{"id":2909,"date":"2021-10-22T16:05:55","date_gmt":"2021-10-22T08:05:55","guid":{"rendered":"https:\/\/csspsinag.wordpress.com\/?p=2909"},"modified":"2021-10-22T16:05:55","modified_gmt":"2021-10-22T08:05:55","slug":"baklakid-isang-rebyu-sa-rainbows-sunset","status":"publish","type":"post","link":"https:\/\/sinag.press\/news\/2021\/10\/22\/baklakid-isang-rebyu-sa-rainbows-sunset\/","title":{"rendered":"Ba(k)lakid: Isang Rebyu sa Rainbow\u2019s Sunset"},"content":{"rendered":"\n<p class=\"wp-block-paragraph\">Ang pag-ibig ay isang aspekto ng pagkatao na kinagisnan nating lahat \u2014 mula bata hanggang pagtanda, mayaman ka man o mahirap, babae ka man o lalaki, at kahit na iyong mga \u2019di ikinakategorya ang sarili bilang isang babae o lalaki.<\/p>\n\n\n\n<!--more-->\n<!--noteaser-->\n\n\n\n<hr class=\"wp-block-separator is-style-wide\" \/>\n\n\n\n<figure class=\"wp-block-image size-large is-resized\"><a href=\"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2021\/10\/nijassie.png\"><img loading=\"lazy\" decoding=\"async\" src=\"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2021\/10\/nijassie.png?w=826\" alt=\"\" class=\"wp-image-2911\" width=\"135\" height=\"167\" \/><\/a><\/figure>\n\n\n\n<p class=\"wp-block-paragraph\">Ang pag-ibig ay isang aspekto ng pagkatao na kinagisnan nating lahat \u2014 mula bata hanggang pagtanda, mayaman ka man o mahirap, babae ka man o lalaki, at kahit na iyong mga \u2019di ikinakategorya ang sarili bilang isang babae o lalaki. Ang moderno at romantikong kuwento ng pag-iibigang LGBTQ+ ay lantaran sa pelikula ni Joel Lamangan na pinamagatang, \u201cThe Rainbow\u2019s Sunset\u201d.&nbsp; Ito ay pinagbibidahan ng mga batikang aktor sa larangan ng teatro at pagganap na sina Eddie Garcia at Tony Mabesa bilang magkasintahan, at si Gloria Romero na gumanap bilang asawa ng karakter ni Eddie Garcia.&nbsp;<\/p>\n\n\n\n<p class=\"wp-block-paragraph\">Ang pelikula ay pumapalibot sa istorya tungkol sa pagpapasya ng retiradong senador na si Ramon Estrella (Eddie Garcia) na lumipat kasama ang kanyang &#8220;matalik na kaibigan&#8221; na si Fredo (Tony Mabesa) matapos malaman na mayroon itong malubhang <em>cancer.<\/em> Si Ramon ay&nbsp; pinagbigyan ng kanyang asawa (Gloria Romero) sa napiling desisyon, ngunit ang tatlong anak niya ay tutol dito. Sa kabila nito, ipinaglaban ni Ramon ang kanyang desisyon at idineklara na mahal niya ang kanyang kaibigan \u2014 na ninong ng tatlo kapwa sa binyag at kasal \u2014 katulad ng pagmamahal niya sa kanyang asawa.<\/p>\n\n\n\n<p class=\"wp-block-paragraph\">Ang panganay sa dalawang anak na babae ni Ramon ang nag-iisang humalili sa kanyang ama sa larangan ng politika. Sa katunayan, siya ay bagong halal na alkalde ng kanilang lungsod. Samantala, ang panganay na lalaki ay tinaguriang isang mahinang nilalang na may bahid na burukrata, at ang bunsong anak na babae naman ay isang peminista at aktibista.&nbsp; Noong kumampi ang panganay at bunso sa kanilang ama at ninong, ito ay nagresulta sa ganap na hidwaan sa pagitan ng magkakapatid na Estrella. Pilit na ipinagkakasundo ng ina ang mga anak, sa tulong ng kaunting paggabay ng haligi ng tahanan. Sa kalaunan ay napatunayan na mas makapal ang dugo kaysa sa tubig,&nbsp; bagaman hindi pa rin maayos-ayos ang lahat ng pagkakaiba ng magkakapatid.&nbsp;<\/p>\n\n\n\n<p class=\"wp-block-paragraph\">Ang pelikula ay pinamagatang &#8220;Rainbow&#8217;s Sunset.&#8221; Kinakatawan ng pamagat ang katangi-tanging pagmamahalan nina Ramon at Fredo na kapwa nasa takipsilim na ng buhay. Ang bahaghari ay isang simbolo na sumasagisag sa komunidad ng LGBTQ+. Dinesenyo ni Gilbert Baker ang bandilang bahaghari para sa Pagdiriwang ng <em>Gay Freedom<\/em> ng <em>San Francisco<\/em> noong 1978. Ang mga sumusunod ay ang kinakatawan ng mga kulay sa <em>rainbow flag<\/em>: ang pula ay nangangahulugang sekswalidad at buhay; kahel para sa paggaling; dilaw para sa araw; luntian&nbsp; para sa kalikasan; <em>indigo<\/em> para sa pagkakasundo; at kulay lila para sa kaluluwa. Dagdag pa rito, ang simbolismo ng <em>\u201csunset\u201d<\/em> o paglubog ng araw ay naglalarawan sa katapusan ng buhay o huling buhay ng pagmamahalan ng dalawang matanda na nagbunsod sa lilim ng bahaghari. Ang paglubog ng araw ay nagbibigay-diin sa pagtatapos ng araw at pagsapit ng gabi na nagdudulot muli sa panibagong araw na darating sa susunod na pagsikat ng araw sa silangan.<\/p>\n\n\n\n<p class=\"wp-block-paragraph\">&nbsp;Tiyak na maaantig ng \u201cRainbow\u2019s Sunset\u201d ang puso ng maraming manonood dahil marami itong maipapahayag tungkol sa pangkalahatang pagtanggap ng pag-ibig sa modernong lipunan. Una, sa pamamagitan ng paggamit ng may edad na magkasintahan, nabibigyang-diin nito na ang pag-ibig ay umiiral sa maraming anyo, sa iba\u2019t ibang aspekto ng pagkakaiba at pagkakapareho.<\/p>\n\n\n\n<p class=\"wp-block-paragraph\">Pangalawa, winawakasan ng pelikula ang <em>stereotype <\/em>na ang ama ang tanging makapagbibigay ng resolusyon sa mga suliranin ng pamilya.&nbsp; Ipinakita rito kung gaano kahalaga ang papel ng ina sa anyo ni Sylvia (Gloria Romero) sa isang sambahayan, at ang lakas na kinakailangan upang maging isang sandigan sa panahong umaasa ang&nbsp; mga miyembro ng pamilya sa kalinga at patnubay niya.<\/p>\n\n\n\n<p class=\"wp-block-paragraph\">Pangatlo, bukod sa <em>cinematography<\/em>, ang pagkakaisa ng kagalingan sa pagganap ng mga karakter ang pangunahing nagbigay hustisya sa madla. Kahit na ang Pilipinas ay isang patriyarkal na lipunan, ang sitwasyong ito ay makikita sa lipunang Pilipino. Madalas ang ilaw ng tahanan ang siyang nangangasiwa sa mga kalakaran ng pamamahay, sa ilalim ng patnubay at tulong na rin ng haligi ng tahanan. Ito ay sanhi ng pag-aaklas at ang pagkakapantay-pantay sa kasarian na pinapairal natin sa kasalukuyan.<\/p>\n\n\n\n<p class=\"wp-block-paragraph\">Ikaapat, umiinog ang balangkas ng pelikula sa kasalukuyang sitwasyon ng bansa hinggil sa adbokasiyang nagpapalaganap ng unti-unting pagtanggap sa mga miyembro ng LGBTQ+. Sa huli, naipalabas ng pelikula ang antas ng pagtanggap ng buong pamilya sa <em>gender preference<\/em> ng kanilang ama. Ang mga Pilipino ay katulad na lamang ng pamilyang Estrella. Dahil sa post-kolonyal na mga pananaw na nagbahid ng kaisipang nagbabawal sa pag-iibigan ng parehong mga kasarian, tayo ay bulag, walang malay at may pagkiling sa kamalayang nagsasangkot ng pagtanggap sa lahat ng mga kagustuhan ng bawat indibidwal. Tayo ay naiimpluwensiyahan ng mga pagdedesisyong nagdudulot ng pinsala sa pagkakakilanlan ng iba dahil lamang sa kasarian nito.<\/p>\n\n\n\n<p class=\"wp-block-paragraph\">Liban sa&nbsp; mga natanggap na kritik dahil sa maselang tema ng pelikula, kinakatawan ng pelikulang ito nang husto ang mga pamantayang panlipunan sa maraming aspekto. Itinuturo nito na mayroong talagang uri ng pag-ibig na tutol ang sambayanan. Ang pelikula ay nagdadala rin ng mensaheng hindi binibigyang katwiran ang isang paninindigan dahil lamang hindi ito tanggap sa nakasanayang pamantayan.&nbsp;<\/p>\n\n\n\n<p class=\"wp-block-paragraph\">Bagaman ang mga nabanggit na salik&nbsp; ay nagdudulot ng kalakasan ng \u201cRainbow\u2019s Sunset\u201d, napatunayan din na nagsisilbi rin itong kahinaan nito sapagkat ay mahihinuhang hindi tuwirang nakamit ang inaasahang kinahihinatnan mula rito.&nbsp;<\/p>\n\n\n\n<p class=\"wp-block-paragraph\">Una, bagaman maayos na&nbsp; naisabuhay ng mga aktor ang bawat&nbsp; karakter nila, tila ay ginamit lamang bilang ikalawang tema o <em>subplot <\/em>ang temang LGBTQ+, o ang pag-iibigan ng mga matanda dahil mas napako sa isipan ng mga manonood ang <em>drama <\/em>sa pagitan ng mga miyembro ng pamilya. Ito ay tumutukoy sa paglutas ng hidwaan ng magkakapatid dulot ng \u2018di pagsang-ayon sa pagmamahalan ng dalawa. Maaaring nalilito ang mga manonood sa direksyon ng pelikula sapagkat nabahiran ng paksang <em>family drama <\/em>ang adbokasiyang mensahe para sa LGBTQ+. Habang ang mga sigalot sa pagitan ng&nbsp; magkakapatid na Estrella ay ipinakilala, ang kuwento lamang ni Eman ang buong ginalugad. Samakatuwid, ang mga gusot at hindi pagkakasundo ay isinantabi at hindi nabigyang linaw, katulad na lamang ng mga baho na ikinikimkim ng ibang mga kabahagi ng pamilya.&nbsp;<\/p>\n\n\n\n<p class=\"wp-block-paragraph\">Pangalawa, kahit na naging inklusibo ang istorya sa pagtanggap ng pag-ibig sa iba\u2019t-ibang perspektibo, nabigong bigyang katwiran at imulat ang mga manonood sa \u201cbisexualidad\u201d ni Ramon na kung saan ay nabigyang-diin nang nagpaliwanag siya sa kaniyang mga anak na mahal niya ang kanyang kumpare katulad na lamang ng pagmamahal niya sa kanyang asawa ng anim na dekada. Ang biseksuwalidad ay isang pangkalahatang termino kapag ang isang indibidwal ay nakakaramdam ng atraksyon sa kapwa lalaki at babae sa pisikal, sekswal o emosyonal na aspekto. Sa madaling salita, ito ay maituturing na romantikong pagkahumaling at seksuwal na pagkaakit sa kapwa lalaki at babae, o sa higit pa sa isang kasarian.&nbsp;<\/p>\n\n\n\n<p class=\"wp-block-paragraph\">Bilang pagkalahatang pagkalugod, ang \u201cRainbow\u2019s Sunset\u201d ay isang magandang pelikula. Patunay na rito ang pagkakaroon nito ng napakaraming parangal. Binigyang saysay nito ang kakayahan ng pag-ibig sa maraming anyo \u2014 bata o matanda, mayaman o mahirap, babae man o lalaki, at kahit na iyong mga \u2019di ikinakategorya ang sarili bilang isang babae o lalaki.&nbsp;<\/p>\n\n\n\n<p class=\"wp-block-paragraph\">Ang pakikibaka ng LGBTQ+ <em>community <\/em>ay hindi tumitigil hanggang sa pagtanggap lamang ng pamayanan sa kanila. Kailangan din kilalanin at mapagtanto nang tuluyan ng lahat ng mamamayan, pati na rin ng pamahalaan, ang kanilang mga karapatan. Dahil sa patuloy na pagkabigo ng Kongreso na maipasa ang isang pambansang batas laban sa diskriminasyon, ang mga tagapagtaguyod ng LGBTQ+ ay humihingi ng iba pang mga paraan upang maprotektahan ang komunidad mula sa diskriminasyon.<\/p>\n\n\n\n<p class=\"wp-block-paragraph\">Nararapat na maisulong ang SOGIE Equality Bill, dahil sa pagsulong nito ay maiinstitusyonalisa ang pagprotekta sa karapatan ng bawat indibidwal, anuman ang kanilang sekswal na oryentasyon at pagkakakilanlan ng kasarian. Ang pagsulong ng SOGIE Equality Bill ay hindi panlalamang ng komunidad ng LGBTQ+ sa iba pang mga pagkakakilanlan ng kasarian. Sa halip, nag-aasam ito ng pagkakapantay-pantay upang matupad ang pantay na sugnay ng proteksyon. Kinikilala lamang nito na ang mga karapatan ng komunidad ay protektado tulad sa iba. Hindi ito isang karangyaan;&nbsp; pinag-uusapan lamang nito ang pangunahing mga karapatang pantao.&nbsp;<\/p>\n\n\n\n<p class=\"wp-block-paragraph\">Hindi nilalayon ng SOGIE Equality Bill na ilagay ang komunidad sa isang pedestal; bagkus, ang pangunahing mga karapatang pantao ay hindi espesyal na karapatan o isang karangyaan, ito ay mga karapatan na karapat-dapat sa bawat lahat. Walang sinuman ang dapat mabuhay sa takot na maging kanilang tunay na sarili. Ang pagiging <em>lesbian, gay, bisexual, transgender, queer, intersex, asexual, non-binary, <\/em>at higit pa sa spectrum ay hindi isang krimen. Ang pag-ibig ay mula sa lahat, at para sa lahat. Ito ang nagbibigkis sa isang pagsasamahang puno ng kaligayahan at kalayaan. Ang tunay na makakapagbigay sa atin ng kalayaan ay ang pagtanggap at pagpapaubaya sa lahat, kabilang na ang ating sarili.\u00a0<\/p>\n\n\n\n<p class=\"wp-block-paragraph\"><em>Featured image courtesy of Rainbow&#8217;s Sunset Facebook Page.<\/em><\/p>\n\n\n<div class=\"wp-block-image aligncenter\">\n<figure class=\"size-large is-resized\"><a href=\"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2021\/09\/02-sinag-logo_variation-a_black.png\"><img decoding=\"async\" src=\"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2021\/09\/02-sinag-logo_variation-a_black.png?w=1024\" alt=\"\" class=\"wp-image-2433\" width=\"63\" \/><\/a><\/figure>\n<\/div>","protected":false},"excerpt":{"rendered":"<p>Ang pag-ibig ay isang aspekto ng pagkatao na kinagisnan nating lahat \u2014 mula bata hanggang pagtanda, mayaman ka man o mahirap, babae ka man o lalaki, at kahit na iyong mga \u2019di ikinakategorya ang sarili bilang isang babae o lalaki.<\/p>\n","protected":false},"author":9,"featured_media":2914,"comment_status":"open","ping_status":"open","sticky":false,"template":"","format":"standard","meta":{"_jetpack_memberships_contains_paid_content":false,"footnotes":""},"categories":[9],"tags":[],"ppma_author":[122],"class_list":["post-2909","post","type-post","status-publish","format-standard","has-post-thumbnail","hentry","category-features"],"aioseo_notices":[],"jetpack_featured_media_url":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2021\/10\/113-1.png","jetpack-related-posts":[{"id":7279,"url":"https:\/\/sinag.press\/news\/2026\/02\/15\/kahit-kamatayan-ay-hindi-tayo-mapaghihiwalay\/","url_meta":{"origin":2909,"position":0},"title":"Kahit Kamatayan ay Hindi Tayo Mapaghihiwalay","author":"Staff","date":"15 February 2026","format":false,"excerpt":"Kasalanan daw ang ibigin ka. Nakadidiri at nakahahawa\u2014matagal kong kinimkim ang nararamdaman ko, na parang isang sakit na mahirap gamutin. Gusto kong punitin ang suot-suot kong gown ngayon. Maganda naman ang tela, pero nangangati akong hubarin ito. Ang fantasy ko? Custom-made na cropped Barong Tagalog, at mahabang paldang sumasayad sa\u2026","rel":"","context":"In &quot;Literary&quot;","block_context":{"text":"Literary","link":"https:\/\/sinag.press\/news\/category\/literary\/"},"img":{"alt_text":"","src":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2026\/02\/ILLUSTRATION-.png?resize=350%2C200&ssl=1","width":350,"height":200,"srcset":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2026\/02\/ILLUSTRATION-.png?resize=350%2C200&ssl=1 1x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2026\/02\/ILLUSTRATION-.png?resize=525%2C300&ssl=1 1.5x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2026\/02\/ILLUSTRATION-.png?resize=700%2C400&ssl=1 2x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2026\/02\/ILLUSTRATION-.png?resize=1050%2C600&ssl=1 3x"},"classes":[]},{"id":7276,"url":"https:\/\/sinag.press\/news\/2026\/02\/15\/iniibig-ka-kahit-sa-mga-panandaliang-pagbitaw\/","url_meta":{"origin":2909,"position":1},"title":"Iniibig ka, Kahit sa mga Panandaliang Pagbitaw","author":"Staff","date":"15 February 2026","format":false,"excerpt":"sulat ni Karl Angelo R. Vicedo Ipinangapangako kong lagi kong babalikan ang gabing iyon kung saan banayad ang agos ng gabi, dahan-dahan ngunit may patutunguhan, lalo pa\u2019t ikaw ang katabi.\u00a0 Sa paligid, umiindak ang lahat: mga ilaw na parang nagtatampisaw sa kadiliman, hanging malamig sa bagong taon, halakhakang tayo lamang\u2026","rel":"","context":"In &quot;Literary&quot;","block_context":{"text":"Literary","link":"https:\/\/sinag.press\/news\/category\/literary\/"},"img":{"alt_text":"","src":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2026\/02\/NO-TEXT-Iniibig-Ka-%E2%80%94-Ria.jpeg?resize=350%2C200&ssl=1","width":350,"height":200,"srcset":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2026\/02\/NO-TEXT-Iniibig-Ka-%E2%80%94-Ria.jpeg?resize=350%2C200&ssl=1 1x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2026\/02\/NO-TEXT-Iniibig-Ka-%E2%80%94-Ria.jpeg?resize=525%2C300&ssl=1 1.5x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2026\/02\/NO-TEXT-Iniibig-Ka-%E2%80%94-Ria.jpeg?resize=700%2C400&ssl=1 2x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2026\/02\/NO-TEXT-Iniibig-Ka-%E2%80%94-Ria.jpeg?resize=1050%2C600&ssl=1 3x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2026\/02\/NO-TEXT-Iniibig-Ka-%E2%80%94-Ria.jpeg?resize=1400%2C800&ssl=1 4x"},"classes":[]},{"id":6950,"url":"https:\/\/sinag.press\/news\/2025\/03\/09\/mga-katanungan-para-sa-labindalawang-taong-nakilala-ko-sa-tren\/","url_meta":{"origin":2909,"position":2},"title":"Mga Katanungan Para Sa Labindalawang Taong Nakilala Ko Sa Tren","author":"Staff","date":"9 March 2025","format":false,"excerpt":"Hindi ako sumasakay ng tren. Mainit, siksikan, pagod ka na bago ka pa makarating sa iyong paroroonan. Ngunit bilang isang alternatibong mamamahayag, bahagi ng aking obra ang maglathala ng kuwento ng masa, at hindi ito magagawa ng isang taong hindi bahagi ng katipunan. Sa ganoong gana, kinailangan kong sumakay ng\u2026","rel":"","context":"In &quot;Literary&quot;","block_context":{"text":"Literary","link":"https:\/\/sinag.press\/news\/category\/literary\/"},"img":{"alt_text":"","src":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2025\/03\/MIKA-LITERARY-PUB.png?resize=350%2C200&ssl=1","width":350,"height":200,"srcset":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2025\/03\/MIKA-LITERARY-PUB.png?resize=350%2C200&ssl=1 1x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2025\/03\/MIKA-LITERARY-PUB.png?resize=525%2C300&ssl=1 1.5x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2025\/03\/MIKA-LITERARY-PUB.png?resize=700%2C400&ssl=1 2x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2025\/03\/MIKA-LITERARY-PUB.png?resize=1050%2C600&ssl=1 3x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2025\/03\/MIKA-LITERARY-PUB.png?resize=1400%2C800&ssl=1 4x"},"classes":[]},{"id":5074,"url":"https:\/\/sinag.press\/news\/2022\/08\/08\/mga-pag-ibig-na-nananaig-sa-gitna-ng-dulo\/","url_meta":{"origin":2909,"position":3},"title":"Mga pag-ibig na nananaig sa gitna ng dulo","author":"Staff","date":"8 August 2022","format":false,"excerpt":"Malayo sa mga tsismis na ang Katips ay pawang paninira lamang at galit sa mga Marcos, matalas at matapang nitong inilahad sa pamamagitan ng musika at kuwentong pag-ibig ang mga nangyari sa ilalim ng malagim na Batas na Militar ng diktador na si Ferdinand Marcos Sr.\u00a0 Ipinakita ng Katips na\u2026","rel":"","context":"In &quot;Features&quot;","block_context":{"text":"Features","link":"https:\/\/sinag.press\/news\/category\/features\/"},"img":{"alt_text":"","src":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/08\/sinag-web-banner-16-1.png?resize=350%2C200&ssl=1","width":350,"height":200,"srcset":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/08\/sinag-web-banner-16-1.png?resize=350%2C200&ssl=1 1x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/08\/sinag-web-banner-16-1.png?resize=525%2C300&ssl=1 1.5x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/08\/sinag-web-banner-16-1.png?resize=700%2C400&ssl=1 2x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/08\/sinag-web-banner-16-1.png?resize=1050%2C600&ssl=1 3x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/08\/sinag-web-banner-16-1.png?resize=1400%2C800&ssl=1 4x"},"classes":[]},{"id":6985,"url":"https:\/\/sinag.press\/news\/2025\/03\/25\/disinuwebe-anyos\/","url_meta":{"origin":2909,"position":4},"title":"Disinuwebe Anyos","author":"Staff","date":"25 March 2025","format":false,"excerpt":"Kailan, saan nga ba nagsisimula ang pagiging babae?\u00a0 \u201cNamumulaklak ang ganda mo, babae \u2018yan sigurado.\u201d bungad ni tiyang sa nanay. Naniniwala naman ang tiyang sa kahit ano, kaya hindi mo rin masabi kung totoo.\u00a0 \u201cBabae ho.\u201d banggit ng doktor. Tuwang-tuwa ang tatay sapagkat hindi niya kailanmang iibiging magluwal ang nanay\u2026","rel":"","context":"In &quot;Literary&quot;","block_context":{"text":"Literary","link":"https:\/\/sinag.press\/news\/category\/literary\/"},"img":{"alt_text":"","src":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2025\/03\/2025-03-25-Disinuwebe.png?resize=350%2C200&ssl=1","width":350,"height":200,"srcset":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2025\/03\/2025-03-25-Disinuwebe.png?resize=350%2C200&ssl=1 1x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2025\/03\/2025-03-25-Disinuwebe.png?resize=525%2C300&ssl=1 1.5x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2025\/03\/2025-03-25-Disinuwebe.png?resize=700%2C400&ssl=1 2x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2025\/03\/2025-03-25-Disinuwebe.png?resize=1050%2C600&ssl=1 3x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2025\/03\/2025-03-25-Disinuwebe.png?resize=1400%2C800&ssl=1 4x"},"classes":[]},{"id":3807,"url":"https:\/\/sinag.press\/news\/2022\/02\/14\/kababaihan-at-agham-para-sa-lipunang-malaya\/","url_meta":{"origin":2909,"position":5},"title":"Kababaihan at Agham Para sa Lipunang Malaya","author":"Staff","date":"14 February 2022","format":false,"excerpt":"Dakilang gawain ang pagpapasiya ng mga kababaihan na piliin ang agham bilang larangan ng kanilang propesyon. Malimit na ipinagdiriwang ang tagumpay ng mga kababaihan sa pagpapakadalubhasa sa larangan ng agham dahil sa patriyarkal na sistema o ang kadalasang pagkilala lamang sa mga kalalakihan kaysa sa mga kababaihan. Sa Lente ng\u2026","rel":"","context":"In &quot;Features&quot;","block_context":{"text":"Features","link":"https:\/\/sinag.press\/news\/category\/features\/"},"img":{"alt_text":"","src":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/02\/sinag-web-banner-31-1.png?resize=350%2C200&ssl=1","width":350,"height":200,"srcset":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/02\/sinag-web-banner-31-1.png?resize=350%2C200&ssl=1 1x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/02\/sinag-web-banner-31-1.png?resize=525%2C300&ssl=1 1.5x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/02\/sinag-web-banner-31-1.png?resize=700%2C400&ssl=1 2x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/02\/sinag-web-banner-31-1.png?resize=1050%2C600&ssl=1 3x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/02\/sinag-web-banner-31-1.png?resize=1400%2C800&ssl=1 4x"},"classes":[]}],"jetpack_sharing_enabled":true,"authors":[{"term_id":122,"user_id":9,"is_guest":0,"slug":"csspsinag","display_name":"Staff","avatar_url":"https:\/\/secure.gravatar.com\/avatar\/194807626fee183640d3de57e788ba7c8c0d40bd86bfc1237bed56bcd3832c1b?s=96&d=mm&r=g","0":null,"1":"","2":"","3":"","4":"","5":"","6":"","7":"","8":""}],"_links":{"self":[{"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/posts\/2909","targetHints":{"allow":["GET"]}}],"collection":[{"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/posts"}],"about":[{"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/types\/post"}],"author":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/users\/9"}],"replies":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/comments?post=2909"}],"version-history":[{"count":0,"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/posts\/2909\/revisions"}],"wp:featuredmedia":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/media\/2914"}],"wp:attachment":[{"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/media?parent=2909"}],"wp:term":[{"taxonomy":"category","embeddable":true,"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/categories?post=2909"},{"taxonomy":"post_tag","embeddable":true,"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/tags?post=2909"},{"taxonomy":"author","embeddable":true,"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/ppma_author?post=2909"}],"curies":[{"name":"wp","href":"https:\/\/api.w.org\/{rel}","templated":true}]}}