Inisyal na listahan ng mga kandidato para sa 2022 CSSP SC Elex


Inilabas na ng College of Social Sciences and Philosophy (CSSP) Office of Student Affairs (OSA) ang inisyal na listahan ng mga kandidato sa CSSP Student Council Elections 2022.

Tatakbo bilang chairperson ang kasalukuyang councilor ng konseho na sina Vayne del Rosario mula sa SALiGAN sa CSSP, at Kim Pañares mula sa BUKLOD CSSP. Kumakandidato naman para sa posisyong vice chairperson sina Veronica Consolacion (SALiGAN), kasalukuyang kinatawan ng departamento ng Sosyolohiya, at councilor Eena dela Cruz (BUKLOD).

Samantala, nananatiling bakante ang posisyon para sa kinatawan ng departamento ng Kasaysayan at Linggwistika. Kaugnay nito, mangyaring antabayanan ang pag-anunsiyo sa kandidato para sa kinatawan ng CSSP sa University Student Council (USC).

Maaari pang humabol sa paghain ng kandidatura hanggang April 8, Biyernes, 5 N.H.

Paalala ng CSSP OSA, maaaring i-download ang Certificate of Candidacy mula rito: https://bit.ly/BumutoKAPP_COC2022 at mangyaring isumite ang lahat ng requirements sa cssposa.upd@up.edu.ph na may paksang “CSSP SC Elections_Surname, First Name”

Ilalabas ang pinal at opisyal na listahan ng mga kandidato sa Abril 11. Magsisimula naman ang online campaign period sa Abril 18 hanggang Mayo 1. At magaganap ang university-wide Student Council at College Council Elections sa Mayo 2–8.

#BumotoKAPP2022

Election hotspots itatalaga; Mga atake, patuloy na lumalala

Health workers, kinasuhan si Badoy sa panreredtag nito

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *