NTF-ELCAC nanggulo sa payapang protesta sa Liwasan


Sinugod ng ibang mga elemento ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) ang mapayapang Kampuhan ng Mamamayan Laban sa Dayaan sa Liwasang Bonifacio kaninang umaga. 

Ayon sa isang Facebook post mula kay Nadja De Vera na kabilang sa mga mapayapang nagpoprotesta sa Liwasang Bonifacio, sinugod sila ng ibang mga miyembro ng Yakap ng Magulang na ginagamit ng NTF-ELCAC, kasama ang ilang indibidwal na binayaran umano. Iginiit ni De Vera na sinigaw-sigawan sila ni Relissa Lucena at sinabing hinahanap nito ang kanyang anak. 

Ang red-tagger na si Relissa Lucena 

Si Relissa Lucena ay ang ina ni Alicia Lucena na noo’y nired-tag at ikinulong ni Relissa  sa kanilang bahay taong 2020. Matatandaang naglabas si Alicia ng isang video na naglalaman ng detalye ng pang-aabuso ng kanyang sariling ina, hindi lamang sa kanya ngunit pati sa kanyang mga kapatid. 

Matapos makatakas ni AJ sa kanyang pagkakakulong, iginiit ni Relissa dinakip ang kanyang anak ng mga grupong Anakbayan, Kabataan, at Gabriela. 

Ibinasura ng Korte Suprema ang kanyang inihaing writ of amparo at writ of habeas corpus dahil nasa legal na edad na si AJ na nagbibigay sa kanya ng kalayaang gumawa ng sariling desisyon. 

Depensa ng Masa

“Hindi tama ‘yun, panggulo ‘yung ginawa nila,” sambit ng isang nanay na nakasaksi sa nangyaring panggugulo ng mga elemento ng NTF-ELCAC sa Liwasan. 

Aniya, dumating ang mga nagpoprotesta nang tahimik at namahagi pa ng pagkain sa ibang mga indibidwal at grupo roon. 

Ang pagdating ng Yakap ng Magulang  ang nagdulot ng pagdating rin ng mga pulis. 

Ayon kay De Vera, bago pa man nila malaman na ang grupong dumating ay mga elemento ng NTF-ELCAC, niyaya pa nila itong makiisa sa zumbang nagaganap sa Liwasan. Inalok pa ng pagkain at binigyan ng tubig.

Inilahad din niya na prinotektahan sila ng mga manininda, dwellers, at iba pang masa na kasama nilang nakakampo doon. Pinaalis ng mga ito ang mga nanggugulo sa kampuhan at hinarangan ang daan upang hindi tuluyang makapanggulo ang mga elemento ng estado sa payapang pagtitipon. 

“Kaya paalala sa NTF-ELCAC, kay Ysay Lucena, at sa iba pang naniniwala sa kanya: Mahal kami ng masa, mahal ng masa ang mga tunay na lumalaban para sa bayan,” pahayag ni De Vera.

Bagamat may mga kasamang masa ang mga sumugod, nagkwento ang ibang sinubukang suhulan ng NTF-ELCAC na inalok sila ng 300 kapalit ng pakikiisa sa panggugulo sa mga mapayapang nagpoprotesta. Tinanggihan naman daw nila ito. 

Maraming pekeng balita ang kumakalat na nagkaroon ng kaguluhan sa payapang protesta sa Liwasang Bonifacio sa nagdaang tatlong araw mula nang umpisahan ito. Subalit, ilang beses na ring pinabulaanan ng mga naroon na  hindi totoo ang mga balitang ito. 

Bagkus, anila, ang mga pekeng balitang ipinapakalat tulad ng umano’y pananakot ng mga pulis, pagkakagulo, at paniniktik ng mga elemento ng estado ay pawang taktikang fear-mongering ng estado upang takutin ang mamamayang makiisa sa pagpoprotesta.

Bukas, Mayo 13 (9 n.u.) gaganapin ang Black Friday Protest sa harap ng Philippine International Convention Center (PICC) kung saan ikakasa ng Commission on Elections (COMELEC) ang canvassing of votes. 

Hinihimok ang lahat na makiisa sa pagpoprotesta upang itaas ang panawagang panagutin ang COMELEC, sugpuin ang dayaan, at  itakwil ang “panalo” umano ng tambalang Marcos-Duterte. 

#NoToMarcosDuterte2022
#TutulanAngDayaan

Featured image courtesy of Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP)

PPCRV: Wala pang pandaraya sa ngayon; Protesta tuloy pa rin

Pula na naman ang Diliman

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *