Ako’y isang Pinoy lamang
Kaya’t huwag ikrus sa noo
Na makikiisa at makikibaka
Dahil sa paghalik ng araw sa lupa mananatili
Maging panatiko ng mga estupido
Luhuran ang mga poong hangal
Hindi ako makapapayag
Piliing maging mulat at totoo
Ako’y isang Pinoy lamang
Kaya’t alisin ang mga agam-agam
Sa kapalarang ako’y para sa bayan
Hayaan na maulit muli
Ang karahasan na dinanas, huwag
Alalahanin ang bayang nagpayanig
Hayaan na maulit muli
Mga bibig na binusalan, huwag
Pansinin ang mga himig ng api
Ako’y isang Pinoy lamang
Huwag iguhit sa kapalaran
Mananaig, kakayahan ng talino at tapang
Dahil sa Araw ng Halalan,
Mga gagong asal mabuting kordero,
Magnanakaw, pasista, at trapo,
Sa patuloy na panloloko ng mga tuso
Ang boto ko. Hindi ako makapapayag
Maging isang tunay na Pilipino.
(Basahin pabalik)
Dibuho ni Kyla Buenaventura