Digmaan at Kapayapaan


Sino nga ba ang ayaw ng kapayapaan?

Hindi ang mga libo-libong mga mamamayang Pilipino na naghihikahos. Sila na kaydaling apak-apakan ng mga gahamang ilan. Sila na pinakamarami ngunit pinakasalat sa mga pangangailangan.

Hindi ang mga mag-anak sa kanayunan na napipilitang lumikas sa kanilang mga tirahan at magpalaboy-laboy dahil sa mga operasyong militar.

Hindi ang mga kabataang tatanda na lamang nang walang pag-asa dahil hindi sila nabigyan ng pagkakataong mag-aral.

At lalong hindi ang mga taong, sa kawalan ng pag-asa, ay nagpapasyang gumamit na ng armadong pakikibaka para makamit ang mga minimithing pagbabago.

Walang ayaw magkaroon ng kapayapaan. Marami nga ang naghahanap nito. Kahit idaan pa sa digmaan.

Ngunit alam din natin ang prosesong pangkapayapaan ay hindi lamang usapin sa pagitan ng mga magkatunggaling panig, kundi ng buong sambayanang Pilipino dahil tayo ang apektado ng digmaang ito.

Ito ay sapagkat alam nating lahat na ang kapayapaan ay di lang kawalan ng digmaan kundi ang pagkakaroon ng pagkakataon ng isang lipunan na mabuhay nang may sapat na pangangailangan at ng makabuluhang partisipasyon sa paggawa ng desisyon, at may isangpamahalaang magtatanggol sa interes ng mamamayan.

Ang lahat ng ito ay makakamit sa pamamagitan lamang ng malawakang pagbabago.

Hindi na naman ito nabigyang-pansin sa patuloy na prosesong pangkapayapaan. Hindi rin nabigyang-halaga ang mga rekomendasyon ng iba’t-ibang sektor na kunwa’y isinama pa sa mga konsultasyon ng NUC. Anong nangyari sa mga usaping katulad ng repormang agraryo, utang na panlabas, karapatang panta o, edukasyon, industriyalisasyon at iba pa?

Bagamat natukoy ang ilan sa mga ugat ng digmaan, walang indikasyon na pagtutuunan kgo ng pansin ng pamahalaan.

Ito ay dahil ang malawakang pagbabago ay hindi kusang ipagkakaloob ng mga nakikinabang sa pangkasalukuyang estado.

Kung ganito nang ganito lang ang mangyayari, wala tayong aasahan. Magpapatuloy na lang ang digmaan hanggang sa huli ay may malinaw na natalo at nanalo.

Matira na lang ang matibay?

Breaking free from the semifeudal chains

400 na bahay sa Valenzuela, iligal na giniba

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *