{"id":2846,"date":"2021-10-14T15:34:22","date_gmt":"2021-10-14T07:34:22","guid":{"rendered":"https:\/\/csspsinag.wordpress.com\/?p=2846"},"modified":"2021-10-14T15:34:22","modified_gmt":"2021-10-14T07:34:22","slug":"panunupil-at-pagpapahirap-ang-mga-katutubo-sa-ilalim-ni-duterte","status":"publish","type":"post","link":"https:\/\/sinag.press\/news\/2021\/10\/14\/panunupil-at-pagpapahirap-ang-mga-katutubo-sa-ilalim-ni-duterte\/","title":{"rendered":"Panunupil at Pagpapahirap: Ang mga Katutubo sa ilalim ni Duterte"},"content":{"rendered":"\n<p>Sa ilalim ng rehimeng Duterte ay napaigting at napalala ang paghihirap na nararanasan ng mga IPs. Hindi nila natatamasa ang kanilang \u201ckarapatan sa sariling pagpapasya, lupa, edukasyon, at iba pang batayang serbisyong pampubliko na dapat ay naihahandog ng pamahalaan.\u201d<\/p>\n\n\n\n<!--more-->\n<!--noteaser-->\n\n\n\n<hr class=\"wp-block-separator is-style-wide\" \/>\n\n\n\n<figure class=\"wp-block-image size-thumbnail\"><a href=\"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2021\/10\/ni-bryan-valdez.png\"><img decoding=\"async\" src=\"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2021\/10\/ni-bryan-valdez.png?w=97\" alt=\"\" class=\"wp-image-2847\" \/><\/a><\/figure>\n\n\n\n<p>Ang Oktubre ay itinalaga bilang Pambansang Buwan ng mga Katutubo upang gunitain ang kultura at pagkakakilanlan bilang mga katutubo o Indigenous Peoples (IPs) na kabahagi ng ating lipunan, kalakip ng pagdidiin sa kanilang pakikibaka laban sa diskriminasyon at pang-aapi ng estado.<\/p>\n\n\n\n<p>\u201cPatuloy kaming tumitindig sa pagpapalakas at pagpapaugong ng mga panawagan at hinaing ng mga katutubong mamamayan ng Pilipinas na ilang siglo nang [pinagkakaitan] ng estado ng karapatang mamuhay nang payapa,\u201d <a href=\"https:\/\/www.facebook.com\/upanthrosoc\/posts\/4786532078038173\"><strong>pahayag ng UP Anthropology Society (UP AnthroSoc)<\/strong><\/a> sa kanilang pakikiisa kasama ang KATRIBU-UPD, BAI Network, KATRIBU Kalipunan, NNARA-Youth, NNARA UPD, at SANDUGO sa pagdaraos ng Pambansang Buwan ng mga Katutubo.<\/p>\n\n\n\n<p>Sa ilalim ng rehimeng Duterte ay napaigting at napalala ang paghihirap na nararanasan ng mga IPs. Hindi nila natatamasa ang kanilang \u201ckarapatan sa sariling pagpapasya, lupa, edukasyon, at iba pang batayang serbisyong pampubliko na dapat ay naihahandog ng pamahalaan.\u201d<\/p>\n\n\n\n<p><strong>ANG IPs SA GITNA NG PANDEMYA<\/strong><\/p>\n\n\n\n<p>Tinatayang 10% hanggang 20% ng populasyon ng Pilipinas ay mga IPs. Sila&nbsp; ay kadalasang naninirahan sa mga liblib na komunidad, dahilan ng mabagal na pagpaparating ng impormasyon hinggil sa COVID-19 at mga ipinatutupad na health protocol.&nbsp;<\/p>\n\n\n\n<p>Ika-12 ng Mayo, 2020 nang maitala ang unang kaso ng katutubong natamaan ng COVID-19&nbsp; sa Mindoro. Ang pasyente ay <a href=\"https:\/\/news.mongabay.com\/2020\/08\/for-the-philippines-mangyans-covid-19-extends-a-long-history-of-discrimination\/\"><strong>apat na taong gulang na Mangyan<\/strong><\/a> na, ayon sa ulat, ay may tuberculosis. Bagaman ay gumaling at ang kanyang pamilya ay walang ipinakitang sintomas ng COVID-19, ang kakapusan sa serbisyong medikal ay dahilan kung bakit ang mga sakit na may lunas naman, tulad ng TB, ay hindi agarang nagagamot.<\/p>\n\n\n\n<p>Sa kakulangan din ng edukasyon sa mga rural na komunidad ay mabilis lumaganap ang disimpormasyon na maaring magpatibay ng mga pagdududa ukol sa pandemya.<\/p>\n\n\n\n<p>Maging mga health protocol ay nakakaapekto rin sa kabuhayan ng mga IPs. Ang <a href=\"https:\/\/www.rappler.com\/newsbreak\/in-depth\/isolated-philippine-communities-safe-from-coronavirus-but-not-from-hunger\"><strong>mga Dumagat sa Rizal<\/strong><\/a> ay itinuturing na \u201cgeographically isolated and disadvantaged area\u201d o GIDA dahil sa matayog na lokasyon ng komunidad.<\/p>\n\n\n\n<p>Ayon sa pahayag ng UP AnthroSoc, si Dahlia, isang Dumagat, at ang kanyang ina ay wala umano sa listahan ng mga benepisyaryo ng ayuda ng DSWD sa kanilang barangay. Naging dahilan ito upang siya ay lumuwas at ipagpatuloy ang paghahanap-buhay sa gitna ng pandemya.<\/p>\n\n\n\n<p>Dagdag dito, ang panghihimasok ng mga pwersang militar at malalaking kompanya sa mga komunidad ng IPs ay mas nagpapalala ng kanilang paghihirap at lubusang inilalagay ang kanilang seguridad at buhay sa panganib.<\/p>\n\n\n\n<p><strong>MGA PAG-ATAKE SA IPs<\/strong><\/p>\n\n\n\n<p>Ika-11 ng Oktubre, 2021 nang <a href=\"https:\/\/sinag.press\/news\/2021\/10\/13\/suspected-state-agents-try-to-ntrude-up-diliman-in-search-of-lumad-leaders\/\"><strong>mamataan ang tangkang panghihimasok ng dalawang kahina-hinalang indibidwal<\/strong><\/a> sa isang gusali sa UP Diliman.<\/p>\n\n\n\n<p>\u201cNagpanggap silang donors mula sa organisasyon sa Cebu para papasukin ng guard sa gate. Ngunit noong tinanong sila ng mga taga Bakwit School, nagpakilala naman silang miyembro ng International Maharlika na organisasyon daw ng IP mula sa General Santos City,\u201d <a href=\"https:\/\/www.facebook.com\/706524416086590\/posts\/6241211869284456\/\"><strong>ulat ng Save Our Schools Network<\/strong><\/a>.<\/p>\n\n\n\n<p>Dagdag pa rito, ang mga kinikilalang Aisha Noreen Verano at Don Antono De Nieve ay \u201cpilit\u201d na inuusisa ang kinaroroonan nina Teacher Rius Valle at Bai Bibyaon.<\/p>\n\n\n\n<p>Si Bai Bibyaon ay ang natatanging babaeng chieftain ng Manobo na nanguna sa pag-aaklas ng mga katutubo laban sa kumpanya ng troso na nanghimasok sa Bulubunduking Pantaron taong 1994.<\/p>\n\n\n\n<p>Si Bibyaon ay kasalukuyang nananahan sa isang sangktwaryo sa kamaynilaan. Samantala, ang NCIP ay inakusahan ang SOS Network at Bakwit School sa Diliman ng pagpapabaya sa chieftain at sumang-ayon, kasanib ang Armed Forces of the Philippines (AFP), sa \u201crescue operation\u201d ng chieftain.&nbsp;<\/p>\n\n\n\n<p><a href=\"http:\/\/davaotoday.com\/main\/politics\/manobo-leader-bai-bibyaon-dismisses-rescue-operation-as-military-propaganda\/?fbclid=IwAR325BIfGKFQMc5K3EGGPO0Y8gSLuZxOTNzwa7PmIvX6j-ZsY9-aHrFX9us\"><strong>Kinondena ito ni Bai Bibyaon<\/strong><\/a> bilang isang propagandang militar na naglalayong patahimikin ang mga IP.<\/p>\n\n\n\n<p>Nababahala ang SOS Network na maaaring maulit ang raid na naganap sa Bakwit School sa University of San Carlos-Cebu, kung saan 7 Lumad teachers ang inaresto ng estado matapos silang iredtag at akusahang mga <em>rebeldeng komunista<\/em>.<\/p>\n\n\n\n<p>Samantala, ngayong buwan din inaalala ang pag-apruba sa Batas Republika blg. 8371 o Indigenous Peoples Rights Act (IPRA) noong ika-29 ng Oktubre, 1997.&nbsp;<\/p>\n\n\n\n<p>Isa sa mga layunin ng batas ay ang pagtataguyod sa karapatan ng mga IPs sa kanilang lupang ninuno, at karapatan sa pagpapasya ng anumang proyektong pangsulong sa panawagan nila sa sariling lupa.<\/p>\n\n\n\n<p>Subalit, sa hindi mainam na pagpapairal nito ay sinusupil, hinuhuli, at walang konsensyang pinapatay ang mga IPs ng estado. Sa mga <em>development aggression <\/em>buhat ng pangangamkam ng mga korporasyon sa mga lupang ninuno ng mga IPs, kadalasa\u2019y dinadahas ang mga ito ng mga pwersa ng estado o kaya naman ay pinapipirma sa mga maka-isang panig na mga kasunduan.&nbsp;<\/p>\n\n\n\n<p>Sa hulihan, nauuwi sila sa paglisan ng kanilang mga lupain para na rin sa kanilang kaligtasan. Pinatitirikan ng mga imprastraktura ng estado at malalaking kompanya ang ninakaw na lupa.<\/p>\n\n\n\n<p>Disyembre 2020 naman nang salakayin ng mga militar ang ilang mga baryo sa Aklan sa kanilang umano\u2019y paghahanap ng mga umanong miyembro ng New People\u2019s Army (NPA). Siyam na lider ng <a href=\"https:\/\/news.mongabay.com\/2021\/02\/indigenous-leaders-killed-in-philippines-were-red-tagged-over-dam-opposition\/\"><strong>mga katutubong Tumandok<\/strong><\/a> ang kanilang pinaslang at 16 na miyembro ang inaresto.<\/p>\n\n\n\n<p>Iniuugnay ng ilang human rights at environmental groups ang insidente sa pagpapatayo ng mga dam sa ilog Jalaur at ilog Panay \u2013 bagay na tinututulan ng mga biktima sa engkwentrong militar.<\/p>\n\n\n\n<p>Enero 2021 naman nang maglabas ng <a href=\"https:\/\/www.facebook.com\/SINAG1968\/posts\/2944220319130891\"><strong>pampublikong abiso ang National Commission on Indigenous Peoples (NCIP)<\/strong><\/a> na nagsasaad na ang <em>Tumandok<\/em> \u201cis not one of the indigenous cultural communities duly validated and recognized by the NCIP Regions 6 &amp; 7.\u201d&nbsp;<\/p>\n\n\n\n<p>Malaking dagok ito matapos ang panreredtag ng estado sa mga Tumandok. Ang pagtawag pa ni Duterte sa mga IPs na mga <em>terorista<\/em> ay labis na nakapagpalubha sa kanilang sitwasyon.<\/p>\n\n\n\n<p>Sa kabilang banda, sina Japer Gurung at Junior Ramos, dalawang magsasakang Aeta, naman ang dalawa sa mga unang nakasuhan sa ilalim ng Anti-Terror Law (ATL). Naghain&nbsp; ang dalawa ng petisyon sa pagbabasura ng ATL ngunit, umatras matapos ang maka-ilang pagbisita sa kanila ng mga elemento ng estado.<\/p>\n\n\n\n<p>Pinaghihinalaan ng Sandugo na ang pag-urong ng petisyon nina Gurung at Ramos ay dulot ng \u201cexternal pressure\u201d mula sa pananakot ng NCIP.<\/p>\n\n\n\n<p>Iginigiit ng UP AnthroSoc na huwad ang IPRA at NCIP sa pagrerepresenta nito ng mga IPs. Nagiging daan lamang ang mga ito sa pagkait ng kanilang kalayaan, \u201ckagaya ng pagpapatagal ng proseso upang makakuha ng sertipikasyon para sa kanilang lupang ninuno, kawalan ng consensus sa pagpapatupad ng pagkuha ng kanilang free, prior at informed consent sa iba\u2019t ibang proyekto, at ang paggamit sa NCIP upang mas pahintulutan ang atake sa kanilang mga karapatan.\u201d<\/p>\n\n\n\n<p><strong>PATULOY ANG PAKIKIBAKA<\/strong><\/p>\n\n\n\n<p>Noong 2020 ay may isinampang kasong murder sa Davao del Norte laban sa 10 indibidwal hinggil sa pagpaslang kay Garito Malibato ng katutubong Karadyawan taong 2018. Isa ang <a href=\"https:\/\/www.facebook.com\/csspsinag\/photos\/101498915318805\"><strong>pangalan ng Cordillera Peoples Alliance (CPA) Chairperson Windel Bolinget<\/strong><\/a> sa nakalista.<\/p>\n\n\n\n<p>Si Bolinget ay aktibong nangangampanya laban sa mga pinsalang pangkaligirang dulot ng mga imprastraktura ng malalaking korporasyon sa mga komunidad ng IPs sa Cordillera. Ilang taon na rin siyang minamata ng estado at mga pwersang militar dahil sa kanyang mga aktibong pakikibaka.<\/p>\n\n\n\n<p>Kontra sa kanyang pagkakadawit, ayon sa mga ulat, ay ni hindi pa nakakarating si Bolinget sa lugar ng krimen nang ito\u2019y mangyari. Ang mga katutubo sa lokalidad ay may itinuturong paramilataryong grupo bilang salarin sa insidente. Kaparehas ng itinuturong nagpadala umano ng <em>death threats <\/em>kay Malibato.<\/p>\n\n\n\n<p>Nito rin lamang ika-22 ng Setyembre ay idinawit din ng NCIP ang SOS Network, KATRIBU, at iba pang pormasyong nagtataguyod sa mga karapatan ng IPs bilang mga kabahagi umano ng isang \u201cCommunist Terrorist Group\u201d network.<\/p>\n\n\n\n<p>Samantala, naghayag naman Ang Koalisyon ng Indigenous Peoples (AKO IP) Partylist Chairperson Gil Valera ng pagnanais na pagtulong sa mga IPs upang \u201cyung kamangmangan nila ay maging matalino na sila.\u201d&nbsp;<\/p>\n\n\n\n<p>Tahasang binatikos ng CPA<strong> <\/strong>ang pahayag ng AKO IP at pinaratangang misedukado. Anila, ang mga ganito ring sentimyento ay ugat ng diskriminasyon at maling pakahulugan sa mga IPs.<\/p>\n\n\n\n<p>Iginiit ng CPA: \u201c<a href=\"https:\/\/www.facebook.com\/cpaphils\/posts\/4550249295011896\"><strong>Hindi kami mangmang!<\/strong><\/a>\u201d Ang karunungan ay hindi nakukulob sa mga sulok at pasilyo ng mga institusyong pang-edukasyon. Ang mga IPs ay eredero ng siglo anyos nang kultura at kasanayang may tumbas na panghabang-buhay na karunungan.<\/p>\n\n\n\n<p>Dagdag pa ng CPA, ang mga payasong naninindigan umano kasama ang mga minorya para lamang mailuklok sila sa pwesto ay hindi angkop na kumatawan sa mga IPs sa Kongreso.<\/p>\n\n\n\n<p>\u201cLet us choose public servants that engage our voices and efforts in the process of crafting these laws and the implementation of which,\u201d pagdidiin ng CPA sa nalalapit na halalan.<\/p>\n\n\n\n<p>Patuloy ang pagpapatahimik ng estado sa mga IPs na lumalaban para sa kanilang mga karapatan. Ngunit, sa kabila nito, patuloy pa rin ang kanilang pakikibaka na hindi pasisindak sa mga pananakot ng estado.<\/p>\n\n\n\n<p>\u201cAgbiag dagiti nailyan a minorya! (<em>Mabuhay itong ating mga minoryang kababayan!<\/em>)\u201d tindig ng CPA.<\/p>\n\n\n\n<p><em>Featured image courtesy of PhilStar<\/em><\/p>\n\n\n\n<div class=\"wp-block-image\"><figure class=\"aligncenter is-resized\"><img loading=\"lazy\" decoding=\"async\" src=\"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2021\/07\/cropped-02-sinag-logo_variation-a_black.png?w=512\" alt=\"\" width=\"63\" height=\"63\" \/><\/figure><\/div>\n\n\n\n<p><\/p>\n","protected":false},"excerpt":{"rendered":"<p>Sa ilalim ng rehimeng Duterte ay napaigting at napalala ang paghihirap na nararanasan ng mga IPs. Hindi nila natatamasa ang kanilang \u201ckarapatan sa sariling pagpapasya, lupa, edukasyon, at iba pang batayang serbisyong pampubliko na dapat ay naihahandog ng pamahalaan.\u201d<\/p>\n","protected":false},"author":9,"featured_media":2851,"comment_status":"open","ping_status":"open","sticky":false,"template":"","format":"standard","meta":{"_jetpack_memberships_contains_paid_content":false,"footnotes":""},"categories":[11,12],"tags":[],"ppma_author":[122],"class_list":["post-2846","post","type-post","status-publish","format-standard","has-post-thumbnail","hentry","category-news","category-news-features"],"aioseo_notices":[],"jetpack_featured_media_url":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2021\/10\/sinag-web-banner-1-5-2.png","jetpack-related-posts":[{"id":1095,"url":"https:\/\/sinag.press\/news\/2021\/05\/08\/sandamakmak-na-sala-ni-sinas\/","url_meta":{"origin":2846,"position":0},"title":"Sandamakmak na sala ni Sinas","author":"emdeborja","date":"8 May 2021","format":"image","excerpt":"Ikubli man ang kasalanan; damitan man ng anumang pangalan at sandamakmak na parangal, ang berdugo ay berdugo pa rin. Ikubli man ang kasalanan; damitan man ng anumang pangalan at sandamakmak na parangal, ang berdugo ay berdugo pa rin. Ang pa-despedida ni Ma\u00f1anita King Debold Sinas ay pag-aresto sa pitong aktibista\u2026","rel":"","context":"In &quot;Quick Pops&quot;","block_context":{"text":"Quick Pops","link":"https:\/\/sinag.press\/news\/category\/quick-pops\/"},"img":{"alt_text":"","src":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2021\/05\/axe-1.png?resize=350%2C200&ssl=1","width":350,"height":200,"srcset":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2021\/05\/axe-1.png?resize=350%2C200&ssl=1 1x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2021\/05\/axe-1.png?resize=525%2C300&ssl=1 1.5x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2021\/05\/axe-1.png?resize=700%2C400&ssl=1 2x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2021\/05\/axe-1.png?resize=1050%2C600&ssl=1 3x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2021\/05\/axe-1.png?resize=1400%2C800&ssl=1 4x"},"classes":[]},{"id":6279,"url":"https:\/\/sinag.press\/news\/2024\/03\/11\/hindi-madudukot-ang-bukas-nagkakaisang-awit-ng-pambansang-minorya-sa-rev-music-festival\/","url_meta":{"origin":2846,"position":1},"title":"Hindi madudukot ang bukas: Nagkakaisang awit ng Pambansang Minorya sa REV Music Festival","author":"Staff","date":"11 March 2024","format":false,"excerpt":"[PARTNERSHIP] Kasabay ng pag-indak at pag-awit ng iba\u2019t ibang artista\u2019t grupo, itinambol din ang awit ng UP Fair Rev Music Festival ang awitin ng pag-asa ng mga pambansang minorya \u2013 pag-asa para sa pagwakas sa lantarang pasismo ng estado, pagtiyak ng kanilang batayang karapatan, at pagkamit sa ganap na tagumpay.\u00a0\u00a0\u00a0\u2026","rel":"","context":"In &quot;Features&quot;","block_context":{"text":"Features","link":"https:\/\/sinag.press\/news\/category\/features\/"},"img":{"alt_text":"","src":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2024\/03\/dsc_0012-1-scaled.jpg?resize=350%2C200&ssl=1","width":350,"height":200,"srcset":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2024\/03\/dsc_0012-1-scaled.jpg?resize=350%2C200&ssl=1 1x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2024\/03\/dsc_0012-1-scaled.jpg?resize=525%2C300&ssl=1 1.5x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2024\/03\/dsc_0012-1-scaled.jpg?resize=700%2C400&ssl=1 2x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2024\/03\/dsc_0012-1-scaled.jpg?resize=1050%2C600&ssl=1 3x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2024\/03\/dsc_0012-1-scaled.jpg?resize=1400%2C800&ssl=1 4x"},"classes":[]},{"id":6876,"url":"https:\/\/sinag.press\/news\/2024\/10\/03\/bagong-lipunan-noon-bagong-pilipinas-ngayon\/","url_meta":{"origin":2846,"position":2},"title":"Bagong Lipunan Noon, Bagong Pilipinas Ngayon: Iisang Retorika, Parehong Pasista","author":"Princess Sacendoncillo","date":"3 October 2024","format":false,"excerpt":"Nang mapasakamay ng dating diktador na si Ferdinand Marcos Sr., ang Pilipinas,bahagi ng kanyang pagtatangka na hubugin ang lipunan ay ang pagpapatupad ng Batas Militar noong 1972, at ang paglulunsad ng kanyang propagandang \u201cBagong Lipunan\u201d. Ipinakilala bilang isang landas tungo sa maunlad at nagkakaisang lipunan \u2014 ngunit ang pagsasaayos ng\u2026","rel":"","context":"In &quot;Features&quot;","block_context":{"text":"Features","link":"https:\/\/sinag.press\/news\/category\/features\/"},"img":{"alt_text":"","src":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2024\/10\/fnztw1fC.jpg?resize=350%2C200&ssl=1","width":350,"height":200,"srcset":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2024\/10\/fnztw1fC.jpg?resize=350%2C200&ssl=1 1x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2024\/10\/fnztw1fC.jpg?resize=525%2C300&ssl=1 1.5x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2024\/10\/fnztw1fC.jpg?resize=700%2C400&ssl=1 2x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2024\/10\/fnztw1fC.jpg?resize=1050%2C600&ssl=1 3x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2024\/10\/fnztw1fC.jpg?resize=1400%2C800&ssl=1 4x"},"classes":[]},{"id":5027,"url":"https:\/\/sinag.press\/news\/2022\/07\/26\/ang-sana-ng-masa-sa-sona\/","url_meta":{"origin":2846,"position":3},"title":"Ang &#8220;Sana&#8221; ng Masa sa SONA","author":"Staff","date":"26 July 2022","format":false,"excerpt":"Bitbit ng bawat sektor ang kani-kanilang kampanya\u2019t ilang inaasahan sa nakaraang SONA ng Bayan. Pagdidiin nila, nawa\u2019y tuparin ni Marcos, Jr. ang kaniyang mabulaklak na mga pangako. Ngunit, sa kaniyang unang SONA, klaro ang linyang kaniyang iginuguhit sa tatakbuhin ng rehimen nila ni Inday Sara. Bitbit ng bawat sektor ang\u2026","rel":"","context":"In &quot;Others&quot;","block_context":{"text":"Others","link":"https:\/\/sinag.press\/news\/category\/others\/"},"img":{"alt_text":"","src":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/07\/sinag-web-banner-1-6-1.png?resize=350%2C200&ssl=1","width":350,"height":200,"srcset":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/07\/sinag-web-banner-1-6-1.png?resize=350%2C200&ssl=1 1x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/07\/sinag-web-banner-1-6-1.png?resize=525%2C300&ssl=1 1.5x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/07\/sinag-web-banner-1-6-1.png?resize=700%2C400&ssl=1 2x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/07\/sinag-web-banner-1-6-1.png?resize=1050%2C600&ssl=1 3x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/07\/sinag-web-banner-1-6-1.png?resize=1400%2C800&ssl=1 4x"},"classes":[]},{"id":2697,"url":"https:\/\/sinag.press\/news\/2021\/10\/05\/anak-ng-diktador-magnanakaw-at-human-right-violator-tatakbong-pangulo-sa-2022\/","url_meta":{"origin":2846,"position":4},"title":"Anak ng diktador, magnanakaw, at human rights violator, tatakbong pangulo sa 2022","author":"emdeborja","date":"5 October 2021","format":false,"excerpt":"Inaasahang nasa P96.03 milyon at $5.4 milyong ang halaga ng bayarin ng RTB mula sa ninakaw na bank certificates ng mga Marcos sa taumbayan. Pormal nang inanunsyo ng anak ng diktador at talunan sa pagka bise-presidente noong 2016 na si Bongbong Marcos ang kaniyang pagtakbo bilang pangulo sa eleksyon sa\u2026","rel":"","context":"In &quot;National News&quot;","block_context":{"text":"National News","link":"https:\/\/sinag.press\/news\/category\/news\/national-news\/"},"img":{"alt_text":"","src":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2021\/10\/picture2-1.png?resize=350%2C200&ssl=1","width":350,"height":200,"srcset":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2021\/10\/picture2-1.png?resize=350%2C200&ssl=1 1x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2021\/10\/picture2-1.png?resize=525%2C300&ssl=1 1.5x"},"classes":[]},{"id":1988,"url":"https:\/\/sinag.press\/news\/2021\/09\/06\/wika-filipino-at-ang-kamalayang-pilipino-sa-gitna-ng-pandemya\/","url_meta":{"origin":2846,"position":5},"title":"Wika, Filipino, at ang kamalayang Pilipino sa gitna ng pandemya","author":"Staff","date":"6 September 2021","format":false,"excerpt":"Kung kaya\u2019t bilang bahagi ng panawagan sa nagdaang Buwan ng mga Wika, panahon na upang gawing aksesible at tunay na nagsisilbi sa masang Pilipino ang karunungang agham at medisina.\u00a0 Susi sa isang mapagpanibagong demokrasya at lipunan ang pagkakaroon ng bukas na komunikasyon. Marapat na ang impormasyon at kaalaman ay aksesible\u2026","rel":"","context":"In &quot;Opinion&quot;","block_context":{"text":"Opinion","link":"https:\/\/sinag.press\/news\/category\/opinion\/"},"img":{"alt_text":"","src":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2021\/09\/full-1-1.png?resize=350%2C200&ssl=1","width":350,"height":200,"srcset":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2021\/09\/full-1-1.png?resize=350%2C200&ssl=1 1x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2021\/09\/full-1-1.png?resize=525%2C300&ssl=1 1.5x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2021\/09\/full-1-1.png?resize=700%2C400&ssl=1 2x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2021\/09\/full-1-1.png?resize=1050%2C600&ssl=1 3x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2021\/09\/full-1-1.png?resize=1400%2C800&ssl=1 4x"},"classes":[]}],"jetpack_sharing_enabled":true,"authors":[{"term_id":122,"user_id":9,"is_guest":0,"slug":"csspsinag","display_name":"Staff","avatar_url":"https:\/\/secure.gravatar.com\/avatar\/194807626fee183640d3de57e788ba7c8c0d40bd86bfc1237bed56bcd3832c1b?s=96&d=mm&r=g","0":null,"1":"","2":"","3":"","4":"","5":"","6":"","7":"","8":""}],"_links":{"self":[{"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/posts\/2846","targetHints":{"allow":["GET"]}}],"collection":[{"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/posts"}],"about":[{"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/types\/post"}],"author":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/users\/9"}],"replies":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/comments?post=2846"}],"version-history":[{"count":0,"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/posts\/2846\/revisions"}],"wp:featuredmedia":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/media\/2851"}],"wp:attachment":[{"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/media?parent=2846"}],"wp:term":[{"taxonomy":"category","embeddable":true,"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/categories?post=2846"},{"taxonomy":"post_tag","embeddable":true,"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/tags?post=2846"},{"taxonomy":"author","embeddable":true,"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/ppma_author?post=2846"}],"curies":[{"name":"wp","href":"https:\/\/api.w.org\/{rel}","templated":true}]}}