Lider-masa sa UP, nakaligtas sa tangkang pamamaril


Tinangkang barilin kahapon si Amalia Alcantara, o mas kilala bilang Ate Bebang, matapos pagbabarilin ng mga hindi pa kilalang lalaki  gabi ng Marso 12 sa Maginhawa, Diliman.

Mabuti na lamang at hindi natuloy ang pagpapaputok ng baril sa kanya dahil agarang rumesponde ang mga residente sa lugar.

Dalawang di-kilalang lalaking lulan ng itim na motorskilong walang plaka ang humarang sa kanya at inilabas ang isang kalibre .45 na baril.

Ani Alcantara, narinig niya ang isa na sinabing “Tirahin mo na” ngunit nataranta ang mga lalaki sa pagresponde ng mga tao sa erya.

Dagdag pa niya, kukuha lang siya ng donasyong bigas para sana maisaing dahil may ilang araw na silang walang makain na ikinaulcer pa ng kanyang ina.

“Basta mga lumalaban nang tama, gusto laging ipapatay. Buti na lang magaling akong makaramdam,” saad ni Alcantara.

Ayon sa NAREPOMA, bago man ang insidente ay napapansin na ang red-tagging at paniniktik ng mga miyembro ng PNP-CIDG sa Pook Malinis at iba pang komunidad sa UP.

Si Alcantara ay lider-masa ng Nagkakaisang Residente ng Pook Malinis (NAREPOMA) at Kariton ng Maralita Network at dati nang nakatanggap ng mga banta sa buhay na papatayin dahil sa kanyang aktibismo.

“Ang walang sawang pag-atake sa mga maralita ay manipestasyon ng kainutilan at kapabayaan ng rehimen sa agarang pagtugon sa pangangailangan ng mamamayan,” pagkundena ng NAREPOMA sa atake.

#StopTheAttacks

Uniteam will fall if united opposition will rise

Chad Booc and Kevin Castro are not terrorists

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *