Lumalawak na presensiya ng pulis sa kampus, ikinababahala


Ikinababahala ng mga Iskolar ng Bayan ang hindi bababa sa 15 na ulat ng panghihimasok ng mga opisyales at sasakyan ng kapulisan sa loob ng kampus ng UP Diliman nitong nakaraang buwan.

Giit nila, malaking banta ang tila lumalawak na presensiya ng mga ahente ng estado sa kampus na maaaring gamitin upang tiktikan at takutin ang mga estudyante, lalo na ang mga lider-estudyante at mamamahayag.

“The consistent recurrences of police sightings in our university is a legitimate cause for alarm, given pa ang context na 21 cases of missing mass organizers,” ani University Student Council councilor-elect Katrina Batac. 

Noong nakaraang linggo, nakatanggap ng dalawang magkaibang ulat ang SINAG sa dalawang magkasunod na araw ng presensiya ng kapulisan sa PhilPOST, malapit sa kainan ng mga estudyante sa Area 2. 

Dalawang beses na ring namataan ng mga estudyante ang sasakyan ng kapulisan mula sa Rizal sa loob ng kampus. 

Sa kaso kahapon, Mayo 31, isinalaysay ng mga nag-ulat na nakatigil ang sasakyan sa Area 2 habang may apat o limang nakatambay malapit sa kotse.

Ngayong unang araw ng Hunyo, dalawang sasakyan na naman ang namataan sa loob ng kampus, isa dito ay nakitang tumigil malapit muli sa Area 2.

Sa UP-DILG Accord, ipinagbabawal ang pagsasagawa ng kapulisan ng anumang operasyon sa loob ng kampus na walang pahintulot ng administrasyon, maliban na lamang sa ilang natatanging pagkakataon katulad ng “hot pursuit.” 

Bagamat sinasabi ng kapulisan na hindi naman operasyon ang pakay nila sa loob ng kampus, nakababahala pa rin para sa mga estudyante ang presensiya ng mga ahente ng estado sa akademikong espasyo. 

Dagdag ng mga estudyante, hindi na bago sa kapulisan ang pagpapalusot at pagtatago ng intensyon para tiktikan ang mga nais hulihin.

Maaalalang noong hinuli ng  ilang pulis Quezon City Police Department si Dr. Melania Flores, propesor ng Kolehiyo ng Arte at Literatura, nagpakilala sila bilang mga empleyado ng Department of Social Welfare and Development na naghahatid ng ayuda.

BASAHIN: https://twitter.com/PahayagangKAPP/status/1622453301798408192?s=20

Salaysay pa nga ni Flores tungkol sa pag-aresto sa kanya, sinabi ng isang pulis na mayroon listahan ng iba pang kailangang hulihin sa loob ng kampus. 

Ganitong paliwanag din ang ibinigay ng kapulisan noong Marso nang sunod-sunod na namataan ang mga pulis sa matataong lugar sa loob ng kampus gaya ng dormitoryo at Student Union Building. 

Paliwanag nila noon, hindi naman nila nilalabag ang UP-DILG Accord dahil nagpapa-print lang sila o di kaya’y kumakain sa Area 2. 

Ngunit sabi nga ng mga estudyante, hindi ba ito maaaring gawin ng kapulisan sa lugar kung saan walang estudyanteng maisasapeligro? 

BASAHIN: https://sinag.press/news/2023/03/16/wala-ba-kayong-printer-tanong-ng-mga-iskolar-sa-kapulisan/

“We have already seen patterns: red-tagging to surveillance to abduction and/or enforced disappearance.  We had the cases of Armand Dayoha and Dyan Gumanao of UPC and now, Dexter Capuyan and Bazoo de Jesus of UPB. Gets siguro kung bakit alarming itong sightings nila,” sabi ni Kasama sa UP National Chairperson Andrew Ronquillo.

Nananawagan din ang mga estudyante sa administrasyon ng UP na magsalita ukol sa mga namamataang kapulisan sa kampus. 

“We now strongly urge UP President Jijil Jimenez and UPD Chancellor Edgardo Carlo Vistan to uphold the said accord and not allow or even tolerate the PNP to enter the campus, whatever their intentions are. This is a threat to our democratic rights and academic freedom,” sabi ni councilor-elect Alvin Magno. 

The featured image is courtesy of Benj Sumabat

UC to highlight DemGov calls in special meet

PABATID NG PATNUGOT: SINAG, lilipat muli ng Facebook account!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *