mga mamamayan,  lalo na ng mga unvaccinatedna magkaroon ng accesssa mga pangunahing pasilidad at serbisyo. Naniniwala rin si Caranzo na malaki ang epekto nito sa pagbabalik-eskwela ng mga estudyante kaya’t mas magandang itulak na huwag gawing mandataryo ang pagiging bakunado.

Ipinagdidiinan ng iba’t ibang sektor na hindi talaga magiging epektibong solusyon ang pagkakaroon ng “No vaxx, no labas” na mga direktiba sapagkat hindi ito makatao at nakapagsasawalang-bahala  ang mga disadvantagedna komunidad. 

Sa ikalawang taon ng pandemya, puna ng mga mamamayang walang pinagbago at nananatili  ang krisis sa sektor ng kalusugan. Patuloy pa ring pinagpapanawagang magkaroon ng isang siyentipiko, makatao at rights-based na pagtugon sa pandemya. 

Featured image courtesy of Ezra Acayan.

What’s wrong with Bongbong: Marcos Jr. faces disqualification cases

SINAG, balik sa orihinal na page, pagbabalita at pakikibaka

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *