Organisador sa Timog Katagalugan, dinakip at inaresto


Kasabay ng ikalawang anibersaryo ng Bloody Sunday Massacre, dinakip at inaresto ang isa na namang organisador sa Timog Katagalugan.Â

Inaresto kaninang 12:30 ng madaling araw sa kanyang bahay sa Sitio Tibagan, Brgy. Dolores, Taytay, Rizal si Arnel “Kulit” Bueza, Unit Commander ng Aksyon Disiplina Lunas ng kanilang munisipalidad.

Ayon sa ulat ng Karapatan Rizal, walang ipinakita o binasang warrant of arrest kay Bueza, at nangyari nga ang paghuli sa alanganing oras. 

Dagdag nila, patuloy na dinadahas, pinagbabantaan, at tinatakot ng mga militar ang mga residente ng Sitio Tibagan. 

Ayon sa Karapatan Southern Tagalog, ang Sitio Tibagan ay komunidad ng mga maralitang lungsod na matagal nang sumusuporta sa mga progresibong grupo katulad ng Makabayan bloc. Â

“After the elections, military elements from the 80th Infantry Battalion, PA started intense community support operations, red-tagging, profiling and surveillance against community leaders such as Buiza.” 

Kinundena ng mga progresibong grupo ang pagdakip kay Bueza, na sinasabi nilang bahagi lamang ng malawakang operasyon ng estado upang supilin ang mga kritikal na boses. 

“Sa mismong araw ng ikapangalawang anibersaryo ng Southern Tagalog Bloody Sunday Massacre, tuloy-tuloy pa rin ang pagsasawalang bahala ng estado sa mga karapatang pantao ng mga organisador at lider-aktibista,” sabi ng Karapatan Rizal

The image is from theAssociated Press

Despite threats and repression, jeepney drivers say “Tuloy ang Welga!”

Students’ lived names, pronouns to be included in class lists

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *