“Hindi mapagkakatiwalaan ang police at military forces na respetuhin ang pagiging zones of peace ng mga paaralan natin,” sagot ni Student Regent Siegfred Severino kay Department of National Defense Secretary Gilbert Teodoro nang kumontra ang kalihim sa pagbabalik ng UP-DND Accord.
Giit ni Severino, kailangan ng malinaw na dokumento at kasunduang nagbabawal ng presensiya ng militar sa kampus, dahil dapat may mapanghawakan ang pamanatasan sa pagtityak ng seguridad nito.
Sa isang press briefing ngayong umaga, Hunyo 8, sinabi ni Teodoro na hindi siya bukas sa pagbabalik ng UP-DND Accord dahil naging polisiya na rin naman ng naunang kalihim sa kaniya ang pagbuwag nito.
“But that does not mean that I am not mindful of the autonomy of the University of the Philippines. I urged everybody to be mindful of that even without a Memorandum of Agreement,” sabi ni Teodoro.
Pero sabi ni Severino, hindi naman basta-bastang makakapagtiwala sa mga ahente ng estado, lalo na habang nadadagdagan araw-araw ang mga naitatalang paniniktik panggigipit, at paninindak.
“Necessary ang mga dokumento at kasunduan kagaya ng UP-DND Accord para may panghawakan at siguraduhin ang seguridad sa mga campus at iensure na mananatiling bulwagan ng malayang diskurso ang ating pamantasan,” ani Severino.
Pagtatanggol sa Pamantasan, iginigiit
Dalawa’t kalahating taon matapos buwagin ang UP-DND Accord, patuloy na ipinapanawagan ng buong komunidad ng UP ang institusyonalisasyon nito sa UP Charter, pati na rin ang pagpapalakas ng iba pang aspekto ng seguridad ng Unibersidad.
BASAHIN: https://sinag.press/news/2023/01/19/defend-up-defend-academic-freedom/
Ayon sa Ugnayang Tanggol KAPP, alyansang nagsusulong ng kalayaang akademiko sa kolehiyo, pinatunayan lamang ng huling dalawang taon ang kahalagahan ng pagtataguyod ng UP-DND Accord.
BASAHIN: https://www.facebook.com/photo?fbid=178161471515607&set=a.155521440446277
In the two years without the Accord, the attacks against the campus and on UP students have only intensified. Under the Duterte and Marcos administrations, state agents intruded upon the campus multiple times to intimidate, surveil, and red-tag activists. Even outside the campus, several students and professors have also been targeted in the state’s futile attempt to curtail activism,” anila sa isang pahayag.
Lalo pa raw itong nararanasan ng mga Konsensiya ng Bayan, dahil na rin sa anyo ng mga inaaral sa Agham Panlipunan at Pilosopiya.
“As a college that stands as “Konsensiya ng Bayan,” CSSP has not been spared from these attacks. In the last two years, several CSSP-based individuals and organizations have been red-baited, red-tagged, and even arrested on trumped-up charges. SINAG, the college’s official publication, has also been attacked several times, with internet trolls and state agents threatening its editors and claiming that it has been “infiltrated by terrorists,” dagdad ng UTAK.
Maliban pa rito, umaalma din ang mga Iskolar sa sunod-sunod na panghihimasok ng kapulisan sa kampus.
Noong Mayo, halimbawa, hindi bababa sa 15 na beses namataan ang kapulisan sa kampus sa kabila ng UP-DILG Accord na nagbabawal sa mga operasyon ng kapulisan sa loob ng UP.
BASAHIN: https://sinag.press/news/2023/06/01/lumalawak-na-presensiya-ng-pulis-sa-kampus-ikinababahala/
Hindi tinatanggap ng maraming estudyante ang sinasabi ng kapulisan na pumupunta lang sila sa kampus upang magpa-print at kumain, dahil na rin sa dating mga kaso ng pagkukubli ng kapulisan upang makapaniktik.
BASAHIN: https://sinag.press/news/2023/03/16/wala-ba-kayong-printer-tanong-ng-mga-iskolar-sa-kapulisan/
Dahil dito, patuloy ang kampanya ng mga Iskolar ng Bayan para sa pagtatanggol hindi lamang sa UP, kundi sa lahat ng akademikong espasyo.
#DefendUP