Ina ni Kara Taggaoa, inaresto sa gawa-gawang kaso



Inaresto para sa kasong Rebellion si Jennifer Awingan, ina ni Kara Taggaoa, Kilusang Mayo Uno International Officer at estudyante ng Departamento ng Sosyolohiya ng UP Diliman, kaninang 11:45 n.u. sa kanilang bahay sa Baguio.

Isa si Awingan sa walong aktibista mula sa Cordillera at Ilocos na pinaaaresto ng Regional Trial Court sa Abra dahil sa parehong kaso.

Noong Setyembre 27, 2023, hinuli rin sa gawa-gawang kaso si Taggaoa kasama ni Pasiklab Operators and Drivers Association (PASODA) President Helari Valbuena. 

BASAHIN: https://sinag.press/news/2022/10/13/tuloy-ang-laban/

“Ang nanay ko ay katutubong Kalinga, tagapagtanggol ng kalikasan at karapatan ng mga katutubo, organisador ng magsasaka, at mabuting ina,” ani Taggaoa. 

Giit niya, aktibista lamang ang kaniyang ina, at hindi kriminal o teroristang dapat ikulong. 

BASAHIN: https://sinag.press/news/2022/10/12/aral-sa-aresto/

“Nabudol kami!”: UP’s small-time vendors cry foul over Danicon’s unfulfilled promises

LFS, other groups reject US DND Sec’s PH visit

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *