Nasungkit ni Vayne del Rosario ng SALiGAN sa CSSP ang posisyong bilang chairperson sa botong 438; habang vice chairperson naman si Veronica Consolacion (SALiGAN) na may nakuhang na 417 mga boto. Mula rin sa SALiGAN ang CSSP Rep to the USC na si Juma Formadero.
Nanguna ang independent na si Hans Antiojo sa pagka-konsehal habang dalawang BUKLOD at tatlong SALiGAN naman ang pasok sa anim na konsehal ng CSSP SC.
Pitong department representatives naman ang naihalal para sa Anthropology, Geography, Philosophy, Political Science, Psychology, at Sociology,
Nananatiling bakante pa rin ang posisyon para sa kinatawan ng departamento ng Linguistics at History. Umantabay sa kaukulang anunsiyo para sa gaganaping special elections.
Nasa 853 (44.31%) sa 1,925 na estudyante ng KAPP ang bumoto sa eleksyon para sa konseho ngayong taon, mula sa inulat ng CSSP Office of Student Affairs.
Sa kabilang banda, nagsisilbing isang malaking hamon sa bagong konseho ng mag-aaral ng KAPP ang kanilang gampanin bilang kinatawan ng mga Konsensiya ng Bayan lalo sa harap ng pagbabalik ng mga Marcos at pananatili ng mga Duterte sa Malacañang.
Patuloy ang paghihimok sa mga lider-estudyante na palakasin ang pwersa’t kolektibong ituon ang pag-aaral ng lipunan sa pagtatagumpay ng interes ng masang Pilipino.
#HalalanUPD2022
#BumotoKAPP
Featured image courtesy of Halalan UPD Diliman Facebook Page