Magkakaroon ng College of Social Sciences and Philosophy Student Council (CSSP SC) special elections para sa mga bakanteng posisyon ng mga kinatawan ng Departamento ng Kasaysayan at Linggwistiks, ayon sa anunsyo ng CSSP Office of Student Affairs (OSA) noong Nobyembre 9.
Nagsimula na ang pagpapasa ng Certificate of Candidacy (COC) noong Nobyembre 9.
Sa mga nagnanais tumakbo, magyaring i-download ang COC rito: https://tinyurl.com/Special-Election-2022-COC at i-email ang lahat ng mga requirements sa cssposa.upd@up.edu.ph na mayroong subject na “CSSP SC Elections_Surname, First Name” sa araw o bago ang huling araw ng pagpasa sa Nobyembre 14, Lunes, 5pm.
Sa Nobyembre 14 din ilalabas ang unang opisyal na listahan ng mga kandidato. Ito rin ang unang araw ng pagsusumite ng apela laban sa mga kandidato na magtatapos sa Nobyembre 16, Miyerkules. Sa Miyerkules din ilalabas ang pinal na opisyal na listahan ng mga kandidato.
Magsisimula naman ang opisyal na panahon ng pangangampanya sa Nobyembre 17 hanggang 23 na tataggal lamang mula 8am hanggang 4pm kada araw.
Sa Nobyembre 23 gaganapin ang miting de avance habang sa Nobyembre 24, mula 8am hanggang 7pm, ang araw ng pagboto. Iaanunsyo rin ang resulta ng eleksyon sa parehong araw.
#BumotoKAPP2022
Featured image courtesy of CSSP Office of Student Affairs Facebook page