Inaanyayahan ng UP Diliman University Student Council (USC), College of Social Sciences and Philosophy Student Council (CSSP SC), at ng iba pang mga konseho at organisasyon ang lahat ng mga Iskolar ng Bayan na makiisa sa First Day Fight rally bukas, Setyembre 5, nang 5 n.h. sa Bulwagang Quezon, UP Diliman.
Magmamarka bukas ang unang araw ng mga klase sa UP Diliman kasabay ng paglakaroon ng ilang mga pisikal na klase.
Subalit hinaing ng marami, hindi tunay na inklusibo ang paparating na limited face-to-face (f2f) classes.
Maaalalang noong Hulyo lamang inilabas ng Office of the Vice President for Academic Affairs (OVPAA) ang OVPAA Memorandum 2022-88 na nagsasaad ng planong “unti-unting” pagbabalik-kampus sa pamamagitan ng blended learning.
BASAHIN: http://bitly.ws/tWg9
Gayunpaman, noong nakaraang Agosto lamang, iisang buwan bago ang simula ng semestre, naglabas ng mas “kongkretong” guidelines mula sa planong blended learning ngunit daing ng iba ay kulang ang mga konsultasyon at oras para makapaghanda sang-ayon sa plano.
BASAHIN: http://bitly.ws/tWgw
Kasabay pa nito, inilabas ang OVPAA Memorandum No. 2022-127 noong nakaraang Lunes, isang linggo bago ang pasukan, na nagsususpinde sa academic ease policies sa paparating na semestre bagaman hindi pa fully f2f ang mga klase.
Ibabalik ang mga nakaraang polisiya bago ang pandemya bagaman blended learning pa lamang tulad ng pagtanggal ng no-fail policy, minimum na 12 units, at iba pa.
BASAHIN: http://bitly.ws/tWgP
Dahil dito, nanganganib ang ilan na mag-underload dahil kasabay ng pagbalik ng 15-unit minimum load rule at nagkakaubusan na rin ng slots sa mga klase na mas lalo pang palalalain ng paparating na P22.3B budget slash sa UP.
Hinaing din nilang mayroong f2f na klase, mas lalo pang humihirap ang paghahanap ng matutuluyan at kulang ang dorm slots dahil huli na bago nila malamang kakailanganin nilang pumunta sa kampus dulot ng kawalan ng kasiguruhan ng pagbibigay ng CRS sa iilang slots ng mga klase at huling paglalabas ng guidelines ng administrasyon.
“Sa pagbubukas ng bagong semestre, maraming Iskolar ng Bayan ang napag-iiwanan pa rin pagdating sa mga units, dorm slots, at sa iba pang mga batayang serbisyo. Sinalubong din tayo ng pagsuspinde ng mga academic ease policies na naghahain ng labis na pangamba sa darating na semestre. Higit sa lahat, mayroong nakaambang na budget cut na siyang magpapalala sa mga kinakaharap na problema ng bawat sektor sa pamantasan,” pagbibigay-diin ng UPD USC.
Kaya naman iniimbitahan ang lahat ng mga estudyante na sama-samang ikalampag ang kani-kanilang mga panawagan bukas sa unang araw ng pasok.
Giit naman ng UPD CSSP SC, “[b]ilang Konsensiya ng Bayan, responsibilidad nating patuloy na ipaglaban ang #LigtasNaBalikEskwela, siguraduhing walang mag-aaral, guro, o kawani na maiiwan sa ‘panibagong normal,’ at tuligsain ang mapangwasak na rehimeng Marcos-Duterte!”
#FirstDayFight
#DoBetterUP
#LigtasNaBalikEskwela
Featured image courtesy of Angelo Vince Marfil