Sampaguita


Ngayong umaga isang bubot ng bulaklak

ang ibinigay sa akin ni Munting Kasama

Minamasdan ko ito ngayong

Naaalala ka, Felix

mahal na kaibigan at kasama

at lahat ng magigiting na anak

ng ating bayang nagdurusa

na ang kamatayan ay nagpapatalas sa ating mga punyal

nagbibigay sa ating mga bala

ng mas tiyak na asinta..

Itong busilak na bubot ay tunay na tulad

Ng ating mga martir

Mabagsik ang halimuyak dahil sa pagmamahal

Sa bayan at sambayanan!

Anong rikit pa sana ng kanilang pamumulaklak!

Ngunit ang kalungkutan ay di nararapat na kanilang

Maging bantayog

Kahit buong-lupit na hinagip at hinagupit

Ng mga unos ng pambobomba

Hindi ba’t ang ating lupang Asyano

Ay nagpatuloy sa pagsibol?

Masdan ang ating hanay na kay tapang

Na namukadkad sa bawat puwang.

Nang may tulad na bagsik ng halimuyak at kadalisayan

‘Tayo’y natututong makipaglaban.

Scrapping bidding guidelines, ensuring “community-centric” fair among UP Fair dialogue resols

KILATIS in context: Fast Talk

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *