{"id":1870,"date":"2021-08-28T20:24:45","date_gmt":"2021-08-28T12:24:45","guid":{"rendered":"https:\/\/csspsinag.wordpress.com\/?p=1870"},"modified":"2021-08-28T20:24:45","modified_gmt":"2021-08-28T12:24:45","slug":"bagsik-at-himagsik-sa-up-at-malantic","status":"publish","type":"post","link":"https:\/\/sinag.press\/news\/2021\/08\/28\/bagsik-at-himagsik-sa-up-at-malantic\/","title":{"rendered":"Bagsik at himagsik sa UP at Malantic"},"content":{"rendered":"\n<p>Laging mataba ang lupa para lumago ang kilusang magsasaka na babawi sa lahat ng lupang simula&#8217;t sapul ay ninakaw mula sa kanila. Binhi ang mga mag-aaral ng lipunan na patuloy na lalago at magbubunga sa kanilang pag-ugat sa masa. Dakilang hamon ito sa Agham Panlipunan, sa Konsensya ng Bayan, na matutong makinig sa masa upang matutong magsalita.&nbsp; <\/p>\n\n\n\n<!--more-->\n<!--noteaser-->\n\n\n\n<hr class=\"wp-block-separator\" \/>\n\n\n\n<figure class=\"wp-block-image size-large is-resized\"><a href=\"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2021\/05\/angee.png\"><img loading=\"lazy\" decoding=\"async\" src=\"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2021\/05\/angee.png?w=167\" alt=\"\" class=\"wp-image-1175\" width=\"80\" height=\"142\" \/><\/a><\/figure>\n\n\n\n<p class=\"has-drop-cap\">\u201cAng lupa ay buhay.\u201d<\/p>\n\n\n\n<p><\/p>\n\n\n\n<p>Subalit ang bumubuhay sa lupa, ang mga pesante, ay araw-araw nang pinapatay\u2014kung di man sa matinding kahirapan ay mula sa bala at bomba ng mga militar. Ang ugat nito? Ang monopolyo ng lupa sa kamay ng ilang asyendero habang milyon-milyon ang walang bigas na makain kahit siya ang nagtanim, nagbayo, at nagsaing.<\/p>\n\n\n\n<p>Nasa siyam sa sampung magsasaka ang walang lupa, ayon sa datos ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas. Sa kabila ng nagtatayugang gusali ng lunsod at mahahabang highway nito, umiiral pa rin sa kanayunan ang ekonomyang ang paglago ay&nbsp; nakasalalay sa labas-masok na palitan, at paghuhukay ng libingan ng mga magsasaka, manggagawang-bukid, katutubo, at iba pang itinuturing ang lupa bilang kanilang buhay.<\/p>\n\n\n\n<p>Sa paglipas ng panahon, unti-unting nilamon ng mga gusali ang lunsod. Itrinansporma ang mga parang at bukid bilang brutalistang mukha ng terorismo ng estado para seguruhin ang interes ng iilan. Sa kabila ng pagpapaganda sa mga numero ng ekonomiya at estetikong arkitektura, hindi nito naikukubli ang katotohanang walang paglago sa buhay ng mamamayan \u2014wala pa ring lupa ang magsasaka.<\/p>\n\n\n\n<p>Para sa mga estudyante ng UP, ang katotohanang ito ay nasa loob mismo ng pamantasan. Ang mga naratibo ng pang-aapi at pakikibaka ng mga magsasaka ay maririnig sa mga kwento nina Mang Dado, Kuya Dong, Mang Popoy at iba pang magsasaka sa bukid ng Malantic, Pook Aguinaldo. Sila ang mga magsasaka na hanggang ngayon ay patuloy pa ring naggigiit sa UP sa kanilang pagmamay-ari sa lupa.<\/p>\n\n\n\n<p>Ang mahabang kasaysayan ng pakikibaka nila sa lupa ay mahabang kasaysayan din ng tunggalian ng mga uri. Sa panahon ng mga Espanyol, ang lupang sinasaka nila ay ipinagkaloob sa isang Don Demetrio Tuason bilang encomienda. Sa panahon ng mga Amerikano, pinayagan ni Quezon na ilipat ang UP sa lugar nito ngayon sa Diliman. Sa pagbugso naman ng mga patakaran sa pribatisasyon noong dekada 90, malaking dagok din ang hinarap ng mga komunidad ng maralitang lunsod at magsasaka sa UP sa pagpapalayas at urbanisasyon.<\/p>\n\n\n\n<p>Simple lang ang katotohanan sa ating kasaysayan: wala pa ring sariling lupa ang mga magsasaka hanggang ngayon.<\/p>\n\n\n\n<p>Ang dating malawak na bukirin at palayan ay pinalitan ng mga gusali na ang pundasyon ay nakatayo sa lupang pinag-aagawan dahil, sa esensya, ang kakulangan ng lupang maaaring ariin ay nakatali pa rin naman sa monopolyo ng mga panginoong maylupa rito. Para sa mga magsasaka ng Malantic, hindi nila basta-basta isusuko ang lupa dahil iyon ang kanilang buhay. Tiyak, ganito rin ang naratibo ng pakikibaka at digma ng milyon-milyon pang magsasaka.<\/p>\n\n\n\n<p>Bunsod ng tunggaliang ito sa pagmamay-ari sa lupa sa pagitan ng administrasyon ng UP at ng mga magsasaka ng Malantic, masasabi nga bang magkataliwas ang interes ng mga estudyante at magsasaka? Na para bang ang pag-angkin ng isa ay kawalan ng isa\u2014ika nga ng mga ekonomista sa UP School of Economics ay \u201cthere is no such thing as free lunch.\u201d&nbsp;<\/p>\n\n\n\n<p>Ang katotohanan, nasa iisang panig lamang ang mga magsasaka at estudyante laban sa mga libreng nakikikain ng mga bagay na dapat ay sa atin\u2013ang mga nagkakamal na wala namang karapatan liban sa institusyon ng pribadong pagmamay-ari.<\/p>\n\n\n\n<p>Sa huling suri, ang karapatan sa edukasyon ng mga estudyante at karapatan sa lupa ng mga magsasaka ay hindi magkatunggali. Bagkus, dapat kilalaning esensyal ang parehong karapatan at dapat bumuo ng matibay na pagkakaisa upang singilin ang mga nagkakait ng lupa at edukasyon.<\/p>\n\n\n\n<p>Hindi ang estudyante at magsasaka ang walang karapatan kundi ang mga walang nilalahok sa produksyon ngunit nagkakamal ng labis na halaga. Bakit ganito ang umiiral na panlipunang sistema? Ang sagot ay neoliberalismo.<\/p>\n\n\n\n<p>Ayon sa Marxistang geographer na si David Harvey, simpleng mabibigyang kahulugan ang neoliberalismo bilang \u201caccumulation by dispossession.\u201d Yumayaman ang isa dahil sa paghihirap ng iba. Mayaman ang asyendero dahil naghihirap ang magsasaka. Todo kaltas ang badyet sa edukasyon habang lumalaki ang tax cuts at exemptions sa malalaking negosyo pati ang pondo sa terorismo ng estado. Sa esensya, ang neoliberalismo ay pagkakait sa demokratikong karapatan ng mga mamamayan para ilaan sa iilan.<\/p>\n\n\n\n<p>Kapwa nadidispossess o ninanakawan ang mga magsasaka at estudyante sa patakarang neoliberal. Para sa administrasyon ng UP, madaling agawin ang lupa at magdemolish ng mga komunidad para sa \u201cacademic land use policy\u201d nito habang araw-araw milyon-milyon ang kinikita ng pagsasamantala ng mga Ayala sa Technohub at UP Town Center.&nbsp;<\/p>\n\n\n\n<p>Balita pa ng mga magsasaka, may balak pang magtayo ng mall noon sa kanilang sakahan. Ngayong linggo, tinayuan na ng mga pananda ang palayan nila para sa balak na kalsada sa Area 17 na diumano ay para sa nasabing mall sa komunidad. Ang lupang binubungkal ay unti-unting nilalamon ng semento at bakal.<\/p>\n\n\n\n<p>Sa hanay ng mga estudyante, hindi natinag ng tumitinding krisis ng pandemya ang kalakarang palengke\u2014pagbebenta sa edukasyon at pagkakait nito. Liban sa higit 500 araw ng pahirap at bulok na remote learning at banta ng COVID-19 at disempleyo, haharap ang UP sa P16-bilyong pisong kulang na pondo at siguradong may kaltas pang P1-bilyon.&nbsp;<\/p>\n\n\n\n<p>Ibig sabihin, mas kakaunti ang kapasidad sa pagtanggap ng pasyente sa primaryang COVID referral hospital na PGH at pasok sa free tuition at walang regularisasyon ng mga kontraktwal at mas kaunting estudyanteng saklaw ng free tuition habang kinukulimbat ni Duterte at NTF-ELCAC ang pondo at tuloy ang pribatisasyon ng pamantasan sa anyo ng Socialized Tuition &#8220;Scam&#8221; at UP Master Development Plan.<\/p>\n\n\n\n<p>Dito papasok ang batayang kontradiksyon ng UP: ang neoliberal na unibersidad at ang \u201cpamantasan sa loob ng pamantasan.\u201d Sa administrasyon laluna ni Pangulong Danilo Concepcion, masusubok ang dalawahang mukha nito sa pagiging kontra-tiraniya habang tagapamandila naman ng neoliberalismo. May hamon sa kanyang magtugma ang paninindigan sa ekonomya at politika na para sa masa. Sa mga estudyante, malaking hamon na magbalikwas, bawiin ang ninakaw na mga pangarap, rekurso, at buhay ng mga gaya ni Kristel Tejada, sa pamamagitan ng pag-aaral ng lipunan at pagsisilbi sa sambayanan upang baguhin ito.&nbsp;<\/p>\n\n\n\n<p>Walang GE class na itinuturo ang mga magsasaka ng Malantic. Walang grado ang pakikipamuhay sa kanila o pagsama sa kanilang pagtatanim. Subalit, naroroon sa mga sakahan ng Diliman ko mas higit na naiintindihan ang sinabi ni Harvey at iba pang akademiko, radikal man o reaksyunaryo, habang malinaw na nakikipanig sa tunggalian ng dalawang kampo\u2014makauring tunggalian, na sa parating huli, ay kapwa bumibiktima sa mga magsasaka at estudyante, labas sa mga sari-sarili nilang kontradiksyon.<\/p>\n\n\n\n<p>Habang kinakausap ang mga magsasaka ng Malantic, doon ko nagagap ang sinasabi ni Sison na ang tunay na kapangyarihan ng mga estudyante ay magmumula sa pagsanib niya sa pakikibaka ng mga magsasaka at manggagawa. Doon sa malawak na bukid\u2013kinubli ng tayog ng lungsod\u2013natutunan ko ang ipinagkakait ng edukasyon sa Palma Hall.&nbsp;<\/p>\n\n\n\n<p>Doon, totoo ang mukha ng mga teorya at konsepto. Naroon ang isang bahagi ng malaking mundo ng mga gutom. Doon tayo dapat magdiskusyon at kumilos\u2014mag-alay ng ating sarili.<\/p>\n\n\n\n<p>Mananatili ang istorikal na tunggalian sa pagitan ng dalawang panig ng neoliberalismo: ang mga nagkakamal at ang mga ninanakawan. Ang tanong na lamang ay para kanino ba tayo maglilingkod at papanig dito?&nbsp;<\/p>\n\n\n\n<p>Sa labas ng gusaling Palma, naghihintay ang \u201cpamantasan sa loob ng pamantasan\u201d\u2014ang mga gurong magsasaka, manggagawa, at maralitang lunsod na magtuturo sa atin paano likhain ang mga pangarap.&nbsp;<\/p>\n\n\n\n<p>Para halawan ang mahusay na guro at mag-aaral ng mga magsasaka na si Prop. Gelacio Guillermo, walang silbi ang mga teorya, gaano man ito kahusay pakinggan, kung wala itong ipagsisilbi sa pakikibaka ng mga mamamayan sa isang lipunan kung saan namamatay ang marami upang mabuhay lamang ang iilan.<\/p>\n\n\n\n<p>Laging mataba ang lupa para lumago ang kilusang magsasaka na babawi sa lahat ng lupang simula&#8217;t sapul ay ninakaw mula sa kanila. Binhi ang mga mag-aaral ng lipunan na patuloy na lalago at magbubunga sa kanilang pag-ugat sa masa. Dakilang hamon ito sa Agham Panlipunan, sa Konsensya ng Bayan, na matutong makinig sa masa upang matutong magsalita.&nbsp;<\/p>\n\n\n\n<p>Mula sa mga gusali at bukid, umiikid ang pagtutunggalian ng bagsik at himagsik\u2014naroon ang unibersidad ng sambayanan na dapat paglingkuran, naroon ang lipunang dapat pag-aralan.<\/p>\n\n\n\n<p> <em>Featured image courtesy of Nerissa Jane Dilag.<\/em> <\/p>\n\n\n\n<div class=\"wp-block-image\"><figure class=\"aligncenter is-resized\"><img decoding=\"async\" src=\"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2021\/07\/02-sinag-logo_variation-a_black.png?w=1024\" alt=\"This image has an empty alt attribute; its file name is 02-sinag-logo_variation-a_black.png\" width=\"63\" \/><\/figure><\/div>\n","protected":false},"excerpt":{"rendered":"<p>Laging mataba ang lupa para lumago ang kilusang magsasaka na babawi sa lahat ng lupang simula&#8217;t sapul ay ninakaw mula sa kanila. Binhi ang mga mag-aaral ng lipunan na patuloy na lalago at magbubunga sa kanilang pag-ugat sa masa. Dakilang hamon ito sa Agham Panlipunan, sa Konsensya ng Bayan, na matutong makinig sa masa upang [&hellip;]<\/p>\n","protected":false},"author":9,"featured_media":1876,"comment_status":"open","ping_status":"open","sticky":false,"template":"","format":"standard","meta":{"_jetpack_memberships_contains_paid_content":false,"footnotes":""},"categories":[9],"tags":[],"ppma_author":[122],"class_list":["post-1870","post","type-post","status-publish","format-standard","has-post-thumbnail","hentry","category-features"],"aioseo_notices":[],"jetpack_featured_media_url":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2021\/08\/malantic-1.png","jetpack-related-posts":[{"id":4347,"url":"https:\/\/sinag.press\/news\/2022\/04\/17\/nasa-masa-ang-mesiyas\/","url_meta":{"origin":1870,"position":0},"title":"Nasa masa ang Mesiyas","author":"Staff","date":"17 April 2022","format":false,"excerpt":"Buhay na muli si Kristo. Subalit, sa materyal na mundo, ang mga nananalig sa kanya ay pinapatay, kung hindi man sa bomba at bala ay sa labis na kahirapan. Buhay na muli si Kristo. Subalit, sa materyal na mundo, ang mga nananalig sa kanya ay pinapatay, kung hindi man sa\u2026","rel":"","context":"In &quot;Features&quot;","block_context":{"text":"Features","link":"https:\/\/sinag.press\/news\/category\/features\/"},"img":{"alt_text":"","src":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/04\/sinag-web-banner-1-4-1.png?resize=350%2C200&ssl=1","width":350,"height":200,"srcset":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/04\/sinag-web-banner-1-4-1.png?resize=350%2C200&ssl=1 1x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/04\/sinag-web-banner-1-4-1.png?resize=525%2C300&ssl=1 1.5x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/04\/sinag-web-banner-1-4-1.png?resize=700%2C400&ssl=1 2x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/04\/sinag-web-banner-1-4-1.png?resize=1050%2C600&ssl=1 3x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/04\/sinag-web-banner-1-4-1.png?resize=1400%2C800&ssl=1 4x"},"classes":[]},{"id":3101,"url":"https:\/\/sinag.press\/news\/2021\/11\/16\/sa-ngalan-ng-tubo\/","url_meta":{"origin":1870,"position":1},"title":"Sa ngalan ng tubo","author":"Staff","date":"16 November 2021","format":false,"excerpt":"Sabi nila, matamis ang tubo. Ngunit para kanino? Ngayong araw, ginugunita ang ika-17 anibersaryo ng Hacienda Luisita Massacre. Nobyembre 16, 2004 noon nang brutal na paslangin ng mga pulis at militar ang mga nagpoprotestang magsasaka sa 6,435-ektaryang Hacienda Luisita at manggagawang-bukid sa Central Azucarera de Tarlac. Labing-apat na welgista, kabilang\u2026","rel":"","context":"Similar post","block_context":{"text":"Similar post","link":""},"img":{"alt_text":"","src":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2021\/11\/sinag-web-banner-7-1.png?resize=350%2C200&ssl=1","width":350,"height":200,"srcset":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2021\/11\/sinag-web-banner-7-1.png?resize=350%2C200&ssl=1 1x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2021\/11\/sinag-web-banner-7-1.png?resize=525%2C300&ssl=1 1.5x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2021\/11\/sinag-web-banner-7-1.png?resize=700%2C400&ssl=1 2x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2021\/11\/sinag-web-banner-7-1.png?resize=1050%2C600&ssl=1 3x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2021\/11\/sinag-web-banner-7-1.png?resize=1400%2C800&ssl=1 4x"},"classes":[]},{"id":4963,"url":"https:\/\/sinag.press\/news\/2022\/07\/17\/si-marcos-ang-dapat-makinig\/","url_meta":{"origin":1870,"position":2},"title":"Si Marcos ang dapat makinig!","author":"Staff","date":"17 July 2022","format":false,"excerpt":"Araw-araw na lamang ay sinasagad ng kapulisan ang kanilang kabobohan. Ani Maj. Gen. Valeriano de Leon, dapat makinig na lang daw ang mga kritiko ni Marcos Jr. sa kanyang mga plano, ano man ang ibig sabihin nito, na magsisilbing direksyon ng bansa sa anim na taon (o higit pa) ng\u2026","rel":"","context":"In &quot;Opinion&quot;","block_context":{"text":"Opinion","link":"https:\/\/sinag.press\/news\/category\/opinion\/"},"img":{"alt_text":"","src":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/07\/sinag-web-banner-8-1.png?resize=350%2C200&ssl=1","width":350,"height":200,"srcset":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/07\/sinag-web-banner-8-1.png?resize=350%2C200&ssl=1 1x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/07\/sinag-web-banner-8-1.png?resize=525%2C300&ssl=1 1.5x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/07\/sinag-web-banner-8-1.png?resize=700%2C400&ssl=1 2x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/07\/sinag-web-banner-8-1.png?resize=1050%2C600&ssl=1 3x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/07\/sinag-web-banner-8-1.png?resize=1400%2C800&ssl=1 4x"},"classes":[]},{"id":5558,"url":"https:\/\/sinag.press\/news\/2022\/12\/06\/si-ericson-at-ang-rebolusyon\/","url_meta":{"origin":1870,"position":3},"title":"Si Ericson at ang Rebolusyon","author":"Staff","date":"6 December 2022","format":false,"excerpt":"Sabi nila, ang nagtanim, may aanihin. Marahil, ganoon rin si Ericson. Tatlong dekada nang nagtatanim, mula sa kampus hanggang sa mga kanayunan, ng militanteng panulaan at radikal na politika upang ang lahat ng ninakaw sa atin ay maging atin na, balang araw. \u201cBayani ka, bayani ka, hanggang huling patak.\u201d\u00a0\u2014 Ericson\u2026","rel":"","context":"In &quot;Features&quot;","block_context":{"text":"Features","link":"https:\/\/sinag.press\/news\/category\/features\/"},"img":{"alt_text":"","src":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/12\/sinag-web-banner-1.png?resize=350%2C200&ssl=1","width":350,"height":200,"srcset":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/12\/sinag-web-banner-1.png?resize=350%2C200&ssl=1 1x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/12\/sinag-web-banner-1.png?resize=525%2C300&ssl=1 1.5x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/12\/sinag-web-banner-1.png?resize=700%2C400&ssl=1 2x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/12\/sinag-web-banner-1.png?resize=1050%2C600&ssl=1 3x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/12\/sinag-web-banner-1.png?resize=1400%2C800&ssl=1 4x"},"classes":[]},{"id":6879,"url":"https:\/\/sinag.press\/news\/2024\/10\/26\/ang-bigat-ng-agrarian-question-at-kalutasan-nito\/","url_meta":{"origin":1870,"position":4},"title":"Ang Bigat ng Agrarian Question at Kalutasan Nito","author":"Jenelle Raganas","date":"26 October 2024","format":false,"excerpt":"Umusbong ang kritisismo mula sa mga ekonomista na hindi na agrikultural ang Pilipinas. Subalit, isa lamang ito sa mga ugat ng mabigat na tanong-agraryong dapat sipatin gamit ang interdisiplinaryong-suri.","rel":"","context":"In &quot;Features&quot;","block_context":{"text":"Features","link":"https:\/\/sinag.press\/news\/category\/features\/"},"img":{"alt_text":"","src":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2024\/10\/D2WAi5gX.jpg?resize=350%2C200&ssl=1","width":350,"height":200,"srcset":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2024\/10\/D2WAi5gX.jpg?resize=350%2C200&ssl=1 1x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2024\/10\/D2WAi5gX.jpg?resize=525%2C300&ssl=1 1.5x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2024\/10\/D2WAi5gX.jpg?resize=700%2C400&ssl=1 2x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2024\/10\/D2WAi5gX.jpg?resize=1050%2C600&ssl=1 3x"},"classes":[]},{"id":5250,"url":"https:\/\/sinag.press\/news\/2022\/09\/05\/bawiin-ang-kinabukasan-lumaban-at-manindigan\/","url_meta":{"origin":1870,"position":5},"title":"Bawiin ang kinabukasan, lumaban at manindigan!","author":"Staff","date":"5 September 2022","format":false,"excerpt":"Ang militansiyang ipinamalas ng UP, mula sa mga mag-aaral hanggang komunidad, noong panahon ng Batas Militar, maging sa kasalukuyan, ay hindi lang pawang mga naratibo ng kasaysayan at ngayon. Bagkus, nagsisilbi itong saksi, pundasyon, at paalala sa umiigting na papel ng makabayang Konsensiya ng Bayan na kasabay ng pag-aaral ng\u2026","rel":"","context":"In &quot;Editorial&quot;","block_context":{"text":"Editorial","link":"https:\/\/sinag.press\/news\/category\/editorial\/"},"img":{"alt_text":"","src":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/09\/sinag-web-banner-20-1.png?resize=350%2C200&ssl=1","width":350,"height":200,"srcset":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/09\/sinag-web-banner-20-1.png?resize=350%2C200&ssl=1 1x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/09\/sinag-web-banner-20-1.png?resize=525%2C300&ssl=1 1.5x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/09\/sinag-web-banner-20-1.png?resize=700%2C400&ssl=1 2x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/09\/sinag-web-banner-20-1.png?resize=1050%2C600&ssl=1 3x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/09\/sinag-web-banner-20-1.png?resize=1400%2C800&ssl=1 4x"},"classes":[]}],"jetpack_sharing_enabled":true,"authors":[{"term_id":122,"user_id":9,"is_guest":0,"slug":"csspsinag","display_name":"Staff","avatar_url":"https:\/\/secure.gravatar.com\/avatar\/194807626fee183640d3de57e788ba7c8c0d40bd86bfc1237bed56bcd3832c1b?s=96&d=mm&r=g","0":null,"1":"","2":"","3":"","4":"","5":"","6":"","7":"","8":""}],"_links":{"self":[{"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/posts\/1870","targetHints":{"allow":["GET"]}}],"collection":[{"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/posts"}],"about":[{"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/types\/post"}],"author":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/users\/9"}],"replies":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/comments?post=1870"}],"version-history":[{"count":0,"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/posts\/1870\/revisions"}],"wp:featuredmedia":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/media\/1876"}],"wp:attachment":[{"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/media?parent=1870"}],"wp:term":[{"taxonomy":"category","embeddable":true,"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/categories?post=1870"},{"taxonomy":"post_tag","embeddable":true,"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/tags?post=1870"},{"taxonomy":"author","embeddable":true,"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/ppma_author?post=1870"}],"curies":[{"name":"wp","href":"https:\/\/api.w.org\/{rel}","templated":true}]}}