{"id":1880,"date":"2021-08-30T17:50:38","date_gmt":"2021-08-30T09:50:38","guid":{"rendered":"https:\/\/csspsinag.wordpress.com\/?p=1880"},"modified":"2021-08-30T17:50:38","modified_gmt":"2021-08-30T09:50:38","slug":"ang-pagpilay-sa-up-ay-pagpapahirap-sa-mga-bagong-bayani","status":"publish","type":"post","link":"https:\/\/sinag.press\/news\/2021\/08\/30\/ang-pagpilay-sa-up-ay-pagpapahirap-sa-mga-bagong-bayani\/","title":{"rendered":"Ang pagpilay sa UP ay pagpapahirap sa mga \u201cbagong bayani\u201d"},"content":{"rendered":"\n<p>Isa sa pinakabagong paandar ng kontrabidang administrasyon ay ang pagkaltas nito ng 44% sa P36.5 bilyon sa\u00a0 pondo ng UP sa panukalang 2022 badyet na ipinasa ng Kagawaran ng Pagbabadyet at Pamamahala.<\/p>\n\n\n\n<!--more-->\n<!--noteaser-->\n\n\n\n<hr class=\"wp-block-separator is-style-wide\" \/>\n\n\n\n<figure class=\"wp-block-image size-large is-resized\"><a href=\"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2021\/08\/op11.png\"><img loading=\"lazy\" decoding=\"async\" src=\"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2021\/08\/op11.png?w=244\" alt=\"\" class=\"wp-image-1882\" width=\"98\" height=\"186\" \/><\/a><\/figure>\n\n\n\n<p>Ngayong ika-30 ng Agosto ay ipinagdiriwang ang ika-79 na Araw ng mga Bayani sa ating bansa bilang pagpupugay sa mga Pilipinong hindi lamang nagbuwis ng buhay para sa ating kalayaan, kung hindi pagpupugay pati sa mga mamamayang buong-pusong nagsasakripisyo para sa ikauunlad at ikabubuti ng Pilipinas.&nbsp;<\/p>\n\n\n\n<p>Sa kabila ng pagdiriwang na ito, patuloy lamang na pinipili ng administrasyong Duterte ang pagiging kontrabida sa naratibo ng lipunan. Mula sa panghahamak at paniniil sa kabataan, health workers at frontliners, at pati sa Unibersidad ng Pilipinas (UP), hanggang sa pagpigil sa mga makabagong bayani ng bansa na silang tatamo sa pangarap ng magandang kinabukasan sa Pilipinas.<\/p>\n\n\n\n<p>Isa sa pinakabagong paandar ng kontrabidang administrasyon ay ang pagkaltas nito ng 44% sa P36.5 bilyon sa&nbsp; pondo ng UP sa panukalang 2022 badyet na ipinasa ng Kagawaran ng Pagbabadyet at Pamamahala noong ika-23 ng Agosto. Malinaw na ang pagkaltas na ito ay hindi lamang patunay ng baluktot na prayoridad ng pangulo sa pangangailangan ng bansa, kung hindi ay isa ring personal at desperadong pagtatangkang patahimikin ang komunidad ng pamantasan.<\/p>\n\n\n\n<p>Kung titingnan, isa sa pinakamalaking maaapektuhan sa pagkaltas na ito ay ang Philippine General Hospital (PGH) na siyang pinakamalaking COVID-19 referral center sa bansa at ang Philippine Genome Center na nangunguna sa mga pananaliksik kaugnay sa kasalukuyang pandemya. Bagaman parte ng sektor pangkalusugan, ang mga ito ay nakapasailalim at parte ng pondo ng UP.&nbsp;<\/p>\n\n\n\n<p>Tinatayang aabot ng P1.2 bilyon ang matatanggap na kaltas ng PGH sa pondo nito sa susunod na taon. Mahihinuha rito na kung ang mga alagad ng kalusugan ay humahagok na sa paghihirap dahil sa kapabayaan ng administrasyong Duterte, papaano pa sa susunod kung ang nakalaang pondo ay mas kinuripot pa nito?<\/p>\n\n\n\n<p>Isa pa, ang pagkaltas rin na ito ay nangangahulugan ng mas maliit na kompensasyon para sa mga makabagong bayani ng bayan na isinasakaprisyo ang sariling buhay upang makapagligtas ng iba. Sa halip na bigyan ng mataas na sahod at nararapat na mga&nbsp; benepisyo ang mga alagad ng kalusugan, sila ay naghihirap dahil sa kawalan ng sapat na suporta at sa pananamantala sa kanilang kagustuhang magligtas ng buhay sa gitna ng pandemya.<\/p>\n\n\n\n<p>Bukod sa aspetong pangkalusugan ay pipilayin din ng administrasyon ang unibersidad sa tungkulin at kakayahan nitong humulma ng kabataan para sa mas maayos at maunlad na lipunan. Sa pagkakaroon ng higit sa P900 milyong kaltas sa pondo ng UP para sa edukasyon, kasabay ng lumalalang kalagayan ng remote learning, ay siguradong mas maraming mag-aaral, guro, at kawani ng paaralan ang sasailalim sa mas masidhing pagdarahop sa darating na taong panuruan.&nbsp;<\/p>\n\n\n\n<p>Bunsod ng pagkaltas na ito ay ang pagbagsak ng bilang ng mga mag-aaral na matutulungan sana ng unibersidad sa kanilang pag-aaral at sa remote learning. Hindi rin makakapagpa-regular ng mga kawani sa buong UP System, at mahihirapan ang mga guro sa mainam na paghulma sa kabataan dala ng kakulangan ng mga tamang kagamitan at pasilidad.&nbsp;<\/p>\n\n\n\n<p>Ipinapakita ng mga atake ng estado na takot ito sa UP, sa mga tasyong nabubuo nito na dilat at mapagmasid sa kapangyarihan.&nbsp;<\/p>\n\n\n\n<p>Kung tutuusin nga, paano nga ba nakarating ang pangulo sa panukalang budget cut na ito?<\/p>\n\n\n\n<p>Malinaw para sa mga mamamayan kung ano ang pangangailangan ng ating bansa sa kasalukuyan. Kaya nga ilan sa mga kagawarang may pinakamalaking parte sa isinumiteng panukala ng pangulo para sa pondo sa susunod na taon ay ang Department of Education at Commission on Higher Education (P773.6 bilyon), Department of the Interior and Local Government (P250.4 bilyon), at ang Department of Health and the Philippine Health Insurance Corporation (P242 bilyon).&nbsp;<\/p>\n\n\n\n<p>Katulad ng UP, ang mga ahensiyang ito ay mayroon ding malaking tungkulin sa pagsugpo sa pandemya at ang kaakibat nitong lumalalang krisis, kung kaya\u2019t tama lang na paglaanan ito ng sapat na badyet ng pamahalaan. Subalit, ang mga ahensiyang ito ay. hindi matibay na kritiko ng pamahalaan gaya ng UP. Sila rin ay ilan sa mga minarkahan ng Commision on Audit na may kakulangan at anomalya sa epektibong paggamit ng pera ng taumbayan.<\/p>\n\n\n\n<p>Mahalaga na malaman natin na ang pondong pagdedesisyonan ng legislasyon ngayong taon ay maaaring magdikta sa magiging kalagayan ng ating lipunan sa mga susunod pang taon. Hindi lamang ang pandemya ang masasakop ng 2022 badyet. Makakaapekto rin ito sa magiging takbo ng papalapit na eleksyon.&nbsp;<\/p>\n\n\n\n<p>Ang UP ay kumakatawan sa lahat ng sektor ng lipunan. Dapat maintindihan ng administrasyong Duterte na ang pagsira at pagpilay sa UP ay hindi magreresulta sa pagkalumpo\u2019t pagsuko ng mga kritiko nito.&nbsp;<\/p>\n\n\n\n<p>Ang pagpilay sa UP ay magreresulta sa pagkasira at pagkapilay ng mga doktor, nars, mananaliksik, mamamahayag, inhinyero, siyentipiko, politiko, abogado, ng mga front liners at health workers, ng iba pang mga eksperto, ng mga bayani ng lipunan, at ng pangarap ng magandang kinabukasan sa hinaharap.<\/p>\n\n\n\n<p>Bilang mga konsensiya ng bayan, mahalaga na palaging kritikal sa pagiging makasarili ng mga makapangyarihan para sa ikabubuti ng mamamayang Pilipino. Mahalaga rin na maabot natin ang konsensiya ng ating kapwa at mapalawak ang kanilang mga pananaw na magiging inklusibo sa lahat ng miyembro ng lipunan \u2013 tungo sa ikakaunlad ng bawat isa.<\/p>\n\n\n\n<p>Bilang mga iskolar ng bayan, mahalaga na patuloy tayong mag-ingay para sa ating karapatan at sa nararapat. Dapat ay palakasin natin ang boses ng bawat istorya sa ating pamayanan na magdurusa dahil sa administrasyong ito; mapa-estudyante man, guro, kawani ng paaralan, alagad ng kalusugan, o ordinaryong mamamayan.&nbsp;<\/p>\n\n\n\n<p>Patuloy tayong lumaban para sa ating mga ospital, paaralan, at sa kaginhawahan at kaunlaran ng ating bayan.<\/p>\n\n\n\n<p>At bilang mga Pilipino, patuloy tayong lumaban sa paniniil at panghahamak ng mga ganid sa ating lipunan. Mahalaga na mabantayan at masiguro natin na ang buwis ng ating bayan ay nagagamit para sa mamamayan at hindi napupunta sa mga makapangyarihan. Sama-sama at tulong-tulong tayo \u2013 proteksiyonan at ipaglaban ang sarili, ang kapwa nating Pilipino, at ang ating bayan.<\/p>\n\n\n\n<p>Sa loob ng 79 na taon ay buong puso nating inaalala at pinagpupugayan ang lahat ng ating mga bayani para sa kanilang kontribusyon sa ating lipunan. Mahalaga na ating malaman na ang mga bayaning ito ay kumilos para sa ating lipunan upang makamit ang kanilang mga pangarap para sa ating bayan.&nbsp;<\/p>\n\n\n\n<p>Kaya naman ngayong Agosto 30, nawa ay hindi na lamang alaala at pagpupugay ang ating maigawad sa mga naging bayani, kasalukuyang bayani, at magiging bayani ng ating lipunan; sa mga guro, doktor, inhinyero at sa lahat ng Pilipinong kumikilos para sa bayan \u2013 bagkus sana ay maibigay na natin sa kanila ang katagumpayan ng kanilang pinapangarap na mas maunlad, mas maginhawa, mas ligtas, at malayang Pilipinas.<\/p>\n\n\n\n<p class=\"has-small-font-size\"><em>Featured image courtesy of ABS-CBN News.<\/em><\/p>\n\n\n\n<div class=\"wp-block-image\"><figure class=\"aligncenter is-resized\"><img decoding=\"async\" src=\"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2021\/07\/02-sinag-logo_variation-a_black.png?w=1024\" alt=\"This image has an empty alt attribute; its file name is 02-sinag-logo_variation-a_black.png\" width=\"63\" \/><\/figure><\/div>\n","protected":false},"excerpt":{"rendered":"<p>Isa sa pinakabagong paandar ng kontrabidang administrasyon ay ang pagkaltas nito ng 44% sa P36.5 bilyon sa\u00a0 pondo ng UP sa panukalang 2022 badyet na ipinasa ng Kagawaran ng Pagbabadyet at Pamamahala.<\/p>\n","protected":false},"author":9,"featured_media":1885,"comment_status":"open","ping_status":"open","sticky":false,"template":"","format":"standard","meta":{"_jetpack_memberships_contains_paid_content":false,"footnotes":""},"categories":[13],"tags":[],"ppma_author":[122],"class_list":["post-1880","post","type-post","status-publish","format-standard","has-post-thumbnail","hentry","category-opinion"],"aioseo_notices":[],"jetpack_featured_media_url":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2021\/08\/20210826-pgh-protest-gc-vu2a8077-1.webp","jetpack-related-posts":[{"id":863,"url":"https:\/\/sinag.press\/news\/2021\/04\/09\/huwad-ang-kalayaan-sa-ilalim-ng-imperyalismo\/","url_meta":{"origin":1880,"position":0},"title":"Huwad ang kalayaan sa ilalim ng imperyalismo","author":"ymkato","date":"9 April 2021","format":false,"excerpt":"Sa araw-araw na tayo\u2019y pinapahirapan ng imperyalismo, araw-araw din idinaraos ang araw ng kagitingan. Tunay ngang magiting ang mga lumalaban upang ipagtanggol ang lupang sinilangan, ngunit hindi makatarungan na pagkatapos ng ilang taong pambubusabos ay patuloy pa rin tayong pinagkakaitan ng tunay na kalayaan. Inaalala tuwing ika-9 ng Abril ang\u2026","rel":"","context":"In &quot;Opinion&quot;","block_context":{"text":"Opinion","link":"https:\/\/sinag.press\/news\/category\/opinion\/"},"img":{"alt_text":"","src":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2021\/05\/img_6746-scaled.jpg?resize=350%2C200&ssl=1","width":350,"height":200,"srcset":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2021\/05\/img_6746-scaled.jpg?resize=350%2C200&ssl=1 1x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2021\/05\/img_6746-scaled.jpg?resize=525%2C300&ssl=1 1.5x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2021\/05\/img_6746-scaled.jpg?resize=700%2C400&ssl=1 2x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2021\/05\/img_6746-scaled.jpg?resize=1050%2C600&ssl=1 3x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2021\/05\/img_6746-scaled.jpg?resize=1400%2C800&ssl=1 4x"},"classes":[]},{"id":6035,"url":"https:\/\/sinag.press\/news\/2023\/04\/09\/huwad-ang-kalayaan-sa-ilalim-ng-imperyalismo-2\/","url_meta":{"origin":1880,"position":1},"title":"Huwad ang kalayaan sa ilalim ng imperyalismo","author":"Staff","date":"9 April 2023","format":false,"excerpt":"[MULA SA ARKIBO] Tunay ngang magiting ang mga lumalaban upang ipagtanggol ang lupang sinilangan, ngunit hindi makatarungan na pagkatapos ng ilang taong pambubusabos ay patuloy pa rin tayong pinagkakaitan ng tunay na kalayaan. Tunay ngang magiting ang mga lumalaban upang ipagtanggol ang lupang sinilangan, ngunit hindi makatarungan na pagkatapos ng\u2026","rel":"","context":"In &quot;Opinion&quot;","block_context":{"text":"Opinion","link":"https:\/\/sinag.press\/news\/category\/opinion\/"},"img":{"alt_text":"","src":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2023\/04\/img_3597-1.jpg?resize=350%2C200&ssl=1","width":350,"height":200,"srcset":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2023\/04\/img_3597-1.jpg?resize=350%2C200&ssl=1 1x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2023\/04\/img_3597-1.jpg?resize=525%2C300&ssl=1 1.5x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2023\/04\/img_3597-1.jpg?resize=700%2C400&ssl=1 2x"},"classes":[]},{"id":2610,"url":"https:\/\/sinag.press\/news\/2021\/09\/29\/pagpupugay-kay-bienvenido-lumbera-ang-manunulat-ng-masa\/","url_meta":{"origin":1880,"position":2},"title":"Pagpupugay kay Bienvenido Lumbera, ang manunulat ng masa","author":"Staff","date":"29 September 2021","format":false,"excerpt":"Ang kaniyang buhay ay isang halimbawa kung paano kailangang makilahok ang mga manunulat kasama ang masa. Ang sabi niya nga: \"Mahalaga na matatag ang paninindigan ng isang aktibista, na hindi siya magpapatangay sa mga programang umaakit sa mga walang ideolohiya.\" \u201cAng masa, ang masa, pag nabuksan ang isipan, Uugit ng\u2026","rel":"","context":"In &quot;Features&quot;","block_context":{"text":"Features","link":"https:\/\/sinag.press\/news\/category\/features\/"},"img":{"alt_text":"","src":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2021\/09\/sinag-web-banner-21-1.png?resize=350%2C200&ssl=1","width":350,"height":200,"srcset":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2021\/09\/sinag-web-banner-21-1.png?resize=350%2C200&ssl=1 1x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2021\/09\/sinag-web-banner-21-1.png?resize=525%2C300&ssl=1 1.5x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2021\/09\/sinag-web-banner-21-1.png?resize=700%2C400&ssl=1 2x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2021\/09\/sinag-web-banner-21-1.png?resize=1050%2C600&ssl=1 3x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2021\/09\/sinag-web-banner-21-1.png?resize=1400%2C800&ssl=1 4x"},"classes":[]},{"id":4189,"url":"https:\/\/sinag.press\/news\/2022\/03\/25\/magbalikwas-sa-red-tagging\/","url_meta":{"origin":1880,"position":3},"title":"Magbalikwas sa red-tagging!","author":"Staff","date":"25 March 2022","format":false,"excerpt":"Ang kulay pula, bago pa ito minarcos ng tambalang Marcos-Duterte, ay matagal ng simbolo ng rebolusyonaryong pakikibaka. At ang mga demonyong gaya nila ang dahilan kung bakit nagpapatuloy ito. Ang kulay pula, bago pa ito minarcos ng tambalang Marcos-Duterte, ay matagal ng simbolo ng rebolusyonaryong pakikibaka. At ang mga demonyong\u2026","rel":"","context":"In &quot;Editorial&quot;","block_context":{"text":"Editorial","link":"https:\/\/sinag.press\/news\/category\/editorial\/"},"img":{"alt_text":"","src":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/03\/sinag-web-banner-1-7-1.png?resize=350%2C200&ssl=1","width":350,"height":200,"srcset":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/03\/sinag-web-banner-1-7-1.png?resize=350%2C200&ssl=1 1x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/03\/sinag-web-banner-1-7-1.png?resize=525%2C300&ssl=1 1.5x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/03\/sinag-web-banner-1-7-1.png?resize=700%2C400&ssl=1 2x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/03\/sinag-web-banner-1-7-1.png?resize=1050%2C600&ssl=1 3x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/03\/sinag-web-banner-1-7-1.png?resize=1400%2C800&ssl=1 4x"},"classes":[]},{"id":5074,"url":"https:\/\/sinag.press\/news\/2022\/08\/08\/mga-pag-ibig-na-nananaig-sa-gitna-ng-dulo\/","url_meta":{"origin":1880,"position":4},"title":"Mga pag-ibig na nananaig sa gitna ng dulo","author":"Staff","date":"8 August 2022","format":false,"excerpt":"Malayo sa mga tsismis na ang Katips ay pawang paninira lamang at galit sa mga Marcos, matalas at matapang nitong inilahad sa pamamagitan ng musika at kuwentong pag-ibig ang mga nangyari sa ilalim ng malagim na Batas na Militar ng diktador na si Ferdinand Marcos Sr.\u00a0 Ipinakita ng Katips na\u2026","rel":"","context":"In &quot;Features&quot;","block_context":{"text":"Features","link":"https:\/\/sinag.press\/news\/category\/features\/"},"img":{"alt_text":"","src":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/08\/sinag-web-banner-16-1.png?resize=350%2C200&ssl=1","width":350,"height":200,"srcset":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/08\/sinag-web-banner-16-1.png?resize=350%2C200&ssl=1 1x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/08\/sinag-web-banner-16-1.png?resize=525%2C300&ssl=1 1.5x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/08\/sinag-web-banner-16-1.png?resize=700%2C400&ssl=1 2x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/08\/sinag-web-banner-16-1.png?resize=1050%2C600&ssl=1 3x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/08\/sinag-web-banner-16-1.png?resize=1400%2C800&ssl=1 4x"},"classes":[]},{"id":2460,"url":"https:\/\/sinag.press\/news\/2021\/09\/21\/diktadurya-sa-likod-ng-huwad-na-demokrasya\/","url_meta":{"origin":1880,"position":5},"title":"Diktadurya sa Likod ng Huwad na Demokrasya","author":"Staff","date":"21 September 2021","format":false,"excerpt":"Apatnapu\u2019t siyam na taon matapos ang deklarasyon ng karumal-dumal na Batas Militar ng diktador na si Ferdinand Marcos, hindi na muling nakaranas pa ang Pilipinas ng kasinlala o mas masahol pang Martial Law sa kasaysayan nito. Ito ay dahil ang despotismo, paggawa ng krimen, at ang paniniil sa mamamayan ay\u2026","rel":"","context":"In &quot;Opinion&quot;","block_context":{"text":"Opinion","link":"https:\/\/sinag.press\/news\/category\/opinion\/"},"img":{"alt_text":"","src":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2021\/09\/124017389_396581131368569_3227560706397349052_n-1.png?resize=350%2C200&ssl=1","width":350,"height":200,"srcset":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2021\/09\/124017389_396581131368569_3227560706397349052_n-1.png?resize=350%2C200&ssl=1 1x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2021\/09\/124017389_396581131368569_3227560706397349052_n-1.png?resize=525%2C300&ssl=1 1.5x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2021\/09\/124017389_396581131368569_3227560706397349052_n-1.png?resize=700%2C400&ssl=1 2x"},"classes":[]}],"jetpack_sharing_enabled":true,"authors":[{"term_id":122,"user_id":9,"is_guest":0,"slug":"csspsinag","display_name":"Staff","avatar_url":"https:\/\/secure.gravatar.com\/avatar\/194807626fee183640d3de57e788ba7c8c0d40bd86bfc1237bed56bcd3832c1b?s=96&d=mm&r=g","0":null,"1":"","2":"","3":"","4":"","5":"","6":"","7":"","8":""}],"_links":{"self":[{"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/posts\/1880","targetHints":{"allow":["GET"]}}],"collection":[{"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/posts"}],"about":[{"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/types\/post"}],"author":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/users\/9"}],"replies":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/comments?post=1880"}],"version-history":[{"count":0,"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/posts\/1880\/revisions"}],"wp:featuredmedia":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/media\/1885"}],"wp:attachment":[{"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/media?parent=1880"}],"wp:term":[{"taxonomy":"category","embeddable":true,"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/categories?post=1880"},{"taxonomy":"post_tag","embeddable":true,"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/tags?post=1880"},{"taxonomy":"author","embeddable":true,"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/ppma_author?post=1880"}],"curies":[{"name":"wp","href":"https:\/\/api.w.org\/{rel}","templated":true}]}}