Unang Hakbang


Sa ilalim ng pasistang gobyerno,

Talamak, at kakila-kilabot na pang-aabuso

Pagkakaisa ang laban ng mamamayang Pilipino

Kaliwa’t kanan ang mga pangako

At panghihimok ng mga trapo

Ngunit ang kanilang mga salita’t

Bulong ay walang laman

Kaya sa ere’t sa kahirapan

Ang masa’y naiiwan

Sa pagsapit ng halalan sa Mayo

“United opposition!” 

Ang ating sigaw upang matamo

Ang tuluyang pagpapatalsik

Ng pamahalaang Dutertismo

Dahil hangga’t hati hati sa mga paksyon

Ang mga lumalaban

At mga pwersa ng oposiyon,

‘Di makakamit ang pagbabago

At ang tunay na representasyon

Ang mga interes at pangangailanan

Ng masang Pilipino at ng buong kapuluhan

Sa pagsasama lamang makakamtan

‘Di man ito ang tanging kasagutan

Sa kabuoan ng sandamakmak na suliranin 

Ng bawat mamamayan at ng lipunan

Ito’y tumatayo bilang at nagsisilbing

Unang hakbang:

Patungo sa pagbabago,

At patungo sa isang bayan

Na may malasakit sa masa

At progresibong lumalaban

Featured image courtesy of Kiko Buenaventura

Mag-aaral ng PUP, nasawi matapos subukang ang laptop pang-aral sa nasusunog na bahay

Mga magsasaka ng Krus na Ligas, irerehistro ang mga kahingian kay DaniCon sa Biyernes

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *