MALAPYUDALISMO
ni Kerima Tariman, mula sa “Pag-aaral sa Oras” (2017)
ania nagan? kumusta?
mano nga tawen?
apay? kasano?
hindi kailangang
maging mananaludtod
upang gawing daniw
itong bugtong at saludsod:
MALAPYUDALISMO.
pinagdikit-dikit na titik
na sumusuyod sa ulo.
ito’y palaisipang
kaydaling matanto:
tumatanghod sa taltalon
tulad ng multong tuliro,
gumagapang sa mga gapas
at sa nabaling araro.
pingadikit-dikiy na titik,
na kurok sa sikmura
sa tuwing sasapit ang apit.
masakit na likod
kagat ng lamok
iyak ng bata
maganit na tuhod
murang sigarilyo
mahal na abono
inutang na kwarta
takot sa panginoon–
sumada ito ng sanlaksang talinhaga
sa salaysay ng Mannalon
sa Pulang mandirigma
2000
ania nagan? kumusta? mano nga tawen? apay? kasano?
anong pangalan? kumusta? ilang taon? bakit? paano?
daniw – tula
saludsod – tanong
taltalon – mga sakahan
apit – ani
mannalon – magsasaka
(Ilokano)
Featured image courtesy of MANILA BULLETIN.