Sex trafficker Quiboloy, lilitisin sa 2023; Malacañang iniiwasan ang tanong sa kinaroroonan ng pastor


Itinakda na sa Marso 21, 2023 ang paglilitis kay Pastor Apollo Quiboloy, lider ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) at “Appointed Son” kuno, para sa patong-patong na mga kaso batay kay Thom Mrozek, ang media relations director ng US Attorney’s Office sa Central District ng California

Nauna nang idinemanda ng federal grand jury ng California si Quiboloy at ang dalawa niyang mga alipores—sina Teresita Tolibas Dandan at Helen Panilag—noong Nobyembre 10, 2021 sa mga kasong sex trafficking by force, fraud and coercion, sex trafficking of children, marriage fraud, fraud and misuse of visas, bulk cash smuggling, promotional money laundering, concealment of money laundering, at international promotional money laundering. Kung mapatunayan, mayroon nang parusang habangbuhay na pagkabilanggo ang kaso ng sex trafficking pa lamang.

Dahil hindi pa nahuhuli ang tatlo, itinuturing na mga “takas” sina Quiboloy, Dandan, at Panilag. Kaya naman naglabas noong Pebrero 5, 2022, Sabado, ang Federal Bureau of Investigation (FBI) ng mga wanted posters para sa tatlo.

TINGNAN: http://bitly.ws/oqgj 

Bagaman wanted sa Estados Unidos, namataan ang pastor sa send-off ceremony ng tambalang Marcos-Duterte noong Enero 31, 2022 sa Davao City, kung saan rin nakabase ang KOJC. Doon din niya “binasbasan” at inendorso ang dalawa at ang kanilang mga pambato sa pagkasenador. Maaalalang inenderso rin ni Quiboloy si Rodrigo Duterte noong Halalan 2016.

Dahil nasa Pilipinas si Quiboloy, nabuksan ang usapan ukol sa extradition, kung saan maaaring hilingin sa Pilipinas na ipadala si Quiboloy sa Estados Unidos para litisin.

Pinaalalahanan ni Gabriela Partylist Representative Arlene Brosas ang administrasyong Duterte na huwag itago si Quiboloy. Batay naman sa Department of Justice ng Pilipinas (DOJ), bukas ang Pilipinas para sa extradition.

BASAHIN: http://bitly.ws/oqiE 

Subalit nang itinanong ang Malacañang noong Pebrero 8, 2022, Martes, sa kinaroroonan ni Quiboloy, hindi sumagot si Presidential Spokesman at Cabinet Secretary Karlo Nograles.

Kilalang magkaibigan ang dalawang tubong-Davao. Matatandaang nanatiling “spiritual adviser” ni Pang. Rodrigo Duterte si Quiboloy matapos kasuhan ang pastor noong Nobyembre 10, 2021.

Noong 2016, kung kailan alkalde pa lamang siya ng Davao, inamin ni Pangulong Duterte na binibigyan siya ng mga ari-arian ni Quiboloy. Kabilang dito ang lupain sa Woodridge at mga sasakyan tulad ng Nissan Safari at Ford Expedition. Dagdag pa rito, pinahintulutan din ng pastor ang pangulo na hiramin ang kanyang private jet. 

Humigit-kumulang 30 taon na umano ang pagkakaibigan ng dalawa.

“Malaking hamon sa Duterte regime at maging sa Bongbong-Sara tandem na huwag kanlungin si Quiboloy, lalo’t inendorso niya ang tandem ng administrasyon kamakailan. They are complicit in coddling the wanted sex trafficker and in causing further injury to those victims who have come forward to expose Quiboloy’s crimes,” paninindigan ni Gabriela Representative Arlene Brosas.

Featured image by Benar News

Biguin ang Tambalang Marcos-Duterte!

COMELEC first division junks DQ case against Marcos, Jr.: Failure to file tax returns is not ‘inherently immoral’

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *