“Walang lugar ang red-tagging sa ating mga paaralan!”


Taliwas sa pagsulong ng siyensiya at sa core values ng Philippine Science High School (PSHS) na“Integrity, Excellence, and Service to the Nation” ang pagbibigay daan sa kahit anong aktibidad ng NTF-ELCAC. 

Kabataan Partylist

ON PSHS-CAR’S ENDORSEMENT OF A RED-TAGGING SEMINAR BY THE NTF-ELCAC


“WALANG LUGAR ANG RED-TAGGING SA ATING MGA PAARALAN” 

Mariing kinundena ng Kabataan Partylist ang pag-endorso ng Philippine Science High School – Cordillera Administrative Region sa isang seminar ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC). 

Sa isang memorandum na inilabas noong Enero 17, sinabi ni Campus Director Edward Albaracin na magkakaroon ang NTF-ELCAC ng oryentasyon tungkol sa “Communist Terrorist Group Youth (CTG) and student recruitment in schools,” sa mga mag-aaral ng Baitang 11 at 12. 

Ayon sa Kabataan Partylist, palaging ginagamit ang ganitong mga seminar para manred-tag ng mga progresibong grupo at takutin ang mga estudyante sa pagsali sa mga ito. 

“Ikinababahala at mariing kinukundena ng Kabataan Partylist ang pagpasok ng NTF-ELCAC sa paaralan upang magkalat ng kasinungalingan na nagpapahamak sa mga matapang at mapanuring mga personalidad at grupo na pinapahayag lang ang kanilang lehitimong panawagan at mungkahi sa mga isyung bayan.” 

Dagdag ng grupo, hindi lamang kalayaang akademiko ang kinikitil ng red-tagging sa mga seminar na ganito, kundi tao mismo. 

“Dahil sa redtagging at sa madugong kontra-insurhensiya ng estado, marami nang magigiting na siyentistang Pilipino ang pinahamak at napatay tulad nina Leonard Co at si Chad Booc.” 

BASAHIN: http://bit.ly/3XIsboA

Sa huli, iginiit nilang taliwas sa kritikal na pag-iisip ng siyensiya at prinsipyo ng Philippine Science High School  ang mga paratang ng NTF-ELCAC sa mga progresibong organisasyon. 

“Sa halip na pahintulutan ang ganitong mga aktibidad, hinihimok po namin ang mga administrador na isulong ang mga pag-aaral at aktibidad na nagbibigay ng kritikal na pag-unawa sa di matapos-tapos na armadong tunggalian sa bansa at mga ugat nito – kahirapan, katiwalian, kawalan ng hustisya at iba pang sistematikong problema na naglumpo sa ating bayan,” anila. 

Isinusulong ng Kabataan Partylist ang pagkakaroon ng panukalang katumbas ng UP-DND Accord sa mga high school sa bansa upang matiyak na hindi ito pinapasok ng mga ahente ng estado upang manred-tag at manakot.  

Senate to discuss mandatory ROTC bills on Monday

“Hustisya para kay Manny Asuncion!”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *