Isinulat ni Prince Obispo
Dumagundong ang panawagan na wakasan na ang kabi-kabilang korapsyon ng mahigit 5,000 kasapi ng komunidad ng UP na nagsagawa ng malawakang walk-out bilang pakikiisa sa Black Friday Protest na pinangunahan ng UP Diliman University Student Council (USC), UP Act Against Corruption Network (UP ACTION) at UP Multisectoral Alliance (UP MSA) nitong Biyernes, Setyembre 12 sa UP Diliman.

Pinangunahan ni Fiona Fuentes, CSSP Representative to the USC, ang lokal na programa para sa mga mag-aaral ng CSSP, Economics, Eduk, CBA, SLIS, at Arki sa Gonzales Hall (Main Library). Binatikos niya ang pahayag ni Marcos Jr. na dapat mahiya ang mga pulitikong patuloy na nangungulimbat sa kaban ng bayan. Aniya, โDapat si Marcos Jr. ay mahiya rinโ.

Bukod pa rito, binigyang diin ni Fuentes ang panawagan para sa mas mataas na badyet sa edukasyon at pagpapahalaga sa karapatan ng mga estudyante sa libre, aksesible, at ligtas na pag-aaral.
โNapakaraming mga building na hindi tapos, ang mga construction inabot na ng dekada at hindi pa rin natatapos. Pero ang gobyerno, budget cut doon, budget cut dito. Ano ang sabi nila? Mamuhay raw ng payapa at wag mag rally, paano hindi magrereklamo kung ganito ang estado ng mga estudyante? Habang sila, nilulustay nila ang pera, saan? Sa 28 na luxury cars?โ Giit niya.
Matatandaan na nananatiling hindi pa rin tapos ang matapos-tapos na mga gusali sa loob ng pamantasan gaya na lamang ng CAL Faculty Center at ang mga renobasyon sa Palma Hall, na siyang mga kolehiyong lunsaran ng mga required General Education (GE) courses. Dahil rito, nananatiling kulang ang mga sa pang-akademikong espasyo tulad ng klasrum at mga tambayan na tahanan ng mga organisasyon sa unibersidad. [RELATED: ๐๐๐ฑ๐ด๐ฒ๐ ๐ฐ๐๐๐ ๐๐ผ๐ฟ๐๐ฒ๐ป ๐๐ต๐ฒ ๐๐๐ฎ๐๐ฒ ๐ผ๐ณ ๐ฆ๐จ๐๐ โ ๐๐ป ๐ถ๐ป๐๐ถ๐ฑ๐ฒ ๐น๐ผ๐ผ๐ธ ๐ฎ๐ ๐๐ต๐ฒ ๐ฝ๐ฒ๐ฟ๐๐ถ๐๐๐ฒ๐ป๐ ๐น๐ฎ๐ฐ๐ธ ๐ผ๐ณ ๐ฎ๐ฐ๐ฐ๐ฒ๐๐๐ถ๐ฏ๐น๐ฒ ๐๐๐๐ฑ๐ฒ๐ป๐ ๐๐ฝ๐ฎ๐ฐ๐ฒ๐ ๐ถ๐ป ๐จ๐ฃ ๐๐ถ๐น๐ถ๐บ๐ฎ๐ปโ๐ ๐๐ฆ๐ฆ๐ฃ
โMagsusumbong ka ba kung magnanakaw ang pangulo mo? Magsusumbong ka ba kung ang pulis mo ay nananakit at pumapatay ng mga estudyante?โ ani Fuentes.
Bukod sa taun-taong budget cuts SUCs, patuloy rin ang pagtaas ng presensya ng mga armadong pwersa ng estado sa pamantasan. Sa 2026 National Expenditure Program (NEP), 21 bilyong piso ang tinaga mula sa mungkahing pondo para sa UP System na 46.8 bilyong piso. Samantalang ayon sa Kabataan Partylist, nananatiling mataas ang pondo para sa korapsyon, pasismo, at agresyon na nakalaan sa confidential funds at mga ahensya ng gobyerno tulad ng PNP at AFP.
Sa parehong araw, namataan ang presensya ng Quezon City Police District at AFP sa magkaibang lokasyon ng unibersidad. Kinabukasan, naiulat din ang presensya ng mga armadong kapulisan sa tapat ng Acacia Residence Hall at UP Shopping Center. Patunay ito ng patuloy na paglakas ng banta sa kaligtasan dahil sa pagtaas ng presensya ng kapulisan sa pamantasan nito ring mga nagdaang buwan.
[CONTEXT: Ugnayang Tanggol KAPP Report on Police Sighting; Ugnayang Tanggol KAPP Report on AFP Sighting; Armed Police Sighting]
Matapos ang inilunsad na programa ay ang pag-anunsyo ng Philippine National Police (PNP) ng polisiyang โNo Permit, No Rally,โ bilang tugon sa nakaambang mas malawak pang mobilisasyon sa EDSA Shrine at People Power Monument noong Setyembre 13, at sa paparating na ika-53 na anibersaryo ng Batas Militar sa Setyembre 21, 2025.
Hamon ni Fuentes sa mga Iskolar ng Bayan na maging matatag laban sa estadong mapanupil at ipagpatuloy ang pagpapalakas ng mga panawagan upang kalampagin ang mga nasa gobyerno.
โPara sa mas mataas na budget sa edukasyon at ating mga karapatan, patuloy nating kalampagin at paingayin ang ating mga panawagan,โ aniya.
Sa huli, dumagsa ang iba pang mag-aaral ng samuโt-saring programa mula sa dalawa pang panig ng unibersidad na nagkasa rin ng lokal na programa. Ikinasa ang malawakang programa sa AS steps sa pangunguna ng USC. Dagdag pa rito, nagbigay suporta ang ibaโt-ibang student organizations, advocacy groups, at ilang opisyal ng unibersidad mula sa ibaโt-ibang kolehiyo.
Bilang pasasalamat sa mga lumahok, inihayag ni Propesor Danilo Arao ang pagkamangha sa naganap na walkout at Black Friday Protest, aniya, โBihira lamang magtipon ng ganito karami, inspirasyon ito sa kabataan at nakatatanda. Senyales na ang buhay ng aktibismo ay napakataas pa rin sa ating pamantasan. Huwag maniniwala sa sinumang magmamaliit sa atin.โ

โWe are now on the right side of history,โ tugon nito sa sambayanan.
Bukod sa UP Diliman, UP DEPPO, UP Manila, at UP Tacloban, tinatayang nasa labingtatlong demonstrasyon ang naganap noong Biyernes bilang pakikiisa sa Black Friday Protest. Kaugnay nito, daan-daang mamamayan mula sa ibaโt-ibang sektor at organisasyon din ang nagmartsa sa kahabaan ng EDSA Shrine patungong People Power Monument nitong Sabado, Setyembre 13 bilang panawagan din na wakasan na ang paghihirap ng mga Pilipino at panagutin ang lahat ng sangkot sa maanomalyang flood control projects. Sa huli, patuloy ang paglakas ng panawagan para sa mas malawakang protesta na gaganapin sa Setyembre 21, bukas, sa Luneta at sa EDSA Shrine, bilang paggunita sa malagim na kasaysayan ng Batas Militar.