Muling nagawa ng partidong STAND UP ang 14-0 record na nakamit nito noong nakaraang taon matapos masungkit ang mga posisyon ng chairperson, vice chairperson, at 12 konsehal ng UP Diliman University Student Council (USC).
Wagi si Latrell Andrei M. Felix ng STAND UP bilang chairperson sa botong 4,372. Samantala, panalo naman bilang vice chairperson si Sunshine Reyes ng STAND UP) sa 4,767 na mga boto.
Nasungkit ng buong slate ng STAND UP ang lahat ng posisyon para sa councilors. Nangunguna si Kjoy Adriano sa botong 4,351. Pumapangalawa naman ang unang kandidatong Lumad na si Catherine Dalon na may botong 4,321; samantala, pangatlo si Ron Medina sa botong 4,130.
Pasok naman sa ikalimang pwesto ang chairperson ng CSSP Student Council na si Neo Aison sa botong 4,095.
Nasa 9 college representative naman ang nasungkit ng STAND habang tatlo ang nakuha ng ALYANSA sa balwarte nitong Eduk, Econ, at Music. Anim namang representateng nanalo ang independent.
Naitalang nasa 7,622 (31.88%) sa 23,910 na mga mag-aaral ng unibersidad ang bumoto nitong Mayo 15, Linggo. Mas mababa ito kaysa nakaraang taon.
Hamon sa mga susunod na lider-estudyante ng UP ang pangunguna sa mga estudyante na makibaka laban sa rehimeng Marcos-Duterte, kritikal na papel ng pamantasan sa panahon ng Batas Militar ni Marcos Sr.
#HalalanUPD2022
Featured image courtesy of Halalan UPD Diliman Facebook Page