{"id":1492,"date":"2021-07-10T20:29:19","date_gmt":"2021-07-10T12:29:19","guid":{"rendered":"https:\/\/csspsinag.wordpress.com\/?p=1492"},"modified":"2021-07-10T20:29:19","modified_gmt":"2021-07-10T12:29:19","slug":"all-about-you","status":"publish","type":"post","link":"https:\/\/sinag.press\/news\/2021\/07\/10\/all-about-you\/","title":{"rendered":"ALL ABOUT YOU?!"},"content":{"rendered":"\n<p><\/p>\n\n\n\n<!--more-->\n<!--noteaser-->\n\n\n\n<hr class=\"wp-block-separator is-style-wide\" \/>\n\n\n\n<figure class=\"wp-block-image size-large is-resized\"><a href=\"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2021\/07\/picture3.png\"><img decoding=\"async\" src=\"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2021\/07\/picture3.png?w=280\" alt=\"\" class=\"wp-image-1469\" width=\"77\" \/><\/a><\/figure>\n\n\n\n<p>\u201cWala akong nakikitang epekto. Hindi naman ako apektado dahil hindi naman [ako] ABS-CBN. Iyong istasyon [ABS-CBN] ang maaapektuhan.\u201d <\/p>\n\n\n\n<p>Sa kinakaharap ngayon ng ABS-CBN, hindi malilimutan ang patutsada ni Sen. Ronald \u2018Bato\u2019 Dela Rosa kagabi ukol sa pagdinig ng Kongreso sa naturang prangkisa. Tila isang matatag na \u201cbato\u201d ang kanyang pahayag na kahit hampasin ito ng maso ng manggagawa o tagpasin ng karit ng magsasaka ay hindi ito mabubuwal. Kakaiba ito sa ibang mga kongresista na sangkot sa pagdinig ng kaso na gumagamit pa ng wika ng batas para palalimin ang diskusyong nailalantad na mababaw at malayo sa usapin ng prangkisa sa gitna ng debate. <\/p>\n\n\n\n<p>Ang pagbalewa ni Dela Rosa sa hiling ng istasyon na magbalik sa ere ay hindi simpleng bagay, kaakibat nito ang 11,000 na manggagawa ng ABS-CBN na ngayon ay mawawalan na ng trabaho sa gitna ng krisis. Isang pahayag na maaaring hindi pa nasapatan sa halos 14.5 milyong manggagawa na nawalan ng kabuhayan sa gitna ng pandemya, ayon sa saliksik ng IBON Foundation. <\/p>\n\n\n\n<p>Marahil totoong hindi siya apektado gayong ganap na mawawala na sa ere ang ABS-CBN, dahil may garantiya ang senador sa Malaca\u00f1ang na kanyang pinagsisilbihan\u2060\u2014ang ampunan ng mga taong tila isinanla na ang kaluluwa sa impiyerno alang-alang sa kapangyarihan. <\/p>\n\n\n\n<p>&#8220;Hanap ng ibang trabaho para mabuhay at magsumikap. May ibang paraan pa naman siguro para mabuhay tayo. Hanap ng ibang jobs. Alangan namang sabihin ko sa kanila na maghimagsik kayo; magwala kayo? Maghanap na lang ng ibang trabaho para mabuhay pamilya,\u201d wika pa nito. <\/p>\n\n\n\n<p>Isa ito sa pinakamasahol na dahilang pumailanlang sa nauna nang pahayag ng mga kongresistang napunta na ang suri sa mga teleserye ng Kapamilya, sa halip naituon ang atensyon sa isyu ng pagbibigay-prangkisa. Kabalintunan kung tutuusin, na sabihin ni Dela Rosa na marami pa namang paraan para \u201cmabuhay\u201d kung ang batayan ay kalagayan ng mamamayan sa kasalukuyan. Marami sa pamilyang Pilipino ang hindi napabilang sa maanomalya at mabagal na proseso ng Social Amelioration Program (SAP) at iba pang tulong-pinansyal na ipinagmamalaki ngunit maliit lamang ang naaabot. <\/p>\n\n\n\n<p>Kakatwa pa ng pahayag ng senador na maghanap na lamang ng ibang trabaho ang mga manggagawang maaantala sa oras na magsara ang istasyon. Ngunit ang mga nawalan ng trabaho sa labas nito, sa gitna ng krisis ay nakabase sa mababang arawang sahod o walang natatanggap na benepisyo, gaya ng mga tsuper at manininda. Hindi rin lahat ng kumpanya ay kasing tibay ng \u201cbato\u201d na kayang tumagal ng ilang siglo. Marami sa kanila ay nagpahayag na anumang oras ay mapipilitan silang magsara dahil sa pandemya. Ang mga pahayag ni Dela Rosa ay pawang hindi lapat sa lupa at aktwal na sitwasyon ng bayan.<\/p>\n\n\n\n<p>Kung dadalumatin, saan nga ba lulugar ang 11,000 na manggagawa ng ABS-CBN ngayong isasara na ang istasyon? Hindi ba\u2019t ganito rin ang pangako ng mga politikong halos itanan ang maralitang lungsod sa kaluwalhatian para lang sila iboto? Mga manggagawang pinangakuan na bubuwagin ni Pangulong Rodrigo ang kontraktwalisasyon na matagal nang nagpapahirap sa kanila. Tunay na reporma sa lupa na \u201ctunay na pangarap\u201d kung ang mga tradisyunal na politiko ang aasahan. West Philippine Sea na ipagpapatayan umano ng mga tumatakbong politiko noong nakaraang pambansang eleksyon, 2019. <\/p>\n\n\n\n<p>Ang pag-asang isinasambulat ni Dela Rosa sa balita ay hindi parang crush mo, na kapag nagsawa ka na ay madaling kalimutan. May politikal itong tunguhin, nais nitong lumikha ng fantasy-production sa gitna ng matinding kahirapan at pag-abanduna ng estado sa kanyang mamamayan na kahit mamamatay ka na sa gutom dahil sa kapabayaan ng pamahalaan, ay lilikha pa rin ito ng pagkakataong lumigaya ang taong umaasa pang may pagbabago sa rehimeng ito. <\/p>\n\n\n\n<p>Aniya pa ng senador, \u201cAko &#8216;di naman apektado dahil meron din naman ibang news outfit na magpeperform. Wala ako nakikitang epekto&#8230; As a whole, wala akong nakikita,\u201d nang tanungin ito tungkol sa implikasyon ng pagsasara ng ABS-CBN sa mga tagasubaybay dito, gaya sa balita.<\/p>\n\n\n\n<p>Kung tutuusin, tugma ang pahayag ni Dela Rosa na wala siyang nakikitang epekto sa pagkasara ng ABS-CBN tulad na lamang sa halos mahigit 30,000 na maralitang \u201cnatokhang\u201d na kanyang pinamunuan. Sa kabuuang patayan sa ilalim nito, wala itong nakitang mali kahit pa karamihan sa mga napatay ng pulis at umano\u2019y \u201cvigilante\u201d ay \u201cmistaken identity\u201d o di kaya ay \u201ctinaniman\u201d ng ebidensya o sinabing \u201cnanlaban\u201d kahit sa likod ang tama ng bala.<\/p>\n\n\n\n<p>Hirit pa niya \u201cramdam natin ang hirap na &#8216;yun\u201d nang sabihin sa kaniya sa interbyu na mahirap ang maghanap ng trabaho ngayong pandemya. Subalit, taliwas ito sa pagbalewala niya sa pagbabalik ng ABS-CBN.<\/p>\n\n\n\n<p>Sinalansan nito ang iba pang politikal na pagmaniobra sa paraang magpapatanggap sa mamamayan sa malawakang korapsyon, kapabayaan at kahirapan na danas sa pamahalaan. Antas \u201ccommodity culture\u201d ni Dela Rosa ang higit pang rekurso sa lumalalang krisis na nakaangkla sa pakiwari\u2019y may natitira pa itong pakialam sa kapwa para bilhin ang tiwala ng iilan, kahit pa katiting na lang ang pagkakataon na maunawaan ng mamamayan ang kawastuhan ng paniningil sa pamahalaan. <\/p>\n\n\n\n<p>May aral sa mga pahayag ni Dela Rosa, kinakasangkapan dito ang aktwal na buhay ng pangkaraniwang Pilipino\u2060\u2014makinig ka lang, senador naman siya. Hindi malilimutan ang linyang &#8220;sarap buhay&#8221; nang sambitin niya ito matapos dumali sa pulong-online kasama ng ibang senador habang gutom at namamatay sa krisis ang mga mamamayan. <\/p>\n\n\n\n<p>Marahil, walang patid ang senador sa kakasagot sa mga tanong, ngunit lagi itong nauuwi sa baluktot at magulong tugon na tila isang latang walang laman\u2060\u2060\u2014maingay na, masakit pa sa tainga. Nakakabahala na sinasahuran ito ng mamamayan habang sa red-tagging, mass killing, paninisi, acting, at &#8220;parroting&#8221; lang ito abala. <\/p>\n\n\n\n<p>Tama, sa kabilang banda, ang paalala ng Kagawaran ng Kalusugan (DOH) ngayong pandemya na &#8220;stay at home&#8221; at hindi sa taong hindi ka naman pinapahalagahan kahit minahal mo pa\u2060\u2014lalo sa senador na walang kuwenta. Naipasara man ang ABS-CBN o hindi, sitwasyon ang mag-aahon sa labis na kagipitan\u2060\u2014sa pwersa ng nagkakaisang inaapi walang imposible. <\/p>\n\n\n\n<p class=\"has-small-font-size\"><em>This article was originally published last July 10, 2020.<\/em><\/p>\n\n\n\n<p class=\"has-small-font-size\"><em>Featured image courtesy of Michael Varcas (Philstar); edited by Jewel Christopher Politico<\/em><\/p>\n\n\n\n<p><\/p>\n\n\n\n<div class=\"wp-block-image\"><figure class=\"aligncenter size-large is-resized\"><a href=\"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2021\/07\/02-sinag-logo_variation-a_black.png\"><img decoding=\"async\" src=\"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2021\/07\/02-sinag-logo_variation-a_black.png?w=1024\" alt=\"\" class=\"wp-image-1488\" width=\"63\" \/><\/a><\/figure><\/div>\n","protected":false},"excerpt":{"rendered":"","protected":false},"author":9,"featured_media":1500,"comment_status":"open","ping_status":"open","sticky":false,"template":"","format":"image","meta":{"_jetpack_memberships_contains_paid_content":false,"footnotes":""},"categories":[13],"tags":[],"ppma_author":[122],"class_list":["post-1492","post","type-post","status-publish","format-image","has-post-thumbnail","hentry","category-opinion","post_format-post-format-image"],"aioseo_notices":[],"jetpack_featured_media_url":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2021\/07\/all-about-you-1.png","jetpack-related-posts":[{"id":7279,"url":"https:\/\/sinag.press\/news\/2026\/02\/15\/kahit-kamatayan-ay-hindi-tayo-mapaghihiwalay\/","url_meta":{"origin":1492,"position":0},"title":"Kahit Kamatayan ay Hindi Tayo Mapaghihiwalay","author":"Staff","date":"15 February 2026","format":false,"excerpt":"Kasalanan daw ang ibigin ka. Nakadidiri at nakahahawa\u2014matagal kong kinimkim ang nararamdaman ko, na parang isang sakit na mahirap gamutin. Gusto kong punitin ang suot-suot kong gown ngayon. Maganda naman ang tela, pero nangangati akong hubarin ito. Ang fantasy ko? Custom-made na cropped Barong Tagalog, at mahabang paldang sumasayad sa\u2026","rel":"","context":"In &quot;Literary&quot;","block_context":{"text":"Literary","link":"https:\/\/sinag.press\/news\/category\/literary\/"},"img":{"alt_text":"","src":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2026\/02\/ILLUSTRATION-.png?resize=350%2C200&ssl=1","width":350,"height":200,"srcset":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2026\/02\/ILLUSTRATION-.png?resize=350%2C200&ssl=1 1x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2026\/02\/ILLUSTRATION-.png?resize=525%2C300&ssl=1 1.5x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2026\/02\/ILLUSTRATION-.png?resize=700%2C400&ssl=1 2x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2026\/02\/ILLUSTRATION-.png?resize=1050%2C600&ssl=1 3x"},"classes":[]},{"id":7032,"url":"https:\/\/sinag.press\/news\/2025\/07\/08\/isang-pagtatapat-sa-araw-ng-pagtatapos\/","url_meta":{"origin":1492,"position":1},"title":"Isang Pagtatapat sa Araw ng Pagtatapos","author":"Justin Felip Daduya","date":"8 July 2025","format":false,"excerpt":"Nailipat ko na sa kabilang balikat ang aking Sablay, kaya maaari na siguro akong umamin: pugad naman talaga ng radikalisasyon ang UP. Kung ang radikalisasyon ma\u2019y kasalanan, ako na ang unang mangungumpisal: ako ay naradikalisa. Ngunit bago manlaki ang inyong mga mata at bago niyo ako isumbong sa kung sinong\u2026","rel":"","context":"In &quot;Opinion&quot;","block_context":{"text":"Opinion","link":"https:\/\/sinag.press\/news\/category\/opinion\/"},"img":{"alt_text":"","src":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2025\/07\/Art-Cover_cr.png?resize=350%2C200&ssl=1","width":350,"height":200,"srcset":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2025\/07\/Art-Cover_cr.png?resize=350%2C200&ssl=1 1x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2025\/07\/Art-Cover_cr.png?resize=525%2C300&ssl=1 1.5x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2025\/07\/Art-Cover_cr.png?resize=700%2C400&ssl=1 2x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2025\/07\/Art-Cover_cr.png?resize=1050%2C600&ssl=1 3x"},"classes":[]},{"id":6985,"url":"https:\/\/sinag.press\/news\/2025\/03\/25\/disinuwebe-anyos\/","url_meta":{"origin":1492,"position":2},"title":"Disinuwebe Anyos","author":"Staff","date":"25 March 2025","format":false,"excerpt":"Kailan, saan nga ba nagsisimula ang pagiging babae?\u00a0 \u201cNamumulaklak ang ganda mo, babae \u2018yan sigurado.\u201d bungad ni tiyang sa nanay. Naniniwala naman ang tiyang sa kahit ano, kaya hindi mo rin masabi kung totoo.\u00a0 \u201cBabae ho.\u201d banggit ng doktor. Tuwang-tuwa ang tatay sapagkat hindi niya kailanmang iibiging magluwal ang nanay\u2026","rel":"","context":"In &quot;Literary&quot;","block_context":{"text":"Literary","link":"https:\/\/sinag.press\/news\/category\/literary\/"},"img":{"alt_text":"","src":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2025\/03\/2025-03-25-Disinuwebe.png?resize=350%2C200&ssl=1","width":350,"height":200,"srcset":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2025\/03\/2025-03-25-Disinuwebe.png?resize=350%2C200&ssl=1 1x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2025\/03\/2025-03-25-Disinuwebe.png?resize=525%2C300&ssl=1 1.5x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2025\/03\/2025-03-25-Disinuwebe.png?resize=700%2C400&ssl=1 2x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2025\/03\/2025-03-25-Disinuwebe.png?resize=1050%2C600&ssl=1 3x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2025\/03\/2025-03-25-Disinuwebe.png?resize=1400%2C800&ssl=1 4x"},"classes":[]},{"id":4550,"url":"https:\/\/sinag.press\/news\/2022\/05\/23\/walang-hustisya-sa-ilalim-ng-academic-freedom-killer-at-redtagger\/","url_meta":{"origin":1492,"position":3},"title":"Walang hustisya sa ilalim ng academic freedom killer at redtagger","author":"Staff","date":"23 May 2022","format":false,"excerpt":"\"Malinaw na ang pag-alok ni Marcos, Jr. kay Remulla ng posisyon sa gabinete ay kabayaran para sa pagpapakatuta ni Remulla kay Duterte at sa NTF-ELCAC sa loob ng Kongreso at maging sa eleksyon. Hindi karapat-dapat na maging kalihim ng hustisya ang Academic Freedom Killer at Redtagger na si Remulla,\"\u00a0 Raoul\u2026","rel":"","context":"In &quot;Others&quot;","block_context":{"text":"Others","link":"https:\/\/sinag.press\/news\/category\/others\/"},"img":{"alt_text":"","src":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/05\/sinag-web-banner-7-1-1.png?resize=350%2C200&ssl=1","width":350,"height":200,"srcset":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/05\/sinag-web-banner-7-1-1.png?resize=350%2C200&ssl=1 1x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/05\/sinag-web-banner-7-1-1.png?resize=525%2C300&ssl=1 1.5x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/05\/sinag-web-banner-7-1-1.png?resize=700%2C400&ssl=1 2x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/05\/sinag-web-banner-7-1-1.png?resize=1050%2C600&ssl=1 3x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/05\/sinag-web-banner-7-1-1.png?resize=1400%2C800&ssl=1 4x"},"classes":[]},{"id":7299,"url":"https:\/\/sinag.press\/news\/2026\/03\/17\/sa-kusina-nagsisimula-ang-mga-tanong\/","url_meta":{"origin":1492,"position":4},"title":"Sa Kusina Nagsisimula ang mga Tanong","author":"Staff","date":"17 March 2026","format":false,"excerpt":"sulat ni Lance Navarra Ang oras ay alas-sais ng gabi, araw ng Martes. Oras ng hapunan.Oras din ng balitang paulit-ulit nang nagsasabi kung sino ang dapat katakutan ng bayan. \u201cSa ulo ng mga nagbabagang balita!\u201d Sumabog ang pamilyar na himig mula sa lumang telebisyon habang unti-unting sumisilip ang buwan sa\u2026","rel":"","context":"Similar post","block_context":{"text":"Similar post","link":""},"img":{"alt_text":"","src":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2026\/03\/BATO.png?resize=350%2C200&ssl=1","width":350,"height":200,"srcset":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2026\/03\/BATO.png?resize=350%2C200&ssl=1 1x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2026\/03\/BATO.png?resize=525%2C300&ssl=1 1.5x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2026\/03\/BATO.png?resize=700%2C400&ssl=1 2x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2026\/03\/BATO.png?resize=1050%2C600&ssl=1 3x"},"classes":[]},{"id":5669,"url":"https:\/\/sinag.press\/news\/2023\/01\/14\/bukas-na-liham-sa-mga-katulad-kong-pagod-na-sa-finals-week\/","url_meta":{"origin":1492,"position":5},"title":"Bukas na liham sa mga katulad kong pagod na sa Finals Week","author":"Staff","date":"14 January 2023","format":false,"excerpt":"Wala parin ako sa UP. Hindi pa rin ako nakakatapak sa AS steps, nakakain sa Area 2, at nakakatambay sa Sunken. Nandito pa rin ako sa kwarto, nakatitig sa Google Classroom mag-isa. Wala parin ako sa UP. Hindi pa rin ako nakakatapak sa AS steps, nakakain sa Area 2, at\u2026","rel":"","context":"In &quot;Literary&quot;","block_context":{"text":"Literary","link":"https:\/\/sinag.press\/news\/category\/literary\/"},"img":{"alt_text":"","src":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2023\/01\/sinag-web-banner-2.png?resize=350%2C200&ssl=1","width":350,"height":200,"srcset":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2023\/01\/sinag-web-banner-2.png?resize=350%2C200&ssl=1 1x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2023\/01\/sinag-web-banner-2.png?resize=525%2C300&ssl=1 1.5x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2023\/01\/sinag-web-banner-2.png?resize=700%2C400&ssl=1 2x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2023\/01\/sinag-web-banner-2.png?resize=1050%2C600&ssl=1 3x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2023\/01\/sinag-web-banner-2.png?resize=1400%2C800&ssl=1 4x"},"classes":[]}],"jetpack_sharing_enabled":true,"authors":[{"term_id":122,"user_id":9,"is_guest":0,"slug":"csspsinag","display_name":"Staff","avatar_url":"https:\/\/secure.gravatar.com\/avatar\/194807626fee183640d3de57e788ba7c8c0d40bd86bfc1237bed56bcd3832c1b?s=96&d=mm&r=g","0":null,"1":"","2":"","3":"","4":"","5":"","6":"","7":"","8":""}],"_links":{"self":[{"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/posts\/1492","targetHints":{"allow":["GET"]}}],"collection":[{"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/posts"}],"about":[{"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/types\/post"}],"author":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/users\/9"}],"replies":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/comments?post=1492"}],"version-history":[{"count":0,"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/posts\/1492\/revisions"}],"wp:featuredmedia":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/media\/1500"}],"wp:attachment":[{"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/media?parent=1492"}],"wp:term":[{"taxonomy":"category","embeddable":true,"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/categories?post=1492"},{"taxonomy":"post_tag","embeddable":true,"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/tags?post=1492"},{"taxonomy":"author","embeddable":true,"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/ppma_author?post=1492"}],"curies":[{"name":"wp","href":"https:\/\/api.w.org\/{rel}","templated":true}]}}