Mag-aaral ng PUP, nasawi matapos subukang ang laptop pang-aral sa nasusunog na bahay


Isang graduating student ng Polytechnic University of the Philippines (PUP) na nagngangalang Melanie Trinidad ang namatay nang subukang isalba ang kanyang laptop sa nasusunog na bahay sa Barangay San Agustin, Novaliches, Quezon City, Kahapon, Nobyembre 2, ulat ng Manila Bulletin.

Umabot sa unang alarma ang sunog 2:05 ng madaling araw at idineklarang under control bandang 2:37 ng madaling araw. Batay kay Quezon City Fire Department Senior Inspector Rowena Mamangun, nasugpo ang sunog 3:06 ng madaling araw.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), humigit-kumulang P750,000 ang halaga ng pinsala. Iniimbestigahan pa rin ng awtoridad ang dahilan ng sunog na nagsimula raw sa kisame ng tahanan.

Kinumpirma ng BFP na si Trinidad, 21, ang natagpuang labi. Nagtamo naman ng second degree burn ang tatlo pang kamag-anak ng biktima.

Batay sa ulat ng DZRH, isinalaysay ni Luzviminda Trinidad, ina ng biktima, na nakulong si Melanie sa nasusunog na tahanan nang kunin nito ang kanyang laptop na ginagamit sa pag-aaral.

Ipinapaabot naman ng Polytechnic University of the Philippines, College of Communication Ensemble (PUP COC Ensemble) ang pakikiramay sa namatay na miyembro. Nananawagan rin sila para sa mga donasyon upang tulungan ang pamilya ng yumao para sa mga bayarin sa ospital at punerarya, pati na rin ang tatlong kamag-anak na nagtamo ng sugat.

Para sa mga nais magbigay ng tulong ay maaaring magpadala sa mga sumusunod na accounts:

Gcash:

Lizette Grace 

09150128574

EastWest Bank:

Elizabeth Lagnason

Account number: 2000-4497-7345

Featured image courtesy of Manila Bulletin

Si Ka Oris at ang kinabukasan ng rebolusyon

Unang Hakbang

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *