Justice for Kristel Tejada, justice for all!

Nag-iwan ng mga panawagan at kandila ang mga Iskolar ng Bayan sa harapan ng Vinzon’s hall upang gunitain ang ika-12 na anibersaryo ng pagkamatay ni Kristel Tejada.

Si Tejada ay isang freshman mula sa UP Manila na naging biktima ng “No Late Payment Policy” ng pamantasan. Dahil sa kakapusan ng perang pambayad sa matrikula, napilitan si Kristel na mag Leave of Absence o LOA matapos hindi payagang makapag-enroll.

Bago ang kanyang pagpanaw, sumulat pa si Tejada sa iba’t ibang mga opisina sa loob ng pamantasan ngunit hindi pa rin siya pinagbigyan na makapagpatuloy ng kanyang pag-aaral.

Bagamat mayroong ilang mga tagumpay sa sektor ng edukasyon sa loob ng labindalawang taon gaya ng libreng edukasyon sa kolehiyo, nananatili pa rin ang kolonyal, komersyalisado at mapaniil na porma ng edukasyon sa ating bansa.

Nagpapatuloy pa rin ang iba’t ibang mga isyu sa loob ng pamantasan gaya ng kawalan ng sapat na pondong nagdudulot sa kawalan ng maayos na mga pasilidad, kakulangan ng slot sa mga klase at pagkabibinbin ng institusyonalisasyon ng mga opisina gaya ng psychserv na makatutulong sana sa pagpapagaan ng dalahing bitbit ng mga Iskolar ng Bayan.

Giit ng Rise for Education – UP Diliman, ang sistema ng edukasyon na pumatay kay Kristel Tejada ay patuloy na umiiral – isang edukasyon na hindi aksesible, makamasa, at demokratiko.

Kaya naman anila, sa pagpapatuloy ng laban para sa karapatan sa edukasyon, importante na patuloy na alalahanin ang buhay ni Kristel.

Mga Katanungan Para Sa Labindalawang Taong Nakilala Ko Sa Tren

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *