“National Farmer’ Day Bill,” suportado ng mga magsasaka


Ineendorso ng Kilusang Mambubukid ng Pilipinas (KMP), isang pambasang organisasyon ng mga magsasaka, na isabatas ang House Bill 1112 na magdedeklara sa Enero 22 bilang “Pambansang Araw ng mga Magsasaka,” isang special working holiday, ayon sa isang pahayag kahapon, Enero 20.

TINGNAN: http://bitly.ws/zcJj 

Isinampa ang panukalang batas ng Makabayan bloc noong Hulyo 4, 2022 sa Kamara at may lagda nina Gabriela Women’s Party Rep. Arlene Brosas, ACT Teachers Partylist Rep. France Castro, at Kabataan Partylist Rep. Raoul Manuel.

Pagpapaliwanag ng HB 1112, hinahangad ng pagdedeklara ng National Farmers Day ang pag-alaala sa “Mediola Massacre” o “Black Thursday” noong Enero 22, 1987 ng administrasyon ni Pang. Corazon Cojuangco-Aquino, isang asendera na mayroong madugong piyudal na kasaysayan sa mga magsasaka at sagada ng Hacienda Luisita.

Maaalalang noong Enero 15, 1987, nagsimulang magtipon ang mga miyembro ng KMP sa labas ng opisina ng Ministry of Agrarian Reform para igiit ang totoong repormang agraryo—na naghahangad na ipamahagi ang lupang sakahan mula sa mga panginoong may lupa sa mga pesanteng mismong umaararo.

Nagkaroon ng diyalogo noong Enero 20, 1987 sa pagitian ng mga lider-magsasaka at Ministro ng Repormang Agraryo Heherson Alvares, subalit walang matibay na naisagot sa mga iginigiit ng mga magsasaka.

Dahil doon, nagmartsa papuntang Malacañang noong Enero 22, 1987 ng umaga ang mga miyembro ng KMP—na sinamahan ng ibang sektor mula sa Kilusang Mayo Uno (KMU), Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN), League of Filipino Students (LFS), at Kongreso ng Pagkakaisa ng Maralitang Lungsod (KPML)—para ipaglaban ng tunay na repormang agraryo.

Subalit habang nagkakaroon ng negosasyon sa pagitan ng KMP at autoridad para payagaan ang mga nagproprotesta papunta sa harap ng tarangkahan ng palasyo, biglang nagpaputok ng baril ang mga pulis sa direksyon ng humigit-kumilang 20,000 na tao.

13 na nagproprotesta ang namatay, 39 ang nasugatan sa pagbaril, at 12 ang nagtamo ng minor injuries sa tinaguriang “Mendiola Massacre.”

Ang mga nasawi ay sina Danilo Arjona, Leopoldo Alonzo, Adelfa Aribe, Dionisio Bautista, Roberto Caylao, Vicente Campomanes, Ronilo Dumanico, Dante Evangelio, Angelito Gutierrez, Rodrigo Grampan, Bernabe Laquindanum, Sonny Boy Perez, at Roberto Yumul.

“Matapos ang masaker, isinabatas ni Aquino ang Comprehensive Agrarian Reform Law bilang kapalit ng Presidential Decree 27 ni Ferdinand Marcos Sr. Subalit ayon sa mga magsasaka, bigo pa rin ang CARP na masolusyunan ang matagal nang usapin sa lupa ng mga magbubukid,” pagpapaalaala ng KMP.

Makalipas din ng ilang taon, naganap ang Hacienda Luisita Massacre noong Nobyrembre 16, 2004 matapos igiit ng mga magsasaka ang kanilang karapatan sa lupang sakahan na nasa ilalim ng kapangyarihan ng mga Cojuangco.

14 ang pinatay, 133 ang inaresto, 117 ang dinetana sa Camp Macabulos sa Tarlac, at 16 ang dinetana sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa Tarlac, kung saan ang lahat ay mga pawang pesante.

Ilan lamang ito sa mga trahedya na kumitil ng buhay ng mga magsasaka.

BASAHIN: http://bitly.ws/zcQB 

Nauna nang binuo ang nasabing panukalang batas ng Anakpawis party-list para ipaalaala sa bansa ang kalunos-lunos na insidente na bahagi ng madugong pakikibaka ng mga magsasaka para sa tunay na repormang agraryo.

“More importantly, this [HB 1112] recognizes the historic and continuing role of farmers in the pursuit of a just, prosperous, and democratic society,” ayun pa sa panukalang batas.

Noong 13th Congress, naaproba ang panukalang batas ng Comittee on Revision of Laws at napasama sa “Business for the day” noong Nobyembre 15, 2006.

Nakapasa rin ito sa Third Reading noong 14th Congress at ipinadala sa Senado noong Enero 28, 2010 at muntikan nang maisabatas.

Noong Pebrero 5, 2013, bagaman inaprobahan ito ng Lower House sa Second Reading, hindi ito naipasa ng 15th Congress.

Noong 18th Congress, naaprobahan ito sa Third Reading at ipinadala sa Senado noong June 3. 2020 at muntikan na ulit maisabatas.

Sa kasalukuyan at muling pagkakatoon, isinumite muli ng Makabayan bloc ang HB 1112 sa 19th Congress.

Suportado ito ng KMP at iba pang grupo tulad ng AMIHAN, isang organisasyon ng mga babaeng magsasaka.

Bukas, Enero 22, 2022, aalalahanin muli ang trahedya ng Mendiola Massacre at ang mahaba at madugong kasaysayan ng laban ng mga pesante para sa kanilang karapatan sa lupang sinasakahan. Inaasahan ding mas maraming grupo pa ang magpapadala ng suporta sa pagsasabatas ng HB 1112 at mananawagan para sa tunay na repormang agraryo.

#MendiolaMassacre 

#LandToTheTillers

Featured image courtesy ofCheska Estepa

“Hustisya para kay Manny Asuncion!”

Maliliit na manininda ng UP, initsapuwera sa bagong food hub

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *