Isang estudyante, arestado matapos ‘taniman ng baril’ sa sariling bahay


Arestado ang isang estudyanteng nagngangalang Allen Omanad sa Viga, Catanduanes matapos umano taniman ng armas ng tatlong lalaki sa kanilang bahay noong Pebrero 13, 2022, alas-dos ng madaling araw. 

Nahanap ng pulisya ang isang 0.38 kalibreng revolver sa kusina ng bahay ni Omanad. Siya ay mula sa Catanduanes State University.

Sinasabi ng pulisya na “ebidensya” umano ito laban kay Omanad. Siya ay pinaratangan din ng pulisya bilang “supporter” umano ng New People’s Army (NPA). 

Batay sa kwento ng kaniyang ina na si Marilyn Omanad, nagising si Omanad  dahil sa pagtahol ng kanilang aso. Nakita nito ang tatlong lalaking naka-sibilyang damit sa loob ng kanilang bahay. Iginiit ng ina na imposibleng magkaroon ng baril sa kanilang bahay. 

“Hinabol niya pero paglabas hindi nya naabutan tapos dumating na ang mobil… Hindi na kami makalabas,” ani Marilyn. 

Inihayag ng mga magulang ni Omanad sa pulis ang umanong pagtakas ng mga suspek. Dagdag nila, ang mga baril ay sinuot sa isang puting plastik at sinuksok sa isang bandara(bungkos ng mga hibla ng abaka).

20 minuto ang nakalipas, dumating ang pulisya at inaresto si Omanad sa ilalim ng isang search warrant na noong Pebrero 11, 2022 pa ang nakatalang petsa. Inilabas at pinirmahan ito ni Hon. Genie G. Gapas-Agbada, isang Executive Judge ng Branch 42 ng Regional Trial Court sa Virac, Catanduanes. 

Batay pa sa ulat ng pamilya Omanad, alam na ng mga opisyales ng barangay ang naturang detalyadong search warrant. Anila, walang ni kahit anong bisyo ang kanilang anak, at lumalabas lamang upang mag-asikaso ng mga gawain o puntahan ang bahay ng kaklase sa Brgy. Roxas.

Featured image courtesy of AlterMidya

Si Len-Len ay Ang Pinagsasamantalahang Manggagawang Pilipino

‘Undemocratic and unconstitutional’: Oplan Baklas condemned by various groups

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *