“Global North, pay up!” Mga grupong pangkalikasan, naninigil ng “loss and damage funding” sa mayayamang bansa


Giit ng Youth Advocates for Climate Action Philippines (YACAP), Kalikasan PNE, at iba pang grupong pangkalikasan, dapat nang magbayad ang mga bansa sa “Global North” o ang mga mayayaman at mauunlad na bansa ng “loss and damage funding” para sa mga bansang pinaka-naapektuhan ng krisis pang-klima gaya na lamang ng mga bagyo at matinding tagtuyot.  

Naningil ang mga grupong ito sa isang kilos-protesta ngayong Martes, ika-28 ng Pebrero 2023 sa harap ng Dusit Thani sa Makati kung saan kasalukuyang nagpupulong ang United Nations Executive Committee on the Warsaw International Mechanism for Loss and Damage fund. 

Anila, dapat lamang managot ang mga bansa sa Global North dahil napakinabangan at nasira nila ang kalikasan habang ang mahihirap na bansa – kabilang ang PIlipinas – pinaka-naapektuhan ng krisis pangklima.

Matatandaang  naaprubahan ang pondong ito noong, nagkaroon ng ika-27 na United Nations Conference of the Parties (COP27)  sa Sharm el-Sheikh, Egypt kung saan pinag-usapan at pinag-aralan ng iba’t ibang lider sa buong mundo ang krisis pang-klima. 

Isa sa naaprubahan dito ay ang pagkakaroon ng “loss and damage” funding 

Bukod pa rito, iginigiit ng mga climate at environmental groups na ang kanilang ginagawa ay hindi panghihingi o pangangalimos kundi paniningil.

 “The only way loss and damage can truly be addressed is for the Global North to pay up! It was only last November in the UN Climate Summit that the need for a formal monetary fund was even discussed by the international governments. We are not demanding money for nothing. This is money we are owed!” saad ni Alab Ayroso, national coordinator ng YACAP. 

Base sa datos noong 2019, nangunguna ang Tsina na may 30% ng kabuuang emisyon ng carbon dioxide sa buong mundo at pumapangalawa naman ang US na may 14%.

Dagdag pa rito, kinundena rin ng mga grupo ang patuloy na pagkakapako ang pangako ng mga mayayamang bansa na ito na mag-ulat ng “climate finance”, na giit nila ay katuwang ang mga bangko na patuloy na namumuhunan sa fossil fuels.

Sa ipinadalang sulat ng mga climate at environmental groups sa Executive Committee, nabanggit nila ang kahalagahan ng pagkakaroon ng isang “pro-planet at pro-people” na pondo na kaugnay ng kanilang adbokasiya.

Isinaad din ng sulat ang hiling na magkaroon ng isang makukonsultang hanay na binubuo ng mga kinatawan mula sa mga katutubo o indigenous peoples (IPs), magsasaka, mangingisda, at iba pang bulnerable na komunidad sa paglalaan ng Loss and Damage funds. 

“Global North countries and other big polluters are the most responsible for the climate crisis. Because of their emissions, countries like the Philippines have lost billions of dollars in agriculture and infrastructure due to worsening typhoons and droughts. More importantly, the loss of ecosystems, loss of community, and loss of human life are unquantifiable,” dagdag ni Ayroso.

Upang ipakita ang importansya ng paniningil sa mga bansa mula Global North, ilang kinatawan mula sa WIM Executive Committee, YACAP, at iba pang marhinalisadong sektor ang nag-presenta ng isang puzzle map ng Pilipinas na may “missing”  na mga rehiyon na sumisimbolo sa mga lugar na pinaka-naapektuhan ng mga kalamidad.

Sama-sama rin nilang binuo ang mapa; hudyat ng solidaridad at pananagutan sa pagkakaroon ng isang pro-people, pro-planet na pag-unlad.

Giit ng mga grupo, hindi na dapat maantala ang pagbibigay ng sapat na pondo, dahil kailangan nang managot sa kagyat ang mga nanamantalang bansa.

 “The big polluters from the Global North need to pay up for their destruction. Immediate loss and damage finance is a crucial step in the resolution of the climate crisis for the developing world. The Filipino people have no time to lose in the face of the climate crisis,” paliwanag ni Jon Bonifacio, spokesperson ng Peoples Rising for Climate Justice (PRCJ).

Mula ang larawan sa Youth Advocates for Climate Action Philippines

People power lang ang katapat!: Progressive groups commemorate first EDSA People Power Anniversary under Marcos Jr.

Inusog na deadline sa franchise consolidation, “hindi sapat” para sa mga tsuper

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *