SINAG, balik sa orihinal na page, pagbabalita at pakikibaka

Matapos ang isang taong pagkakasuspinde, muling nagbabalik ang SINAG opisyal na pahayagan ng Kolehiyo ng Agham Panlipunan at Pilosopiya (KAPP) sa orihinal nitong pahina. 

Noon pa man ay kritikal nang nagbabalita ang SINAG ng mga usaping kolehiyo at bayan. Taong 2020 hanggang 2021 nang hagupitin ng paniniil ng estado ang pahayagan. Mula sa malawakang pag-report ng trolls nito sa orihinal na page, pagbabanta sa mga manunulat ng SINAG at pagbabansag sa SINAG bilang terorista. 

Gayunpaman, hindi tumigil ang SINAG sa mandato nitong magbalita. Patuloy itong naglathala ng mga artikulo hinggil sa walang puknat na pananakot sa mga lider-estudyante ng Kolehiyo ng Agham Panlipunan at Pilosopiya (KAPP) at Unibersidad ng Pilipinas. Malawakang korapsyon sa Phil. Health, anomalya sa serbisyong pangkalusugan, kapalpakan at pagiging pahirap ng rehimeng Duterte sa mamamayang Pilipino.

Sinikap rin ng SINAG na maiulat ang mga kaso ng pambobomba at pananakot ng mga militar sa mga mamamayang nakatira sa mga probinsya. 

Makailang ulit ding nangalampag ang SINAG sa administrasyon ng Kolehiyo para igiit ang mga demanda kasama ng iba pang organisasyon. Sa muling pagsisiyasat sa usapin ng pondo,lumitaw na  saklaw ng Other Fees ng mga mag-aaral ng KAPP ang pondo ng pahayagan na dapat ay ibinibigay ng Commission on Higher Education (CHED) sa ilalim ng free tuition. Sa kabila ng mga isyung kinaharap at patuloy na nagpapahirap sa Kolehiyo, Pamantasan, at bayan, tinakdaan sa nagdaang pulong ng SINAG na patuloy ito sa mandatong magbalita at paglahok sa pakikipaglaban sa mali para tamasain ang mga karapatan at kalayaan. 

Kaugnay nito, kasalukuyang naghahanap ang SINAG ng mga bagong news, features, at opinion writers, mga graphic at layout artists, at photographers. Maaari ring magpadala ng mga kontribusyon para sa pagbabalik ng printed copy ng SINAG. 

Ngayong taon, tangan ng SINAG ang mas ibayong pagsusulat, pagkilos at paglaban kasama ng sambayanan. 

Magsign up dito: bit.ly/SINAGSignUp2122

“No vax, no labas policy”: inaalmahan dahil hindi raw solusyon sa pandemya

Bangon sa pagkakabusabos!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *