{"id":2179,"date":"2021-09-14T10:51:43","date_gmt":"2021-09-14T02:51:43","guid":{"rendered":"https:\/\/csspsinag.wordpress.com\/?p=2179"},"modified":"2021-09-14T10:51:43","modified_gmt":"2021-09-14T02:51:43","slug":"i-3-crs-ba-talaga","status":"publish","type":"post","link":"https:\/\/sinag.press\/news\/2021\/09\/14\/i-3-crs-ba-talaga\/","title":{"rendered":"&#8220;I &lt;3 CRS\u201d ba talaga?"},"content":{"rendered":"\n<p><em>\u201cManipestasyon ang kakulangan ng units nang hindi pagiging handa ng hindi lamang ng ating unibersidad, ngunit ng buong bansa pagdating sa edukasyon ngayong pandemya. Dahil sa palpak na tugon ng gobyerno at pagbibingi-bingihan ng administrasyon ay maapektuhan ang bawat estudyante sa bansa. Hindi lamang ang pagiging delayed ang negatibong epekto nito, dagdag pa ang hindi pagiging epektibo ng remote learning set-up. Kaya naman kailangan na ang #LigtasNaBalikEskwela dahil ang mga estudyante at ang mga propesor ang patuloy na maghihirap,\u201d <\/em>ani Lucas.<\/p>\n\n\n\n<!--more-->\n<!--noteaser-->\n\n\n\n<figure class=\"wp-block-image size-large is-resized\"><a href=\"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2021\/09\/jassirish.png\"><img loading=\"lazy\" decoding=\"async\" src=\"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2021\/09\/jassirish.png?w=1024\" alt=\"\" class=\"wp-image-2181\" width=\"148\" height=\"131\" \/><\/a><\/figure>\n\n\n\n<p><em>I &lt;3 CRS. <\/em>Ang mga katagang ito ay madalas na mababasa sa mga <em>social media posts <\/em>ng mga estudyanteng naghahangad na makatamo ng <em>\u201ccomplete units\u201d.&nbsp;<\/em><\/p>\n\n\n\n<p>Mayroon ding mga pampaswerteng imahe, halimbawa lamang ay ang tanyag na si <em>Pepe the frog<\/em> na nakahugis puso ang mga daliri. O kaya\u2019t may mga nagpapalit ng <em>profile picture<\/em> na may <em>frame <\/em>na <em>\u201cI love CRS.\u201d<\/em><\/p>\n\n\n\n<p><em>\u201cIto ang mahiwagang spaghetti, ipasa mo \u2018to sa sampu mong kaibigan para spaghetting pataas at pataas rin ang tsansa mo na makuha lahat ng units sa CRS. Pero pwede mo rin namang i-ignore, para spaghetting pababa na pababa ang tsansa mo na makuha lahat ng units mo sa CRS.\u201d <\/em>Ang mga salitang ito ay mauulinigan sa isang maikling bidyo na kumakalat sa mga pagitan ng mga <em>accounts <\/em>ng mga estudyante.&nbsp;<\/p>\n\n\n\n<p>Marahil ay nakita mo na rin ito \u2014 isang binatang balingkinitan, kayumanggi ang balat, nakasuot ng pawang itim na <em>slacks <\/em>at <em>converse<\/em>, itim ang buhok (at pati na rin ang mata!) at syempre, ang hinding-hindi makakaligtaang tampok na katangian niya ay nakahawak ng isang platong naglalaman ng tumataginting na <em>spaghetting <\/em>nangingibabaw ang kahel at puti.<\/p>\n\n\n\n<p>&nbsp;Bago pa man ang&nbsp; <em>enlistment<\/em> o <em>registration<\/em>, maraming mag-aaral ang magpo-<em>post<\/em> tungkol sa CRS, tulad ng mga nabanggit. Sa pamamaraang ito ay maihatid din sa nakatanggap ng mensahe ang mahihinuhang <em>\u201ccry for help\u201d<\/em> na idinaan na lamang sa katatawanan ng mga estudyanteng nagbabalat-kayo ng kanilang kaba at pagkadismaya sa sistemang nag-uugat sa pangangasiwa.<\/p>\n\n\n\n<p>Noon pa man, habang mayroong <em>face-to-face classes<\/em>, isyu na ang kakulangan ng units dahil sa kakulangan sa pondo. Ngunit mas pinaigting pa ito gawa ng <em>budget cuts <\/em>kagaya ng kamakailan lamang na <a href=\"https:\/\/sinag.press\/news\/2021\/08\/30\/ang-pagpilay-sa-up-ay-pagpapahirap-sa-mga-bagong-bayani\/\">P1.3 billion na <em>budget cut<\/em> <\/a>para sa Unibersidad ng Pilipinas (UP). P16.3- billion ang <em>deficit<\/em> sa mismong proposal ng UP, kung saan ang naiwang pondo ay kalahati lamang sa iminungkahing bahagi ng badyet. Mas bumaba ang badyet para sa mga guro, pati na rin para sa mga pasilidad; samantalang higit na naglaan ng pondo para sa mga bagay na walang katuturan, tulad ng <a href=\"https:\/\/sinag.press\/news\/2021\/08\/19\/arming-firemen-should-not-be-a-priority-as-pandemic-rages-on\/\">pag-aarmas sa Bureau of Fire Protection (BFP)<\/a> at ng P29.2 billion na badyet para sa <a href=\"https:\/\/sinag.press\/news\/2021\/08\/12\/a-safe-return-to-schools-remain-out-of-reach-under-a-cowardly-tyrant\/\">National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).<\/a><\/p>\n\n\n\n<p>Dahil dito, karamihan ng mga estudyante ay nangangamba pagkatapos ng nag-iisang <em>batch run<\/em> ng <em>pre-enlistment<\/em> sa Computerized Registration System (CRS) para sa unang semestre ng pang-akademikong taon 2021-2022. Mayorya ng mga mag-aaral ay naka-<em>enlist<\/em> lamang nang mas mababa sa 12 units, ang <em>minimum load<\/em> sa panahon ng <em>remote learning<\/em>. Sa kasamaang palad ay mayroon ding mga estudyante ring nakakuha ng 0 <em>units<\/em>.<\/p>\n\n\n\n<p>Dalawa sa mga estudyanteng hindi nakamit ang <em>minimum load<\/em> na 12 units ay ang mga mag-aaral ng Agham Pampulitika na sina Mikaela Lucas, isang incoming <em>third year<\/em>, at Zed Ninalga, isang <em>shiftee <\/em>at <em>first-year standing<\/em>. Sila ay nakakuha ng 3 <em>units<\/em> at 0 <em>units,<\/em> ayon sa pagkakabanggit.<\/p>\n\n\n\n<p><em>\u201cDati, ako ay nakaramdam ng excitement, kasi I know I have Freshman prio, pero ngayon, mas kinakabahan na kasi first year ko bilang shiftee at walang enlistment priority sa CRS. Ibig sabihin kasi noon, mas mababa ang tsansa kong makakuha ng slots. Idagdag pa na isang round lang ng pre-enlistment ang binuksan ngayon semestre, nakaka-kaba talaga kasi hindi mo alam kung may makukuha ka bang slots,\u201d <\/em>ani ni Ninalga.<\/p>\n\n\n\n<p>Ayon pa kay Ninalga, bilang isang shiftee mula sa Kolehiyo ng Edukasyon, noong siya ay nagpa-e<em>nlist <\/em>noon<em>, <\/em>siya ay nakaranas ng pagkasabik dahil&nbsp; siya ay mayroon pang <em>\u201cFreshman Priority\u201d. <\/em>Ngunit noong nagdaang <em>enlistment<\/em>, sapagkat siya ay isang shiftee at hindi niya na makukuha ang prayoridad sa pagpapatala, siya ay nakaramdam ng kaba. Aniya, sa pagkawala ng kanyang <em>status,<\/em> mas magiging mahirap ang pagkuha ng mga kinakailangang <em>load <\/em>o <em>subjects<\/em>.&nbsp;<\/p>\n\n\n\n<p>Ang <em>\u201cFreshman Priority\u201d <\/em>ay isang pribilehiyo ng mga mag-aaral sa <em>enlistment <\/em>sa CRS sa unang taon nila sa unibersidad. Sa pagtatapos ng unang taon sa kolehiyo, ang <em>pagpapa-enlist <\/em>ng mga estudyante ay maikakategorya bilang \u201ckanya-kanya\u201d. Ibig sabihin, naaayon na sa kani-kanilang diskarte at sa CRS ang maliit na probabilidad o pagkakataon nilang makuha ang kanilang kinakailangang asignatura.<\/p>\n\n\n\n<p><em>\u201cIt was frustrating because I planned my classes well pero dahil sa kakulangan ng slots sa CRS baka ma-delay pa rin ako. Nakakalungkot pa noong malaman ko na marami kaming kulang ang nakuhang units sa CRS,\u201d<\/em> giit ni Lucas.&nbsp;<\/p>\n\n\n\n<p>Si Lucas, sa pagkakaalam na magkakaroon lamang ng isang <em>round <\/em>ng pre-enlistment <em>batch-run,<\/em> ay kumakapit sa pag-asa ng pagkakaroon ng mabuting kalalabasan ng sirkumstansya. Ngunit, alam niya na raw mula sa kaibuturan ng kanyang puso na hindi magiging maganda ang kahihinatnan nito lalo na\u2019t <em>online setup ang klase.<\/em> Sa panahong ito, pawang mga mga guro at mga mag-aaral ang nagpupumiglas at nakikibaka upang maitaguyod ang edukasyon.&nbsp;<\/p>\n\n\n\n<p>Dahil walang nakuhang units si Ninalga, siya ay nalungkot at mangiyak-ngiyak dahil unang beses pa lang itong nangyari sa kaniya. Idagdag pa na unang semester niya ito bilang shiftee kaya\u2019t siya ay mapapasailalim sa <em>probation<\/em>.<\/p>\n\n\n\n<p>Sa pagkakataong&nbsp; hindi makakuha ng kompletong <em>units <\/em>ang mga mag-aaral, sila ay dumadaan sa mga sumusunod na proseso: (1) <em>Waitlisting, <\/em>ang proseso kung saan ang mga mag-aaral ay maaaring makakuha ng slot kung ika-<em>cancel<\/em> ng isang <em>enlisted<\/em> na mag-aaral ang kanyang slot at (2) <em>Teacher\u2019s prerogative<\/em>, o mas kilala bilang <em>prerog,<\/em> kung saan&nbsp; kokontakin ng mga mag-aaral ang mga piling propesor upang maka-<em>secure<\/em> ng slot sa kanilang klase. Ngunit, hindi garantisado na sila ay makakakuha ng slot.&nbsp;<\/p>\n\n\n\n<p><em>\u201cKailangan ko pa magmakaawa sa mga susunod na araw para matanggap ako sa mga klase. Nakakalungkot ding isipin na kailangan mag-overload ng mga professors. Hindi rin natin masisisi ang mga propesor at kailangan talagang tugunan ng unibersidad ang mga pangangailangan nila,\u201d <\/em>diin ni Lucas.&nbsp;<\/p>\n\n\n\n<p>Dahilan din ng kakulangan sa slots ang kakulangan ng mga guro sapagkat hindi sapat ang nababahaging pondo para sa kanila. Sadyang pinapalala pa ito ng kababalita lamang na pagkaltas sa badyet ng UP. Sila ay napipilitan ding mag-<em>overload, <\/em>kung saan ang mga guro ay mayroong mga klase na hindi na naaangkop sa kanilang kapasidad at inaasahang bilang ng estudyante o klase. Sa kasalukuyan, hindi pa maaaring magpadala ng <em>email <\/em>sa mga guro habang hindi pa natatapos ang <em>registration<\/em>.<\/p>\n\n\n\n<p>&nbsp;Sa kabuuan, ang proseso ng <em>pagpapa-enlist <\/em>ng klase sa unibersidad ay maituturing na isang <em>roller-coaster ride. <\/em>Hindi mo mawawari ang kahihinatnan ng mga pangyayaring hindi mo naman hawak ang proseso. Sa unang pagsakay sa trak ng riles, saya\u2019t pagkatuwa pa ang mararamdaman, ngunit paglaon ay pagkalula na at pagdadalamhati. Minsan pa nga\u2019y mas gugustuhin natin na matapos na ang biyahe at hindi na umulit pa.&nbsp;<\/p>\n\n\n\n<p><em>\u201cManipestasyon ang kakulangan ng units nang hindi pagiging handa ng hindi lamang ng ating unibersidad, ngunit ng buong bansa pagdating sa edukasyon ngayong pandemya. Dahil sa palpak na tugon ng gobyerno at pagbibingi-bingihan ng administrasyon ay maapektuhan ang bawat estudyante sa bansa. Hindi lamang ang pagiging delayed ang negatibong epekto nito, dagdag pa ang hindi pagiging epektibo ng remote learning set-up. Kaya naman kailangan na ang #LigtasNaBalikEskwela dahil ang mga estudyante at ang mga propesor ang patuloy na maghihirap,\u201d <\/em>ani Lucas.<\/p>\n\n\n\n<p>Ayon kay Lucas at Ninalga, nang dahil sa kakulangan ng units sa CRS, mas malaki ang probabilidad na maantala ang pagtatapos ng mga mag-aaral sa tamang oras dahil hindi pa nila nakukuha ang mga mga paunang kinakailangan o <em>pre-requisite <\/em>para sumablay.&nbsp;<\/p>\n\n\n\n<p>Si Ninalga at Lucas ay dalawa lamang sa maraming mga mag-aaral ng unibersidad ang nakakaranas ng kakulangan ng <em>load <\/em>o <em>unit <\/em>upang mairaos ang pag-aaral at pagtatapos sa angkop na oras. Mahihinuha na sa nangyayari ay naapektuhan din ang mental at emosyonal na kalusugan ng mga mag-aaral. Hindi maitatangging nakararanas din sila ng <em>stress <\/em>at <em>anxiety <\/em>na nag-uugat<em> <\/em>sa posibleng kahihinatnan ng nasabing resulta ng <em>batch-run. <\/em>Dahil dito, sila ay nag-aalala sa posibilidad ng pagiging <em>delayed <\/em>na dumadagdag pa sa kahinaan ng <em>remote learning<\/em>, lalo na para sa mga <em>breadwinners<\/em> ng kanilang mga pamilya.<\/p>\n\n\n\n<p>Sila\u2019y pawang natatakot na kung magpapatuloy ang ganitong kalakhan sa pag-aaral. Ang lahat ng mga mag-aaral, partikular na ang mga <em>breadwinner, <\/em>ay magpapaliban muna sa pag-aaral upang makapagbigay ng tulong o sustento sa pamilya. Lalo na\u2019t tayo ay nasa panahon ng pandemya, kung saan ay mas mahirap sumapit ng kaginhawaan. Magiging balakid para sa mga naghihikahos na pamilya, guro at mag-aaral kung magpapatuloy ang ganitong sistema ng kakulangan at kapabayaan.&nbsp;<\/p>\n\n\n\n<p>Habang <em>randomized <\/em>at ang CRS ang makakapagpasya kung ilan ang makukuhang <em>units<\/em>, hindi lahat ng mga mag-aaral ay swerteng pagpapalarin na makakakuha ng minimum <em>load<\/em>. Sa isang sitwasyong may <em>supply-and-demand <\/em>(kung saan mababa ang <em>supply<\/em> ng mga klase at mataas ang <em>demand<\/em> ng mga mag-aaral), sinasalamin nito na mahirap matamo ang kalidad na edukasyon, lalo na para sa mga mahihirap na nangangailangang balansehin ang pag-aaral at pagtatrabaho.<\/p>\n\n\n\n<p>Sa kasalukuyan, <a href=\"https:\/\/sinag.press\/news\/2021\/09\/04\/universities-in-other-countries-reopen-while-education-in-ph-remains-low-priority\/\">dalawa lamang sa mga bansa<\/a> sa buong mundo ang hindi makakapagtaguyod ng pangagasiwa ng harap-harapang mga klase sa mga paaralan, at isa roon ang Pilipinas. Ito ay patunay lamang sa inkompetensiya ng administrasyon sa panahon ng pandemya. Ang buong bansa ay nag-aasam na mapaunlakan ang pagtaguyod ng <em>#LigtasNaBalikEswela. <\/em>Ang lahat ng mamamayan ay patuloy na nangangarap na manunumbalik muli ang dating sigla at daloy ng karunungan sa mga pasilidad ng mga paaralan sa buong bansa. Ang mga patakarang <em>neoliberal <\/em>ng estado ang bumubukod sa kalidad at libreng edukasyon. Samakatuwid, ang mekanismo ng CRS ay nagbibigay-diin sa kompetisyon, libreng merkado, at garantiyang kalidad. Nawa\u2019y maging hudyat ang kakulangan ng units sa CRS, kakulangan ng mga guro sa unibersidad, kakulangan ng pondo sa sektor ng edukasyon ang pagpukaw ng mga pusong naghihikahos na ipaglaban at makamit ang kaalamang tanging maipapamana sa susunod na henerasyon.&nbsp;<\/p>\n\n\n\n<p>&nbsp; Kaya\u2019t kung tatanungin, \u201cI &lt;3 CRS\u201d ba talaga?<\/p>\n\n\n\n<p>Kapwa dalawa ang maisasagot ng mga mag-aaral. Mahal nila ang pribilehiyong makapag-aral sa isang prestihiyoso at tanyag na unibersidad sa bansa, ngunit mayroon silang pagkamuhi sa sistema ng administrasyong nakahawak sa susi ng tanikalang nakapiit sa leeg ng edukasyon.<\/p>\n\n\n\n<p>&nbsp; Apat na araw bago ang simula ng pasukan, ang panawagan ng mga Iskolar ng Bayan sa pangunguna ng Rise for Education &#8211; UP Diliman (R4E) ay iurong muna ang pagsisimula ng semestre hanggang umiiral ang pangangailangan na makipagpaligsahan o dili kaya\u2019y mamalimos para sa units \u2013\u2013 hanggang nananatiling hindi handa ang UP. Maaaring lagdaan ang petisyon ukol rito sa <a href=\"http:\/\/bit.ly\/MoveTheSemUP\">bit.ly\/MoveTheSemUP<\/a>.&nbsp;<\/p>\n\n\n\n<p>#UPNotReady<\/p>\n\n\n\n<p>#MoveTheSem<\/p>\n\n\n\n<p>#KilosNaUP<\/p>\n\n\n\n<p>#NoStudentLeftBehind<\/p>\n\n\n\n<p><em>Featured image courtesy of SINAG Files.<\/em><\/p>\n\n\n<div class=\"wp-block-image aligncenter\">\n<figure class=\"size-large is-resized\"><a href=\"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2021\/07\/cropped-02-sinag-logo_variation-a_black.png\"><img loading=\"lazy\" decoding=\"async\" src=\"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2021\/07\/cropped-02-sinag-logo_variation-a_black.png?w=512\" alt=\"\" class=\"wp-image-1490\" width=\"63\" height=\"63\" \/><\/a><\/figure>\n<\/div>","protected":false},"excerpt":{"rendered":"<p>\u201cManipestasyon ang kakulangan ng units nang hindi pagiging handa ng hindi lamang ng ating unibersidad, ngunit ng buong bansa pagdating sa edukasyon ngayong pandemya. Dahil sa palpak na tugon ng gobyerno at pagbibingi-bingihan ng administrasyon ay maapektuhan ang bawat estudyante sa bansa. Hindi lamang ang pagiging delayed ang negatibong epekto nito, dagdag pa ang hindi [&hellip;]<\/p>\n","protected":false},"author":9,"featured_media":2185,"comment_status":"open","ping_status":"open","sticky":false,"template":"","format":"standard","meta":{"_jetpack_memberships_contains_paid_content":false,"footnotes":""},"categories":[9],"tags":[],"ppma_author":[122],"class_list":["post-2179","post","type-post","status-publish","format-standard","has-post-thumbnail","hentry","category-features"],"aioseo_notices":[],"jetpack_featured_media_url":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2021\/09\/sinag-web-banner-8-1-1.png","jetpack-related-posts":[{"id":5962,"url":"https:\/\/sinag.press\/news\/2023\/03\/18\/punto-por-punto-walang-dahilan-para-isantabi-ang-kasaysaysayan-ng-rotc\/","url_meta":{"origin":2179,"position":0},"title":"Hindi maisasantabi ang madugong kasaysayan ng ROTC","author":"Staff","date":"18 March 2023","format":false,"excerpt":"Pilit na ibinabaon sa limot ng mga nagsusulong ng Mandatory ROTC kung paanong naging pugad lamang ito ng karahasan. Ngunit kaya nga bang tabunan ng kanilang mga dahilan ang madugo nitong nakaraan? Pilit na ibinabaon sa limot ng mga nagsusulong ng Mandatory ROTC kung paanong naging pugad lamang ito ng\u2026","rel":"","context":"In &quot;Opinion&quot;","block_context":{"text":"Opinion","link":"https:\/\/sinag.press\/news\/category\/opinion\/"},"img":{"alt_text":"","src":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2023\/03\/mark-chua-sm.jpg?resize=350%2C200&ssl=1","width":350,"height":200},"classes":[]},{"id":1543,"url":"https:\/\/sinag.press\/news\/2021\/07\/20\/singko-ang-nararapat-na-marka-para-kay-duterte\/","url_meta":{"origin":2179,"position":1},"title":"Singko ang nararapat na marka para kay Duterte","author":"emdeborja","date":"20 July 2021","format":false,"excerpt":"Kadalasan, kinakausap muna ang mga estudyanteng nakatatanggap ng bagsak na marka sa paaralan, ngunit hindi na ito maaaring gawin pa kay Duterte. Nagkaroon na siya ng sapat na panahon para tunay na pagsilbihan ang sektor ng edukasyon sa bansa, subalit lalo lamang sumasama ang kanyang pagpapahalaga rito sa paglipas ng\u2026","rel":"","context":"In &quot;Opinion&quot;","block_context":{"text":"Opinion","link":"https:\/\/sinag.press\/news\/category\/opinion\/"},"img":{"alt_text":"","src":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2021\/07\/ugly-1.png?resize=350%2C200&ssl=1","width":350,"height":200,"srcset":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2021\/07\/ugly-1.png?resize=350%2C200&ssl=1 1x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2021\/07\/ugly-1.png?resize=525%2C300&ssl=1 1.5x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2021\/07\/ugly-1.png?resize=700%2C400&ssl=1 2x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2021\/07\/ugly-1.png?resize=1050%2C600&ssl=1 3x"},"classes":[]},{"id":2145,"url":"https:\/\/sinag.press\/news\/2021\/09\/13\/mag-aral-maglingkod-mangahas-na-makibaka\/","url_meta":{"origin":2179,"position":2},"title":"Mag-aral, maglingkod, mangahas na makibaka!*","author":"Staff","date":"13 September 2021","format":false,"excerpt":"Ang palagian at papatinding krisis sa iba\u2019t ibang aspekto ng lipunan ang batayan kung bakit nananatiling makatarungan ang anti-imperyalismo hanggang sa kasalukuyan. Ang 44 taong kasaysayan para \u201cMangahas na makibaka\u201d ng LFS ay paalala lamang sa halaga ng pagbabalikwas sa dayuhang hegemonya upang kamtin ang tunay na kalayaan at kapangyarihan\u2026","rel":"","context":"In &quot;Features&quot;","block_context":{"text":"Features","link":"https:\/\/sinag.press\/news\/category\/features\/"},"img":{"alt_text":"","src":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2021\/09\/eleps-44_banner-1.png?resize=350%2C200&ssl=1","width":350,"height":200,"srcset":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2021\/09\/eleps-44_banner-1.png?resize=350%2C200&ssl=1 1x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2021\/09\/eleps-44_banner-1.png?resize=525%2C300&ssl=1 1.5x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2021\/09\/eleps-44_banner-1.png?resize=700%2C400&ssl=1 2x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2021\/09\/eleps-44_banner-1.png?resize=1050%2C600&ssl=1 3x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2021\/09\/eleps-44_banner-1.png?resize=1400%2C800&ssl=1 4x"},"classes":[]},{"id":3543,"url":"https:\/\/sinag.press\/news\/2022\/01\/25\/walang-honor-pero-may-excellence\/","url_meta":{"origin":2179,"position":3},"title":"Walang &#8220;honor&#8221; pero may &#8220;excellence&#8221;","author":"Staff","date":"25 January 2022","format":false,"excerpt":"Kung may world rankings lang ng pagiging bingi sa kahingian ng mga estudyante at kaguruan, marahil nangunguna na dito ang Unibersidad ng Pilipinas (UP) bunsod ng Board of Regents (BOR) nitong anti-estudyante kayat mga estudyante din ang naisasakripisyo at nahihirapan.\u00a0 Matapos manalasa ang Bagyong Rolly, lalo na sa Bicolandia at\u2026","rel":"","context":"In &quot;Opinion&quot;","block_context":{"text":"Opinion","link":"https:\/\/sinag.press\/news\/category\/opinion\/"},"img":{"alt_text":"","src":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/01\/sinag-web-banner-4-1.png?resize=350%2C200&ssl=1","width":350,"height":200,"srcset":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/01\/sinag-web-banner-4-1.png?resize=350%2C200&ssl=1 1x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/01\/sinag-web-banner-4-1.png?resize=525%2C300&ssl=1 1.5x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/01\/sinag-web-banner-4-1.png?resize=700%2C400&ssl=1 2x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/01\/sinag-web-banner-4-1.png?resize=1050%2C600&ssl=1 3x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/01\/sinag-web-banner-4-1.png?resize=1400%2C800&ssl=1 4x"},"classes":[]},{"id":2302,"url":"https:\/\/sinag.press\/news\/2021\/09\/16\/ang-hindi-patas-sa-pagiging-patas\/","url_meta":{"origin":2179,"position":4},"title":"Ang Hindi &#8216;Patas&#8217; sa Pagiging Patas","author":"Staff","date":"16 September 2021","format":false,"excerpt":"Sa kasalukuyang paglaban sa korapsyon at pagpatay sa ilalim ng rehimeng Duterte, dapat ipaalala kay Toni na ang pakikipagpanayam sa anak ng isang diktador ay isang pagbabalewala sa danas ng masa, maging sa ginawang pagnanakaw, pagpatay, at pagyurak sa karapatang pantao at sa malayang pamamahayag. Hindi kailanman magiging patas ang\u2026","rel":"","context":"In &quot;Opinion&quot;","block_context":{"text":"Opinion","link":"https:\/\/sinag.press\/news\/category\/opinion\/"},"img":{"alt_text":"","src":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2021\/09\/sinag-web-banner-12-2.png?resize=350%2C200&ssl=1","width":350,"height":200,"srcset":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2021\/09\/sinag-web-banner-12-2.png?resize=350%2C200&ssl=1 1x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2021\/09\/sinag-web-banner-12-2.png?resize=525%2C300&ssl=1 1.5x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2021\/09\/sinag-web-banner-12-2.png?resize=700%2C400&ssl=1 2x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2021\/09\/sinag-web-banner-12-2.png?resize=1050%2C600&ssl=1 3x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2021\/09\/sinag-web-banner-12-2.png?resize=1400%2C800&ssl=1 4x"},"classes":[]},{"id":5202,"url":"https:\/\/sinag.press\/news\/2022\/08\/30\/universidad-de-pahirap-anti-demokrasya-sa-neoliberal-na-pamantasan\/","url_meta":{"origin":2179,"position":5},"title":"Universidad de Pahirap: Anti-demokrasya sa neoliberal na pamantasan","author":"Staff","date":"30 August 2022","format":false,"excerpt":"Inilalantad ng pilit na pagtatanggal sa mga academic ease policies ang tunay na prayoridad ng administrasyon ng UP: hindi ang kapakanan ng estudyante, kundi ang pagpapanatili ng imahe ng \u201cnumero unong unibersidad sa bansa,\u201d kapalit ng kapakanan ng komunidad nito. Husay at dangal. Husay na de-numero at dangal na pakitang-tao,\u2026","rel":"","context":"In &quot;Opinion&quot;","block_context":{"text":"Opinion","link":"https:\/\/sinag.press\/news\/category\/opinion\/"},"img":{"alt_text":"","src":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/08\/sinag-web-banner-1-5-1.png?resize=350%2C200&ssl=1","width":350,"height":200,"srcset":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/08\/sinag-web-banner-1-5-1.png?resize=350%2C200&ssl=1 1x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/08\/sinag-web-banner-1-5-1.png?resize=525%2C300&ssl=1 1.5x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/08\/sinag-web-banner-1-5-1.png?resize=700%2C400&ssl=1 2x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/08\/sinag-web-banner-1-5-1.png?resize=1050%2C600&ssl=1 3x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/08\/sinag-web-banner-1-5-1.png?resize=1400%2C800&ssl=1 4x"},"classes":[]}],"jetpack_sharing_enabled":true,"authors":[{"term_id":122,"user_id":9,"is_guest":0,"slug":"csspsinag","display_name":"Staff","avatar_url":"https:\/\/secure.gravatar.com\/avatar\/194807626fee183640d3de57e788ba7c8c0d40bd86bfc1237bed56bcd3832c1b?s=96&d=mm&r=g","0":null,"1":"","2":"","3":"","4":"","5":"","6":"","7":"","8":""}],"_links":{"self":[{"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/posts\/2179","targetHints":{"allow":["GET"]}}],"collection":[{"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/posts"}],"about":[{"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/types\/post"}],"author":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/users\/9"}],"replies":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/comments?post=2179"}],"version-history":[{"count":0,"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/posts\/2179\/revisions"}],"wp:featuredmedia":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/media\/2185"}],"wp:attachment":[{"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/media?parent=2179"}],"wp:term":[{"taxonomy":"category","embeddable":true,"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/categories?post=2179"},{"taxonomy":"post_tag","embeddable":true,"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/tags?post=2179"},{"taxonomy":"author","embeddable":true,"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/ppma_author?post=2179"}],"curies":[{"name":"wp","href":"https:\/\/api.w.org\/{rel}","templated":true}]}}