Para sa mga Estudyante


Ngayong araw ang Pandaigdigang Araw ng Pagsalin — isang mahalagang paalala upang markahan at ipagtibay ang kahalagahan ng pagpapayaman ng kaalaman, hindi lamang ng iilang may nakasasapat na rekurso kung hindi ng mas nakararaming makapagpalawak ng kanilang kolektibong abot-malay nang sa gayo’y sumalin sa kolektibong pagkilos.

Sentral sa agham panlipunan ang pananaliksik kung saan tinutuon ang talino at kritikal na perspektiba sa pagsisiyasat ng kalagayan ng lipunan. Sa pag-aaral na ito, itinataas ang mas malalim na pagtukoy sa isang penomena o karanasan ng iba’t ibang sektor sa pamamagitan ng pakiki-alam at pakikipamuhay dito. Ngunit, ang pananaliksik ay mananatiling pawang pananaliksik lamang kung wala itong kongkretong maibubunga, walang maaabot. Ang pag-aaral, ang paglalapat ng teorya ng agham panlipunan ay mananatiling hiwalay sa lipunang inaaral at sinusubukang baguhin nito kung hindi ito gagawing aksesible, kung hindi ito isasapraktika sa pagtugon sa kahingian ng kasalukuyang sitwasyon.

Ngayong Pandaigdigang Araw ng Pagsalin, basahin ang isinalin na akda ni Bertolt Brecht na To The Students of the Workers’ and Peasants’ Faculty.


Sa mga Estudyante ng Gurong  Manggagawa’t Magsasaka
To the Students of the Workers’ and Peasants’ Faculty

Ni Bertolt Brecht
Salin ni avsm (2/10/2021)

Ngayon, nakaupo ka dyan. At ilang dugo na ang inutang
Upang makaupo ka dyan. Nakakabagot ba ang mga kuwentong ito?
Kung gayon, alalahanin mong may nauna nang umupo dyan sa iyo
Na kalauna’y inapakan ang ibang tao. Magpakatatag, huwag matakot.
Ang agham mo’y walang halaga, malalaman mo rin.
At magbubunga ang pagkatuto, marahil nakabibighani
Kung iaalay mo ang iyong talino sa pakikibaka
Laban sa kaaway ng laksa-laksang sambayanan.
Alalahanin mo na nagbuwis ng buhay ang ibang tao
Para makaupo ka dyan, at hindi sa ibang lupalop.
Mamulat ka, at huwag mong bitawan ang paglaban.
Bagkus matuto kang matuto, at subukang matutunan kung para kanino.

Featured image courtesy of SINAG

20 SUC presidents: Ibalik ang kinaltas sa badyet, dagdagan pa para sa balik-eskwela

Ang “tigreng” tuta ng Kano

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *