Maaari nang mag-apply para sa pagka-Punong Patnugot ng SINAG, ang opisyal na pahayagan ng Kolehiyo ng Agham Panlipunan at Pilosopiya, para sa taong 2022-2023, ayon sa anunsyo ng CSSP Office of Student Affairs ngayong araw.
Para sa mga interesadong mag-aaral ng CSSP, kakailanganing makapagpasa ng mga sumusunod:
1) Application form
2) True copy of grades
3) 1-2 page curriculum vitae
4) Passport size photos
Ang huling araw ng pagpasa ay nakatakda sa ika-21 ng Nobyembre, 5 n.h.
Ang inisyal na listahan ng mga aplikante ay ilalabas naman sa ika-22 ng Nobyembre, at ang pinal na listahan ay ilalabas sa ika-23 Nobyembre.
Ang EIC Exam naman gaganapin sa Zoom sa ika-28 ng Nobyembre, 9 n.u. hanggang 1 n.h.
Iaanunsyo ang resulta sa ika-30 ng Nobyembre nang tanghali at mapipinal sa Disyembre 2.
Sa mga interesanteng aplikante, maaaring ipasa lamang ang mga kailangang dokumento sa https://tinyurl.com/Application-Form-SINAG22. Ang mga karagdagang dokumento ay isusumite naman sa cssposa.upd@up.edu.ph na may subject na “SINAG EIC Application_Surname, First Name.”
Inaanyayahan ang lahat ng mga interesadong mag-aaral ng kolehiyo na tanggapin ang hamon na ipagpatuloy ang pagbibigay-liwanag na hatid ng SINAG, sa harap ng isa na namang administrasyong Marcos na dati nang nilabanan nito.
Image courtesy of CSSP Office of Student Affairs Facebook page